Lunes, Disyembre 6, 2010

KUMUHA NG KAPANGYARIHAN NG DIYOS AT HUMAYO!

Pagkatapos na marinig ng mga disipulo ang tungkol sa pagbautismo ng kapangyarihan, “Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito”? (Gawa 1:6). “At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan” (v. 7).

Tumigil at isipin ang tungkol sa implikasyon ng tanong: “Panginoon, ang ibig mo bang sabihin ay sa simula pa sa silid na iyon, na kami lamang ang nandoon, ay panunumbalikin mo ang kaharian ng Israel? Kami ba ang magpapabagsak kay Herodes at sa Roma? Kami ba ang maglilinis ng lupain, magtatatag ng kaharian at muli kang ibalik?

Alam namin na kailangan harapin ni Jesus ang luho ng pamumuno at kapangyarihan ng ilan sa mga disipulo. Ngunit may napansin ako sa mga tanong nila dito na higit pa sa pagkauhaw sa kalalagayan at kapangyarihan. Nangungusap ito ng pantaong pangangailangan na maging bahagi ng ilang dakilang, huling hantungan! Isa itong pangangailangan na maging espesyal—ang maging mga tamang tao sa tamang panahon!

Sa kanilang mga puso maaring sinasabi ng mga disipulo na, “Panginoon nasaan ka sa iyong takdang panghuhula? Isa itong magiging espirituwal na pampasigla na malamang tayo ay nasa dulo na ng pamamahagi at ang isang bagong araw ay sisikat na. Gaano magiging kasabik kami kung ipaalam mo sa amin na kami ay namumuhay at nagmiministeryo sa isang araw ng tadhana—na ginagamit mo kami para tapusin na lahat ito!”

Mga banal, ang katulad na pangangailangan na maging mga tao ng tadhana ay nasa ating lahat sa ilang antas. Ngunit ang tugon ni Jesus dito ay bigla: “Hindi para sayo ang malaman ang takdang panahon.” Si Jesus ay hindi naghahanap ng mga lalake at babae ng tadhana. Nais niya lamang ng saksi para sa kanya! Sinasabi niya, “Ang usapin ay hindi ang ‘sandali ng panghuhula,’ o ilang dakilang hantungan na ibinigay sayo. Kailangan ko ng mga saksi sa kasalukuyang salinlahing ito!”

Ito ay madiing pinaalalahanan ako! Katulad ng iba sa panahong ito, nais kong malaman kung nasaan tayo sa mismong sandaling ito sa oras ng panghuhula ng Diyos. Tayo ba ay papasok na sa dakilang pagtitiis? Iniipon na ba ng Diyos ang mga natitirang mananampalataya?

At narinig ko ang sinabi ni Jesus, “Hindi para sayo ang malaman ito. Mapuspos ka ng Espiritu Santo. Maghintay ka sa Diyos, tanggapin ang kanyang kapangyarihan—at pagkatapos humayo ka at magpatotoo!” Kailangan tayong mamuhay sa estado ng pagiging mapagmasid, naghihintay ng may pananabik na nakailaw ang ating mga lampara. Manabik tayo at tingnan ang kanyang muling pagpapakita. Oo, kailangan nating ipangaral ang kanyang pagbabalik at magbabala ng kanyang mga paghuhusga, ngunit una sa lahat, kailangan tayong maging saksi niya!