Biyernes, Oktubre 29, 2010

IKAW AY NAKATITIYAK SA PAG-IBIG NG AMA!

Sinabi ni Jesus na noong muling nagbalik ang anak na naglayas, siya ay sinalubong ng marangya sa tahanan ng kanyang ama. Tumanggap siya ng bagong balabal, kumain kasalo ang ama at binigyan ng buong kapatawaran. Ngunit hindi ito nangahulugan na ginawa siyang anghel.

Ngunit sa kabaliktaran, naniniwala ako na dumanas ng maraming suliranin ang ama tungkol sa kanya bago pa natapos ang lahat. Ngunit ang isang bagay na dapat malaman ng anak ay ang kasiguruhan ng pag-ibig ng kanyang ama! Kailangan niyang malaman na kayang magtiis ng kanyang ama para sa kanya, gumawa kasama siya, mahalin siya. Ganoon din ang pagtingin ng ating Amang nasa langit para sa atin. Ngunit kahit ganoon patuloy pa rin natin sinasabing, “Isang araw, ako ay magiging ganap at makatuwiran sa harap ng Diyos na magiging madali para sa kanya ang ibigin ako.”

Hindi! Inibig ka niya kahit noong pa na ikaw ay makasalanan, isang masamang tao, isang kaaway niya. Gaano pa kaya ang pag-ibig niya sa iyo ngayong ikaw ay nanumbalik na sa kanya! Sinabi na sa iyo ng Diyos, “Inibig kita noon pa mang isa kang dayuhan para sa akin, noong ikaw ay nagrerebelde at nagkakasala. Hindi ba kita higit na iibigin ngayon na ikaw ay isa ko nang anak?

Hindi tayo nagtitiwalang mamahinga na sa kanyang pag-ibig na dapat lamang sana. Gayunpaman, sinasabi ng Panginoon na siya ay Pag-ibig. Isinulat ni Juan, “Tayo nga'y sa Diyos: ang nakakakilala sa Diyos ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Diyos ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian” (1 Juan 4:6).

Huwebes, Oktubre 28, 2010

BUMANGON AT MABUHAY—NGAYON!

Marami sa atin ay mga mangmang na nilalang pa rin na patuloy na nakatingin sa kinabukasan para sa kaganapan nito. Iniisip natin na ang mga padating na mangyayari o ilang mga pagbabago sa ating mga kalagayan ay magdadala sa atin ng kapayapaan at kagalakan. Sinasabi natin, “Maghintay lamang; darating ang panahon ko. Kahit paano, pagdating ng araw, sa ibang lugar…hindi ko alam kung ano ang naghihintay para sa akin, ngunit darating din ito.” Para tayong mga bata na naghihintay lamang ng Pasko at patuloy na nagbibilang ng mga araw.

Isinulat minsan ni David sa panahon ng pagtangis, sa panahon ng may malalim na pagmumuni-muni sa kanyang buhay na naramdaman niya na mabilis ang paglipas ng panahon. Kaunti lamang ang kanyang nagawa, naisip niya. Ang lahat sa panahong iyon ay mistulang nawalan ng kabuluhan. “Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot. At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pag-asa ay nasa iyo” (Awit 39:6-7).
Si David ay lubos na pinanghinaan ng loob, bagsak. Ang kasalukuyang kalagayan niya ay mistulang walang kabuluhan. At mula sa puso niyang bigo dumaing siya, “Panginoon ano pa ang hinihintay ko?”

Kamakailan ako ay naglalakad sa isang burol sa Pennsylvania at nangusap ang Diyos sa puso ko sa katulad din nitong mga katanungan, “David ano pa ang iyong hinihintay? Bakit hindi pa ba ito ang pinakamabuting araw ng iyong buhay? Bakit hindi ka pa rin magkaroon ng kapunuaan at kagalakan? Wala nang anupamang bagay na mayroon na hindi pa napapasaiyo kay Jesus.”

