Lunes, Disyembre 13, 2010

ANG WALA SA KATUWIRAN NG PANANAMPALATAYA

Nang sinabi ng Diyos sa sangkatauhan, “Sumampalataya,” hinihingi ang isang bagay na lubos na malayo sa katuwiran. Ang pananampalataya ay ganap na wala sa katuwiran. Ang mismong paliwanag nito ay may kinalaman sa isang bagay na di-makatuwiran. Isipin ang tungkol dito: Sinabi ng Hebreo na ang pananampalataya ay diwa ng isang bagay na inaasahan, patunay na hindi nakikita. Sinabihan tayo sa madaling sabi na, “Walang di nadaramang diwa, walang nakikitang katunayan.” Gayunman, hinihiling sa atin na maniwala.

Tinutukoy ko ang paksang ito para sa mahalagang dahilan. Sa mga sandaling ito, sa buong sanlibutan, maraming mananampalataya ay mababang nakayuko sa kawalan ng pag-asa. Ang katunayan ay, patuloy tayong haharap sa kawalan ng pag-asa sa buhay na ito. Gayunman naniniwala ako na kung mauunawaan natin ang kalikasan ng pananampalataya—ito’y walang katuwiran, di-makatuwirang kalikasan—makikita natin ang tulong na kakailanganin natin para makalampas sa lahat ng ito.

Isa-alang-alang ang pananampalataya na hiningi kay Noah. Nabuhay siya sa isang salinlahi na nawalan na ng kontrol. Ang kalagayan ng mga tao ay lubusan nang naging nakasisindak. Hindi na makayanan ng Diyos. Sa huli, sinabi iya, “Tama na! Ganap nang pinupuksa ng tao ang sangkatauhan—kailangang magwakas na ito” (tingnan Genesis 6).

Isip-isipin mo ang kalituhan ni Noah habang pilit niyang inuunawa ito. Magpapadala ang Diyos ng isang malaking kapahamakan, isa na gugunaw sa buong daigdig. Gayunman ang lahat na sinabi kay Noah tungkol sa bagay na ito ay ilang maiksing salita mula sa langit. Payak niyang tatanggapin ito sa pamamagitan ng pananampalataya, na hindi na makatatanggap ng anumang direksyon sa loob ng 120 taon.

Isip-isipin ang tungkol sa kung anong pananampalataya ang hiniling mula kay Noah. Binigyan siya ng isang dambuhalang tungkulin para magtayo ng isang malaking arko, at pansamantala siya ay mabubuhay sa mapanganib na sanlibutan. Kailangang patuloy siyang manalig habang ang sanlibutan sa paligid niya ay nagsasayawan, nagsasaya at lumalangoy sa kalamnan. Ngunit sumunod si Noah sa sinabi ng Diyos. Patuloy siyang nagtitiwala sa salitang ibinigay sa kanya, sa mahigit na isang siglo. At dahil sa kanyang pagiging masunurin, sinabi ng Kasulatan, si Noah ay “ibinilang na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananalig” (Hebreo 11:7).

Sa Genesis 12: 1-4, siabi ng Diyos kay Abraham, “Bumangon ka, lumabas ka at lisanin mo ang bansa.” Tunay ngang nagtaka si Abraham, “Ngunit saan, Panginoon?” maaring payak na sasagot ang Diyos, “Hindi ko sinasabi sa iyo, basta humayo ka.”

Ito ay hindi makatuwiran. Ito’y ganap na di-makatuwirang kahilingan mula sa isang nag-iisip na tao. Isasalarawan ko sa pamamagitan ng pagtatanong sa bawat asawa ng Kristiyano: Isip-isipin mo na ang iyong asawa ay umuwi isang araw at sinabi na, “Mag-empake ka ,mahal, aalis tayo.”Siyempre, gusto mong malaman kung bakit, o saan, o paano. Ngunit ang tanging sagot na ibinigay sa iyo ay, “Hindi ko alam, alam ko lamang ay sinabi ng Diyos basta humayo kayo.” Hindi tugma o walang katuwiran sa ganitong kahilingan. Ito’y payak na di-makatuwiran.

Gayunman ito mismo ang di-makatuwirang direksyon na sinunod ni Abraham. “Dahil sa pananalig sa Diyos, tumalima si Abraham nang siya’y papuntahin ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanya. At humayo siya, bagamat hindi niya alam kung saan paroroon” (Hebreo 11:8) Ang lahat lamang ng alam niya ay ang maiksing salita na sinabi sa kanya ng Diyos: “Humayo ka, Abraham, at ako’y kasama mo. Walang masamang mangyayari sa iyo.” Hiningi ng pananalig na gampanan ni Abraham ito nang walang iba pang gagawin kundi ang pangakong ito.

Isang mabituing gabi, sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tumingin ka sa kalawakan. Nakikita mo ang hindi mabilang na mga bituin? Bilangin mo sila kung kaya mo. Iyan ang dami na magiging lahi mo” (tingnan Genesis 15:5) Maaring napailing si Abraham tungkol dito. Ngunit ngayon siya ay matanda na, katulad ng kanyang asawa na si Sarah. Sila ay lampasan na sa panahon na maari pa silang magka-anak. Gayuman dito ay binigyan siya ng pangako na siya ay magiging ama ng maraming bansa. At ang lahat ng katunayan na kanya lamang pinanghahawakan ay ang salita mula sa langit” “Ako ang Panginoon” (Genesis 15:7).

Ngunit sumunod si Abram. At sinabi sa kanya ng Bibliya ang katulad din ng sinabi nito kay Noah; “Nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ni Yahweh” (Genesis 15:6). Muli pa, nakita natin ang isang di-makatuwirang tagpo. Gayunman ang pananampalataya ng isang lalaki ay naisalin sa pagiging makatuwiran.

Ang hinihiling sa iyo ng Diyos ay maaring di-makatuwiran. Hinihiling niya na manalig tayo kahit hindi siya nagbibigay ng katunayan na sasagutin niya ang ating mga panalangin, kapag ang kalagayan ay mukhang wala ng pag-asa at sigurado tayo na ang lahat ay tapos na. “Manalig ka sa akin”—sinabi ng Panginoon. Di-makatuwiran? Oo. Ngunit sa mga nagdaang siglo napatunayan ng Panginoon na siya laging nasa panahon at hindi niya hinahayaan si Satanas na magkaroon ng huling salita. Laging dumarating ang Diyos—sa perpektong Espiritu Santong sandali.