Biyernes, Disyembre 10, 2010

ANG PATULOY NA PAGLAGO NG PAGBUBUHOS

Sa kabanata 47 ng Ezekiel, ipinakikita sa propeta ang mga sumusunod: Sa mga huling araw, ang iglesya ni JesuCristo ay higit na magiging maluwalhati, higit na magtatagumpay, ng higit pa sa buong kasaysayan. Ang tunay na katawan ng Panginoon ay hindi manghihina o magbubuga. Hindi ito mababawasan ng bilang, o mababawasan ang kapangyarihan o ng espirituwal na kapangyarihan. Hindi, ang kanyang iglesya ay lalabas na nag-aapoy at may kaluwalhatian. At magsasaya ito sa kabuuan ng pahayag ni Jesus na hindi pa naranasan ninuman.

Isinulat ni Ezekiel, “Pupuntahan ito ng mga mangingisda” (Ezekiel 47:10). May darating na maraming mananampalataya na lalangoy sa tumataas na tubig sa harapan ng Panginoon.

Ito ang ipinakikita ng Diyos sa atin sa pangarap ni Exekiel ng tumataas na tubig (tingnan Ezekiel 47:3-4).

Nangungusap dito si Ezekiel ng paglago ng Espiritu Santo. Sa mga huling araw, darami ang presensiya ng Diyos sa kanyang mga tao.

Ang pinaka bukal at katatagan ng ilog na ito ay ang krus. Makikita natin ang literal na imahe nito sa mga susunod na talata; “Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig” (Juan 19:34).

Ang patuloy na paglago ng pagdaloy ng tubig ay ang imaheng Pentekostes, nang ipinagkaloob ang Espiritu Santo sa mga alagad. Kasama ng handog na Espiritu, ang mga tagasunod ni Cristo ay binigyan ng pangako na siya ay magiging ilog ng buhay na bubukal sa kalooban nila. At ang ilog na iyan ay dadaloy sa buong sanlibutan (tingnan Juan 7:38-39).

Ang ilog ng buhay ay tataas bago bumalik ang Panginoon. Ito ay naipahayag bago ibinigay ang bisyon kay Ezekiel. Dinala ng Diyos ang propeta sa isang kahanga-hangang paglalakbay. May dalang panukat, nilakad ng Panginoon ang 1,000 metro, mga makatlong-milya. Sa distansang iyon, ang Panginoon at si Ezekiel ay naglakad sa tubig na sa puntong iyon ay may taas na hanggang bukung-bukong.

Saksi ni Exekiel, “Lumusong kami sa tubig” (Ezekiel 47:3). At patuloy na hinihikayat ng Panginoon ang propeta na magpatuloy , palalim at palayo. Pagkatapos ng 1,000 metro pa, ang tubig ay umabot na hanggang tuhod. At patuloy pa itong tumataas.

Nakikita mo ba kung ano ang nangyayari dito? Si Ezekiel ay lumalakad patungo sa kinabukasan, sa ating mismong panahon. Ang mga Kristiyano ngayon ay nabubuhay sa natitirang 1,000 metro ng ilog sa bisyon na ito. Tayo ay nasa huling natititirang sukatan ng tubig. At sinasabi ni Ezekiel na noong siya ay humakbang sa gilid ng sinukat na ito, ang tubig ay lubhang malalim na para sa kanya, lubos na nakadadaig na. “Hindi na ako makalulusong. Malalim na ang tubig at kailangang languyin upang matawid” (47:5).

Nasa imahinasyon ko lamang ang pagtataka ng lalaking ito habang hinihikayat siya ng Paginoon, “Ezekiel. Ano ang dagat na ito na tumaas? Kung ang ilog na ito ay tungkol lahat sa buhay at muling-pagkabuhay ng kapangyarihan, sino ang mga pagpapalain para languyin ang ganitong kaluwalhatian? Makikita lamang niya sa bisyon kung ano ang ating tinatamasa sa ngayon.

Maaring naranasan mo ang presensiya ng Panginoon ng masagana. Maaring mapukaw ang damdamin mo ng kasalukuyang pagpapahayag tungkol sa kanya. Gayunman, sinasabi ko sa iyo, hindi mo pa nakikita ang paghahambing na padating para sa mga makatuwiran. Bubuksan ni Cristo ang ating mga mata at nakamamanghang pagpapakita niya sa ating kalagitnaan. Ipakikita niya ang kanyang sarili sa atin, ibubuhos niya sa atin ang higit sa kanyang buhay na kaya nating mapanindigan na wala sa pagiging may maluwalhating katawan.