Tanong ko sayo, ano pa ang hinihintay mo? “O, para kay Ginoong Matuwid, maari mong isagot—ang makadiyos na taong iyon ay ililigtas ka mula sa lahat ng kalungkutan at pupunuan ang iyong espiritu ng hindi maipaliwanag na kagalakan. Ang ilan ay sawa na sa kanilang kapareha at naghihintay na mapunta sa kaluwalhatian sapagkat naghahanap sila ng romansa na dumating sa kanilang buhay at maialis ang kakulangan sa kanilang mga sarili. Hindi! Walang anuman mayroon na maaring magpabago o magligtas sa iyo bilang ikaw o kung ano ka pa man. Kung iniisip mo na mayroong makapagbibigay ng lunas sa iyong suliraning kalungkutan, nagkakamali ka. Kailangang makita mo ang kaligtasan, kapayapaan, pag-asa at kagalakan ngayon na!

Si Jesus lamang ang makakapuno sa lahat ng pagkukulang na iyan. Gumising at mabuhay na muli!

Miyerkules, Oktubre 27, 2010

ANG PAGLALAGAY NG HANGGANAN SA KAPANGYARIHAN AT PANGAKO NG DIYOS

Sinabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa Israel, “ At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Diyos, at minungkahi ang Banal ng Israel” (Awit 78:41). Tumalikod ang Israel mula sa Diyos sa kawalan ng paniniwala. At katulad noon, naniniwala ako na nilalagyan natin ng hangganan ang Diyos ngayon sa pamamagitan ng ating mga pagdududa at kawalan ng paniniwala.

Nagtitiwala tayo sa Diyos sa malalaking bahagi ng ating buhay, ngunit ang pananampalataya natin ay palaging may hangganan at katapusan. Mayroon sa atin na isang bahagi na ating hinaharangan na kung saan ay hindi talaga tayo naniniwala na gagawin ng Diyos para sa atin.

Halimbawa, maraming mga nagbabasa ay nanalangin sa paggaling ng aking maybahay na si Gwen. Ngunit madalas, kapag ito ay panalangin ng kagalingan para sa kanilang asawa o anak, ay nilalagyan nila ng hangganan ang Diyos. Madalas kong nilalagyan ng hangganan ang Diyos sa bagay na may kinalaman sa paggaling sa karamdaman. Nanalangin ako sa kagalingang pisikal para sa marami, at nakita ko na gumawa ng mga himala ang Diyos sa kanila. Ngunit pagdating sa aking sariling pisikal na katawan ay nilalagyan ko ng hangganan ang Diyos. Natatakot ako na hayaan siyang maging Diyos para sa akin. Umiinom agad ako ng gamot at pupunta agad sa manggagamot bago pa man ako manalangin para dito. Hindi ko sinasabi na mali ang kumunsulta sa manggagamot. Ngunit minsan bagay sa akin ang pagsasalarawan ng mga “gayon ma'y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot” (2 Cronico 16:12).

Tanong ko sayo: Nananalangin ka ba para pabagsakin ang pader ng China o Cuba—ngunit pagdating sa sariling kaligtasan ng iyong pamilya, wala ka isa mang onsa ng pananalig? “Maaring ayaw ng Diyos na gawin ito. Ang mga mahal ko sa buhay ay matitigas. Maaring hindi ako nadidinig ng Diyos tungkol sa bagay na iyo.”

Kung ito ay may katotohanan, hindi mo siya nakikita bilang Diyos. Mangmang ka sa kanyang mga pamamaraan. Ang nais ng Diyos ay, “Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin” (Efeso 3:20).

Sinabi ng Diyos sa akin, “David tinalian mo ang mga kamay ko; iginapos mo ako. Paano kita pagagalingin kung hindi ka naniniwala na pagagalingin kita? Pinipigilan ng iyong pagdududa ang aking pagiging Diyos para sa iyo. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ako kilala hanggang hindi mo natatanggap na higit kong nais na magbigay kaysa sa tumanggap.”

