Huwebes, Disyembre 9, 2010

KAPAG DUMATING NA ANG PAGBUBUKOD

“Simon, Simon! Makinig ka!Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin” (Lucas 22:31).

Kailangang maunawaan ninyo na hangad lamang ni Satanas na subukin lamang yaong mga banta sa kanyang gawain. Pinupuntirya niya yaong puno na maaaring magbunga ng hitik. Ngunit bakit hinangad ng dimonyo na ibukod si Pedro? Bakit siya labis na balisa na subukin siya? Kasi, sa loob ng tatlong taon si Pedro ay nagpapalayas ng diyablo at nagpapagaling ng may sakit. Narinig ni Satanas na ipinangako ni Jesus sa alagad ang isa pang bautismo, isa ng Espiritu Santo at ng apoy—at siya ay nangatog! Ngayon, narinig ng diyablo ang ultimong balak ng Diyos para kay Pedro. Naisip iya na ang nakalipas na tatlong taon ay hindi maikukumpara sa mga dakilang gawain na siyang gagawin ni Pedro at ng iba pang alagad. Bilang naibagsak na niya si Judas, hahanap siya ng paraan ng katiwalian na maibibintang kay Pedro para mapabagsak ang pananampalataya niya.

Maaring, katulad ni Pedro, ikaw ay nasa pagsubok sa mga sandaling ito, niyuyugyog at ibinubukod. Ngunit, naitanong mo, bakit ako? At bakit ngayon? Una sa lahat, dapat kang magsaya sapagkat mayroon kang ganoong reputasyon sa impiyerno! Hindi hihilingin ni Satanas sa Diyos ang pahintulot na subukin ka kung hindi ka rin lamang tumawid sa guhit ng pagiging masunurin. Bakit pa siya mag-aasakya ng panahon na guluhin ka at ligaligin, takutin ka at yanigin ng lahat ng mayroon ka? Sinusubok ka niya sapagkat may mahalaga kang ginagampanan sa iglesya ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang Diyos ay muling gumagawa ng mga bagong bagay dito sa huling salinlahi, at ikaw ibinukod niya bilang isa sa mga makapangyarihang saksi sa marami. Pinalaya ka niya at inihahanda ka niya para sa kanyang walang-hanggang layunin. At mas mayroon kang mahalagang handog, mas posible ka na mapili, na mas mahalaga ang iyong pagsuko sa kalooban ng Diyos—mas mahigit ang iyong pagsubok.

Kapag mayroon dumaraan sa apoy ng pagsubok, ano ang dapat gawin ng mga nakapaligid sa kanya? Ano ang ginawa ni Jesus tungkol sa maaring pagbagsak ni Pedro? Sinabi niya sa kanya, “Subalit idinalangin ko na huwag lubusang mawala ang iyong pananampalataya” (Lucas 22:32).

Nakatingin ako dito sa nakamamanghang halimbawa ng pag-ibig ni Cristo at nakita ko halos wala akong nalalaman tungkol sa kung paano ibigin yaong mga bumagsak. Tunay nga na si Jesus ay siyang, “May pagkakaibigang madaling lumamig, nguit may kaibigang higit pa sa kapatid” (Kawikaan 18:24). Nakita niya ang parehong mabuti at masama kay Pedro at nagbigay siya ng kongklusyon, “Ang lalaking ito ay karapatdapat na iligtas. Hangad siya ni Satanas, ngunit mas hinahangaad ko siya.” At tunay na iniibig ni Pedro si Jesus, at sinabi sa kanya ni Jesus,”Idinalangin kita.” Ito ay matagal ng nakita ni Jesus na parating. Maaring gumugol siya ng maraming oras sa harapan ng Ama at pinag-uusapan nila si Pedro—kung gaano niya siya kamahal, kung gaano siya kailangan sa kaharian ng Diyos, kung gaano niya siya pinahahalagaham bilang isang kaibigan.

Panginoon, ipagkaloob mo sa amin ang ganoong uri ng pag-ibig! Kapag nakita namin ang mga kapatirang babae at lalaki na pabagsak na at patungo sa kaguluhan o kapahamakan, hayaan mong ibigin namin sila ng sapat para mabigyan sila ng babala na matatag katulad ng pagbibigay babala ni Jesus kay Pedro. At ng sa ganoon ay masasabi naming, “Idinadalangin kita.”

Ngayon mayroon pang isa “Ito ay nakasulat” na kung saan ay maari tayong makipagdigma kay Satanas. Ito ay: “Idinalangin kita para hindi bumagsak ang iyong pananampalataya.” Maari mong sabihin sa diyablo, “Maaring nakahingi ka ng pahintulot na subukin ako, subukin na pabagsakin ang aking pananampalataya. Ngunit kailangan malaman mo ito: “Idinadalangin ako ni Jesus!”