Miyerkules, Disyembre 22, 2010

NAKIPAGKASUNDO NA MAGHAHANAP

“Dahil dito, buong taimtim akong dumulog kay Yahweh…Ganito ang dalangin ko: ‘Panginoong dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos…Patuloy ako sa pananalangin. Ipinahahayag ko ang aking kasalanan at ng bayan…” (Daniel 9:3,4, at 20). Ito ang mga mapanalanging mga lalaki.

Nakita mo, ang unang kasunduan na kanilang ginawa ay—mamuhay na nakahiwalay—ay kailangang masundan ng pangalawang pakikipagkasundo, na hahanapin ang Diyos. Katunayan, imposible ang mamuhay ng banal na pamumuhay na hindi gumugugol ng maraming panahon sa pagkakaluhod, naghahanap sa Diyos para sa kapangyarihan at karapatan na mamuhay ng ganoon.

Huwag magkamali—ang tapat na pananalangin ay hindi mag-aalis sa iyo sa kagipitan. Sa kabila nito, mas higit pa itong magdadala sa iyo sa nag-aapoy na pugon at kulungan ng mga leon. Ngunit ang pananalangin ay ihahanda ka na harapin ang lahat ng ito na may pagtitiwala—na maging buhay na sakripisyo para sa kapakanan ni Jesus.

Ang pananalangin ni Daniel ay nagdala sa kanya sa kulungan ng leon. At ang pagsubok na ito ay dumating pagkatapos ng maraming taon ng mga lalaking taga Hebreo—nang si Daniel ay nasa ika-walumpong-taon na! Maaring makabigla ito sa iyo, kung iisipin mo kung gaano ito tatagal bago matapos ang iyong mga pighati. Maaring naisip mo na natutunan mo na ang lahat ng “mahalagang” pagsubok pagkatapos ng maraming taon sa Panginoon. Gayunman, narito pinayagan ng Diyos ang isa sa pinakadakila niyang mandirigma—isang lalaki na may tahimik, mapagmahal na espiritu—para harapin ang kagipitan ng kanyang buhay pagkatapos ng mga dekada ng matapat na pamamagitan.

Mga minamahal, ang pagsubok ay matatapos lamang kapag dumating na si Jesus—o kapag namatay ka na na kay Cristo! Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pananalangin. Maari kang makipagkasundo na mamuhay ng walang dungis—ngunit ang pakikipagkasundong iyan ay mahirap magampanan kung walang pakikipagkasundo na hanapin ang Diyos.