Patuloy na bumubulong ang Israel, “Kaya ba ng Diyos…? Oo sigurado, binigyang daan niya na makatawid tayo sa Pulang Dagat, ngunit kaya ba niya na magbigay ng pagkain?” binigyan sila ng Diyos ng pagkain. Sa katunayan, naglatag ang Diyos sa kanila sa ilang. “Ngunit kaya ba niya tayong bigyan ng maiinom?” tanong nila. Binigyan sila ng tubig mula sa bato. “Kaya ba niyang magbigay ng karne?” Binigyan sila ng karne mula sa himpapawid. “Ngunit kaya ba niya tayong iligtas mula sa mga kaaway?” Sa bawat panahon, nagbigay ang Diyos at nagligtas sa lahat ng kalagayan. Gayunman, ang mga tao ay umubos ng 40 taon na nagsasabi, “Kaya ba ng Diyos…? Kaya ba ng Diyos…?”

Mga minamahal, higit natin kailangang sabihin, “Kaya ng Diyos! Kaya ng Diyos!” Ginawa na niya—at patuloy niyang gagawin! Kaya ng Diyos at gagawin niya ang lahat ng hihilingin natin at manalig lamang na gagawin niya!

Martes, Oktubre 26, 2010

ANG MAKILALA ANG DIYOS AY NAGSISIMULA SA PAGKILALA KAY JESUS!

Hindi mo makikilala ang Diyos sa kapunuan niya hanggang sa makita mo si Jesus sa paraang nais niya na makita mo siya. Sinabi ni Jesus, “Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama” (Juan 14:9). Kailangang makita natin si Jesus hindi ayon sa itinuturo sa atin, kundi kung paano siya ipinahahayag ng Espiritu sa atin, sa paraang nais ng Diyos na makilala at makita natin siya.

Maraming aklat sa aking silid aklatan tungkol kay Jesus, isinulat ng mahuhusay at mabubuting kalalakihan. Gayunman, naniniwala ako na marami sa mga lalaking ito ay hindi pa nakita si Jesus ayon sa nais ng Diyos na makita siya. Kailangan natin na makuha ang pangitain ng Diyos at ang patotoo ni Cristo, sa gayon makikilala natin ang Diyos ayon sa nais niya na makilala natin siya. Narito kung paano ayon sa aking paniniwala kung paano nais ng Diyos na makita natin ang kanyang Anak: “Ang lahat na mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago” (Santiago 1:17).

Si Jesus ay isang handog! Ibinalot ng Diyos ang lahat ng kanyang pagkukunan para kay Jesus, “at ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak.” Si Cristo ay isang ganap at dalisay na handog ng Diyos para sa atin, nanggaling mula sa Ama. Nakikita mo ba si Jesus bilang ganap na handog para sa iyo? Nakikita mo ba siya bilang siya lamang na natatanging kailangan para mabuhay ng may kagalakan, tagumpay, nasa katuwiran, puno ng kapayapaan at kapahingahan?

Sa Lumang Tipan, binigyan ng Diyos ng maraming kahanga-hangang handog ang Israel sa ilang: Isang ulap para takpan sila sa init ng araw sa desyerto. Apoy sa gabi para siguruhin ang tamang landas na patutunguhan nila. Tubig mula sa bato. Isang sanga para maalis ang pait na tubig. Isang tansong ahas para pagalingin ang natuklaw ng ahas. Gayunman ang lahat ng handog na ito ay mga anino lamang.

Sino ang bato na pinanggalingan ng tubig? Sino ang apoy? Ang biyaya? Ang tansong ahas? Ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa Israel ay sa pamamagitan ni Jesus. Tama—si Jesus ang lahat ng bawat handog na iyon. “at uminom din ng isang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumusubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo” (1 Corinto 10:1-4).

Ngayon mayroon tayo ng higit pa sa anino. Mayroon tayo ng tunay na sustansya—si Cristo mismo! At siya ay nananahan sa atin!

Lunes, Oktubre 25, 2010

NAIS NIYANG ITURO SA ATIN NA MAKILALA ANG PANGALAN NIYA!

Yaong mga tunay na kilala ang Diyos ay natutunang kilalanin ang kanyang tinig ng higit sa iba pa. Nais niya na kayo ay ganap na naniniwala na nais niya kayong makausap at sabihin sa inyo ang mga bagay na hindi pa ninyo nakikita o narinig man lang.

