Lunes, Disyembre 20, 2010

NAGSIMULA ITO SA PAGSISISI

Ang iglesya sa ating pagkakaalam ngayon ay nagsimula na may pagsisisi. Nang ipinangaral ni Pedro ang krus sa Pentekostes, libu-libo ang lumapit kay Cristo. Ang bagong iglesyang ito ay ginawa sa isang katawan lamang, sama-sama ang lahat ng lahi, puno ng pag-ibig sa bawat isa. Ang nagkakaisang buhay nito ay minarkahan ng ebanghelismo, espiritu ng sakripisyo, maging ng pagiging martiryo.

Ang kahanga-hangang simula ay nagsasalarawan ng salita ng Diyos kay Jeremias: “Maganda ka noon ng aking itanim, tulad ng malusog na binhi ng piling ubas” (Jeremias 2:21). Gayunman ang mga sumunod na salita ng Diyos ay naglarawan ng madalas na nangyayari sa ganoong gawain: “Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo! Para kang ubas na ligaw, maasim ang bunga at walang pakinabang” (2:21). Sinasabi ng Diyos, “Itinanim kita ng tama. Ikaw ay akin, dala ang aking pangalan at kalikasan. Ngunit ngayon ikaw ay walang pakinabang.”

Ano ang naging dahilan ng walang kapakinabangan sa iglesya? Ito ay dati pa, at patuloy na mangyayari, pagsamba sa diyus-diyusan. Ipinahahayag ng Diyos ang tungkol sa pagsamba sa diyus-diyusan ng sinabi niya kay Jeremias, “Ngunit pinalitan ako ng bayan ko, hindi naman makatutulong sa kanila” (2:21)

Ang madalas na ipinangangaral ng mga Kristiyano ngayon ay nagpapakilala sa diyus-diyusan bilang bagay na nanggagaling sa pagitan niya at ng mga tao ng Diyos . Gayunman iyan ay bahagi lamang ng paglalarawan ng pagsamba sa diyus-diyusan.

Ang pagsamba sa diyus-diyusan ay may kinalaman sa mas malalim na paksa ng puso. Ang nauunang diyus-diyusan sa mga tao ng Diyos ay hindi pangangalunya, pornograpiya o alak. Ito ay mas makapangyarihang pagkasabik sa laman. Ano ang diyus-diyusang ito? Ito ay ambisyosong pagkagutom sa tagumpay. At mayroon itong sariling doktrina para mabigyan katuwiran ito.

Ang diyus-diyusan ng pagiging tagumpay ay naglalarawan ng marami sa tahanan ng Diyos ngayon. Ang mga taong ito ay marangal, may moralidad, at puno ng mabubuting gawa. Ngunit sila ay nagtalaga ng diyus-diyusan ng ambisyon sa kanilang mga puso, at hindi sila mauuga mula sa mga bagay na ito.

Gusto ng Diyos na pagpalain niya ang kanyang mga tao. Nais niya na ang mga tao niya ay magtagumpay sa lahat ng kanilang ginagawa ng tapat. Ngunit ngayon ay may rumaragasang espiritu sa lupa na lumalampas sa nakararami—ito ay espiritu ng pag-ibig para makilala at makamtan ang maraming bagay.

Isang tao na makamundo ang nagsabi kamakailan, “Kung sino ang mamamatay na maraming laruan—ay siyang magwawagi.” Nakalulungkot, maging ang mga Kristiyano, ay napasama sa ganitong pakikipagsabayan.

Gaano kalayo na tayong naligaw mula sa mabuting balita ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagkamatay sa pagkamakasarili, at makamundong ambisyon.