Miyerkules, Disyembre 29, 2010

ANG PANATILIHIN ANG BUHAY NA MAPANALANGIN

Kailangan kong mapanatili ang buhay na mapanalangin para mapangibabawan ang espirituwal na pagkatuyo. Bakit wala sa atin ang nananalangin sa paraang nararapat? Alam natin na ang ating mga dalahin ay maiaangat kapag tayo ay kasama niya. Ang tinig ng Espiritu Santo ay patuloy na nananawagan sa atin na manalangin, “Halika!”

Lumapit ka sa tubig na magbibigay kasiyahan una sa pagka-uhaw ng espiritu. Lumapit ka sa Ama, na nahahabag sa kanyang mga anak. Lumapit ka sa Panginoon ng buhay, na nangangako na magpatawad sa bawat kasalanan na nagawa. Lumapit ka sa Kanya na tumatanggi na kondenahin ka o pabayaan ka o magtago sa iyo.

Maaring subukin natin na magtago sa Diyos sa dahilan ng pagkakasala at pagkondena ngunit hindi siya magtatago sa atin. Lumapit ka sa kanyang trono ng grasya, maging ikaw ay nagkasala man o nabigo. Agad niyang pinatatawad yaong mga nagsisisi na may makadiyos na pighati. Hindi mo kailangang gumugol ng oras at mga araw sa pagsisisi o paghirapan ang iyong pagbabalik patungo sa kanyang mabubuting grasya. Lumapit sa Ama, lumuhod, buksan ang puso, idaing ang iyong paghihirap at kirot. Sabihin mo sa kanya ang iyong kalungkutan, pakiramdam ng pagkakabukod, takot at mga kabiguan.

Sinubukan natin ang lahat maliban sa pananalanagin. Nagbabasa tayo ng aklat, naghahanap ng mga pormula at mga pamamaraan. Lumalapit tayo sa mga kaibigan, mga ministro, at mga tagapayo, naghahanap kahit saan para sa salita na magbibgay aliw o payo. Naghahanap tayo ng mamamagitan at kinalimutan ang isang Tagapamagitan na may kasagutan sa lahat ng bagay.

Walang makapag-aalis ng pagkatuyo at kahungkagan ng mabilisan ng higit pa sa isang oras o dalawa na kasama ang Diyos. Walang makapapalit sa pananalangin sa Ama doon sa nabubukod na lihim na silid. Iyan ang kasagutan sa lahat ng pagkatuyot.

“Aking ibubuhos ang saganang tubig sa tuyong lupain, sa uhaw na lupa ay maraming batis ang padadaluyin. Aking Espiritu’y ibubuhos ko sa ‘yong mga supling. At ang liping susunod sa iyo ay pagpapalain” (Isaias 44:3).