Ipinakita sa akin ng Panginoon kamakailan lamang na ako ay nag-aalinlangan pa tungkol sa pakikinig ng kanyang tinig na nangungusap sa aking espiritu. Alam ko na siya ay nangungusap at dapat na makilala ng kanyang mga tupa ang tinig ng kanyang Amo. Ngunit nagdududa ako sa aking kakayahan na madinig siya. Ginugol ko ang lahat ng aking panahon na “alamin” ang tinig na nadinig ko at kapag ito ay lubos na malakas at lubhang misteryoso para sa akin, iniisip ko, “Hindi maaring ito ay ang Diyos. Sapagkat ang demonyo ay nakapangungusap din. Ang laman ay nangungusap; ang espiritung nagsisinungaling ay nangungusap din. Madalas maraming tinig ang dumarating sa atin. Paano ko makikilala ang tinig ng Diyos?

Naniniwala ako na mayroong tatlong bagay na kinakailangan para doon sa mga makakarinig ng tinig ng Diyos:

1.Isang di matitinag na pananalig na nais ng Diyos na makausap ka. Kailangang ganap kang naniniwala at kumbinsido na matagal ka nang nais makausap ng Diyos. Katunayan, siya ay Diyos na tunay na nangungusap at nais niyang makilala mo ang kanyang tinig para magampanan mo ang kanyang kalooban. Ang anumang sasabihin sa iyo ng Diyos ay hindi hihigit pa sa nakasulat sa Banal na Kasulatan. At hindi mo kailangang maging espesyalista para maunawaan mo ang kanyang tinig. Ang tanging kailangan mo ay isang puso na nagsasabing, “Naniniwala ako na nais ng Diyos na mangusap sa akin.”

2. May kalidad na panahon at katahimikan. Kailangang ganap na tanggap ng kalooban mo na bukas ang loob mo sa Diyos at itaboy ang ibang tinig palayo. Katotohanan na, ang Diyos ay maghapong nagungusap sa atin. Ngunit kapag may nais siyang mabuo sa aking buhay, ang kanyang tinig ay nagungusap lamang kapag itinaboy ko ang lahat ng iba pang tinig maliban sa kanyang tinig.

3. Humingi ayon sa pananampalataya. Wala tayong makukuha sa Diyos (kasama na ang madinig ang kanyang tinig) hanggang sa kung tunay na naniniwala tayo na kaya niyang iparating ang kanyang isipan sa atin at may kakayanan tayong maunawaan ang kanyang ganap na kalooban.

Sinabi ni Jesus, “Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito’y humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi ng itlog?” (Lucas 11:11-12). Sa madaling sabi, kung hihingin ninyo sa Ama na mangusap siya—para sa isang malinaw na patutunguhan, isang makadiyos na pagtatama, isang natatanging pangangailangan—iniisip mo ba kahit sandali ay hahayaan niya ang diyablo na dumating at linlangin tayo?

Ipagpalagay na ang anak ay tumatawag sa kanyang ama tuwing gabi para sa isang paghingi ng gabay at payo. At isang araw ang ama ay nagpasiya na biruin siya at umupa ng isang manggagaya para sagutin ang telepono—isang gagayahin ang kanyang boses. At pagtawag ng anak, ang impostor ay magsasabi ng lahat ng iba-ibang payo. Bigla na lang ang anak ay nalilito at nasaktan sapagkat ang lahat ng nadinig niya ay taliwas sa lahat ng natutunan niya sa kanyang ama. Anong masasabi mo sa uri ng amang ito? Oo, isa siyang tampalasang ama! At ganoon din ang pag-aakusa natin sa Diyos kapag hindi tayo nagtitiwala sa kanya na ipadinig niya ang kanyang tinig at sa halip ay iniisip natin na siya ay isang impostor.

Ang Diyos ay hindi nagbibiro. Hindi niya hahayaan na linlangin ka ng diyablo. Kapag nangusap ang Diyos, kasunod nito ay kapayapaan at hindi kayang huwadin ng diyablo ang kapayapang iyan. Kapag ikaw ay nasa isang lugar ng katahimikan at kapayapaan, naniniwala na kaya ng Diyos na mangusap sa iyo, kung ganoon mayroon ka ng katiyakan na hindi magbabago. Maari kang bumalik ng libu-libong ulit sa Diyos at makatatanggap ka ng katulad na salita—sapagkat ito ay pagtitiwala!

