Biyernes, Disyembre 31, 2010

ANG PAGSISIKAP NG ISANG MANANAMBA

Isinalarawan ng Exodo 14 ang isang di-kapani-paniwalang sandali sa kasaysayan ng Israel. Ang mga Israelitas ay kaaalis lamang ng Egipto sa ilalim ng sobrenatutral na direksyon ng Diyos. Ngayon sila’y nagngangalit na tinutugis ng hukbo ng Paraoh. Ang mga Israelitas ay dinala sa isang lambak na napalilibutan sa magkabilang bahagi ng matatarik na bundok, at sa kanilang harapan ay dagat. Hindi pa nila alam, ngunit ang mga taong ito makararanas ng pinakamadilim, binabagyong gabi ng kanilang mga espiritu. Humaharap sila sa isang nakapagdurusang gabi at pagkasindak at kawalan ng pag-asa na susubok sa kanilang natitirang kakayahan.

Naniniwala ako na ang talatang ito ay may kinalaman sa lahat sa kung paano ginagawa ng Diyos ang kanyang mga tao na maging mga mananamba. Katunayan, walang anumang kabanata sa BIbliya ang naglarawan nito ng ganito kahalaga. Nakita mo, ang mga mananamba ay hindi nabuo sa panahon ng pagmumuling buhay, sa mabuti, maaraw na panahon, o panahon ng tagumpay o kalusugan. Ang mga mananamba ng Diyos ay nabuo sa panahon ng binabagyong mga gabi. At kung paano natin hinarap ang mga bagyo ang siyang tangi lamang na makapagpapasiya kung anong uri tayo ng mananamba.

Ang Hebreo 11 ang nagbigay sa atin ng imahe ni Jacob sa kanyang katandaan: “Dahil sa pananalig sa Diyos, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. At humawak siya sa puno ng kanyang tungkod at sumamba sa Diyos” (Hebreo 11:21). Bakit ito inilarawan ni Jacob sa ganitong paraan sa kanyang mga huling araw?

Alam ni Jacob na malapit na siyang mamatay. Kaya nakita natin siya na nagbibigay ng kanyang pagpapala sa kanyang mga apo. Kaya, ano ang ginawa ni Jacob habang tinitingnan niya ang mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay? Siya ay dinala sa pagsamba. Walang isa mang salita ang sinabi ng lalaking ito. Gayunman, habang nakahawak sa kanyang tungkod, nagmumuni sa mga ibinigay sa kanya ng Diyos, “Siya’y sumamba.”

Sumamba si Jacob sa Diyos sa mga sandaling ito sapagkat ang kanyang espiritu ay may kapahingahan. Napatunayan niya sa Diyos ang kanyang katapatan higit sa anumang anino ng pagdududa. At ngayon nagpasiya ang matandang ito, “Hindi naging mahalaga anumang pakikipaglaban ang pinagdaanan ko. Pinatunayan ng Diyos ang katapatan niya sa akin. Lagi siyang matapat. O Panginoon, Makapangyarihang Diyos, sinasamba kita!”