Madalas tukuyin ni Pablo ang sarili niya bilang “bilanggo ni Jesucristo” (Efeso 3:1). Sa Efeso 4:1 sinabi na bilang bilanggo ng Panginoon ay siyang sadya niyang bokasyon, ang pagtawag sa kanya! Ipinapalagay niya itong handog na biyaya ng Diyos sa kanya (Efeso 4:7).
Isinulat ni Pablo kay Timoteo: “Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya” (2 Timoteo 1:8). Maging sa kanyang matandang edad na, ang apostol ay nagsaya sa pagkakahuli sa kanya ng Panginoon at ibinilanggo ayon sa kanyang kalooban: “Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y bilanggo ni Cristo Jesus” (Filemon 1:9).
Masasabi ni Pablo sa iyo sa pinaka sandaling iyon na siya ay iginapos ng Panginoon at ibinilanggo siya. Siya ay nasa daan ng Damasco, dala ang liham mula sa dakilang saserdote, nakahanda at determinadong ibalik ang mga Kristiyano sa Jerusalem. Siya ay, “na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon” (Gawa 9:1).
Habang palapit siya sa lunsod ng Damasco, “At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit” (Gawa 9:3). At siya’y binulag ng liwanag—walang iba kundi si Cristo!
Paulit-ulit na nagpatotoo si Pablo kung paano siya hila-hila sa kamay at dinala sa Damasco, isang walang magawang bilanggo. Siya ay nakulong ng tatlong araw sa isang nakabukod na silid na walang makita at hindi kumakain kahit ano. Siya’y lubusang ibinilanggo—sa espiritu, sa isip at sa katawan!
Ano ang nangyari sa silid na iyon sa loob ng tatlong araw? Iginapos si Saulo ng Panginoon at ginawa siya bilang Pablo, ang bilanggo ni Jesu-Cristo!
Dito sa eksenang ito, iniwan na ni Pablo ang kanyang kalayaan at sumuko na sa singkaw ni Cristo. Iniunat niya ang kanyang mga kamay kay Jesus, para maigapos habang buhay! Maririnig mo na halos ang kanyang hirap na hirap na pananalangin: “O, Panginoon, akala ko ay ginagawa ko ang iyong kalooban! Paano ako naging bulag? Ginagawa ko ang bagay ayon sa kalooban ko, ginagawa ang kahit ano na sa akala ko ay tama. Hindi ko maaring pagtiwalaan ang sarili kong pag-iisip.
Ang panalangin ko ay, “Narito, Jesus, kunin mo ang mga kamay ko at ilagay mo ang iyong mga tanikala sa aking mga kamay. Gawin mo akong bilanggo ayon sa iyong kalooban at dalhin mo ako saan mo man ako ako nais magtungo. Panatilihin mo akong nakagapos sa iyong makapangyarihang kanang kamay!