Biyernes, Oktubre 22, 2010

NAANTALANG KASAGUTAN SA PANALANGIN!

Marami sa atin ay nananalangin na katulad ni David: “Pag ako’y tumawag, ako’y iyong dinggin” (Awit 102:2). “Ib’san mo na ako sa bigat ng pasan” (Awit 69:17). Ang Hebreong salita para sa madalian ay nagmumungkahi ng “ngayon na, bilisan, sa mismong sandali na tumawag ako, gawin na!” Sinasabi ni David, “Panginoon, inilalagay ko ang pananalig ko sa iyo—ngunit bilisan mo!”

Ang Diyos ay hindi nagmamadali. Hindi siya naglulumundag sa ating mga utos. Sa katunayan, maaring iniisip mo kung sasagutin ka pa niya. Tumatawag ka, umiiyak, nagmamadali at umaasa—ngunit dumaan ang mga araw, mga lingo, mga buwan, maging mga taon na, at hindi mo pa rin natatanggap kahit na maliit na patunay na naririnig ka ng Diyos. Una tinatanong mo ang iyong sarili: “Mayroong bagay na humahadlang sa aking mga panalangin.” Nagiging gulo ang isip mo, at sa magdamagan ang iyong saloobin sa Diyos ay nagiging katulad nito: “Panginoon, ano ang dapat kong gawin para ang panalanging ito ay masagot? Ipinangako mo sa iyong Salita na bibigyan mo ako ng kasagutan, at nanalangin ako ng may pananalig. Gaano pa kadami ang iluluha ko?”

Bakit ibinibinbin ng Diyos ang kasagutan sa mga tapat na panalangin? Ito ay hindi dahil sa kulang ang kapangyarihan niya. At higit pa na nais niyang makatanggap tayo mula sa kanya. Hindi, matatagpuan ang kasagutan sa talatang ito: “Isinaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalangin lagi at huwag manghinawa” (Lucas 18:1).

Ang Griyegong salita para sa nawalan ng pag-asa, o manghinawa sa saling-wika ng King James, ay nangangahulugan na “magpahingalay o mag-libang-libang, na manghina o napapagal sa pananampalataya, sumuko sa pagsisikap, hindi na nahintay ang kapunuan.” Sinabi ng Galacia 6:9, Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.” Ang Panginoon ay naghahanap ng mga nananalanging mga tao na hindi magpapahingalay o mapapagal sa paglapit sa kanya. Ang mga taong ito ay maghihintay sa Panginoon, hindi susuko hanggang sa matapos ang kanyang gawain. At matatagpuan silang naghihintay kapag dala na niya ang kasagutan.

Huwebes, Oktubre 21, 2010

PAGKASTIGO NG MAY PAG-IBIG

Sapagkat iniibig kayo ng Diyos, kikilos siya para linisin kayo. Ngunit ito ay may pag-ibig na pagkastigo doon sa mga nagsisi at bumalik sa kanya. Maaring madama ninyo ang palaso ng Diyos sa inyong espiritu dahil sa inyong mga nakalipas at kasalukuyang mga kasalanan, ngunit kung may puso kayong nagsisisi at nais tumalikod sa pagkakasala, maari kayong tumawag sa kanyang may pag-ibig na pagkastigo. Kayo ay itatama—ngunit may kasamang dakilang pagkaawa at habag. Hindi ninyo madadama ang kanyang poot na katulad ng mga makakasalanan, kundi ang palo ng kanyang pagdisiplina, na ginamitan ng kanyang mapagmahal na kamay.

Maaring ang inyong pagdurusa ay nanggaling sa paggawa ng mga maling pagpapasiya. Ilang mga kababaihan ang nagdurusa sapagkat pinakasalan nila ang mga lalaking nagbabala ang Diyos na huwag nilang pakasalan? Ilang mga anak ang sinaktan ang puso ng kanilang mga magulang, nagdala sa kanila sa dulo ng kanilang mga lubid? Gayunman ang nga ito ay nangyari dahil sa mga kasalanan, pagpapabaya at kompromiso ng kanilang mga magulang sa mga nakalipas na taon.

