Biyernes, Disyembre 24, 2010

MALALAMPASAN MONG LAHAT

Ang kaligayahan ay hindi nangangahulugan na mabubuhay kang walang kirot o pasakit—hindi maari. Ang tunay na kaligayahan ay ang matutunan na mabuhay sa bawat isang araw, kahit na may kalungkutan o kirot. Ito ay ang matutunan na magsaya sa Panginoon, anuman ang nangyari sa nakaraan.

Maaring maramdaman mo na ikaw ay tinanggihan o pinabayaan. Ang pananalig mo ay maaring nanghihina at iniisip mo na ikaw ay ibinilang na bagsak. Kalungkutan, luha, kirot, at kahungkagan ay maring lamunin ka na sa isang pagkakataon, ngunit ang Diyos ay nananatili pa rin sa trono. Siya ay Diyos pa rin!

Hikayatin mo ang iyong sarili na malalampasan mo ang lahat ng ito. Makakalabas ka dito at, mabuhay o mamatay, ikaw ay nasa Panginoon. Ang buhay ay magpapatuloy at masosorpresa ka na malaman kung gaano ka makakatagal sa tulong ng Diyos.

Hindi mo matutulungan ang sarili mo o pigilan ang kirot, ngunit ang ating mapagpalang Panginoon ay darating sa iyo. Ilalagay niya ang kanyang mapagmahal na kamay sa ilalim mo at iiangat ka para maupong muli sa malalangit na lugar. Ililigtas ka niya sa takot na kamatayan at ipahahayag niya ang walang kamatayan niyang pag-ibig para sa iyo.

Tumingin ka sa itaas! Bigyan mo ng lakas ng loob ang sarili mo sa Panginoon. Kapag napalibutan ka ng ulap at di mo makita ang palabas sa iyong suliranin. Humiga ka sa mga kamay ni Jesus at manalig ka. Gagawin niya ang lahat! Nais niya ang iyong pananalig at ang iyong pagtitiwala. Nais niyang itangis mo ng malakas, “Iniibig ako ni Jesus! Kasama ko siya! Hindi niya ako pababayaan! Ginagawan niya ng lahat ng paraan, ngayon din! Hindi ako babagsak! Hindi ako magagapi! Hindi ako magiging biktima ni Satanas! Hindi masisira ang aking isipan o mawawala ang aking direksyon. Ang Diyos ay nasa tabi ko! Iniibig ko siya at iniibig niya ako!”

Ang huling kauuwian ay ang pananampalataya. At ang pananampalataya ay nakapahinga sa isang ganap na: “Wala nang sandatang gagamitin sa iyo…” (Isaias 54:17).