Kapag umabot ka na sa pinakamababang punto ng iyong buhay, ito ay panahon na para hanapin ang Panginoon sa iyong mga kabiguan, pagsisisi at pananampalataya. Panahon na para tanggapin ang bagong pagpupuno ng lakas ng Espiritu Santo. Panahon na para manumbalik at magpalakas. Para mag-umapaw ang espirituwal na lakas sa kalooban mo.

Tingnan mo, kapag tumawag ka sa Diyos, ibubuhos niya ang kanyang lakas para sa iyo: “Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako…Kahit ako’y nababatbat ng maraming suliranin, ako’y walang agam-agam panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway. Ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay. Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo’y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap” (Awit 138:3, 7-8).

Ang isa sa mga pinakamahirap na bagay na di kayang tanggapin ng mga Kristiyano ay ang pagdurusa ng mga makatuwiran. Hanggang sa panahon ni Cristo, iniugnay ng mga Hudyo ang kaunlaran at magandang kalusugan sa pagiging maka-Diyos. Naniniwala sila na kapag ikaw ay mayaman, nasa mabuting kalusugan o kaya’y pinagpapala, ito’y dahilan sa ang Diyos ay nagpapakita na siya ay nalulugod sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit ang mga alagad ni Jesus ay nahirapang unawain ang kanyang pahayag na “Madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman” (Mateo 19:24). Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila, “Kung gayon, sino po ang maliligtas?”

Katulad sa panahon ngayon, mayroong maling doktrina na nagsasabing kung ikaw ay may pakikipagkasundo sa Diyos ay hindi ka magdurusa; tumawag ka lang sa Diyos at patakbo siyang darating para lutasin agad ang lahat ng madalian. Ngunit hindi ito ang magandang balita! Ang mga bayani ng mananampalataya na nakatala sa Hebreo 11 ay naglalakad na may malapit na kaugnayan ng pananalig sa Diyos at sila’y nagdusa sa pambabato, pangungutya, pagpapahirap at marahas na kamatayan (t. 36-38).

Nais ng Diyos na magtanim sa atin ng ilang bagay sa ating mga puso sa pamamagitan ng mga paglilitis at mga pagsubok. Nais niyang makaya nating sabihin na, ” Panginoong Jesus, ikaw ang aking Tagapag-tanggol, at naniniwala ako na ikaw ang namamahala sa mga nangyayari sa aking buhay. Kung may mangyayari sa akin, ito’y dahilan sa ito ay pinayagan mo, at nagtitiwala ako sa iyong dahilan sa paggawa nito. Tulungan mo akong maunawaan ang aral na nais mong matutunan ko sa mga bagay na ito. Kung ako’y lalakad sa katuwiran at mayroon akong kagalakan mo sa aking puso, kung ganon ang aking pamumuhay at kamatayan ay magdadala ng kaluwalhatian sa iyo. Nananalig ako na ikaw ay mayroong inihandang kaluwalhatian, ilang walang-hanggang layunin na hindi kayang unawain ng aking may hangganang kaisipan. Ngunit kahit ano pa ang mangyari, sasabihin kong, ‘Jesus, kahit na mamatay o mabuhay ako, ako’y iyo!”

Miyerkules, Oktubre 20, 2010

SINABI NG DIYOS SA AKIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI KO INAASAHAN MARINIG!

Isang gabi habang nasa isang pulong ng pananalangin, may sinabi ang Diyos sa akin tungkol sa aming iglesya na hindi ko inaasahan na marinig.

Ibinulong ng Panginoon sa akin, “Kailangan ng iglesya ng isang nakakasindak na pakikitungo! Masyadong marami na ang lumalagong kontento at basta nasisiyahan na lamang. Nararamdaman mong panatag at ligtas mula sa hangin at alon ng mga maling doktrina na laganap sa sanlibutan—ngunit hindi ka handa sa kung ano ang padating!”

Minamahal, ang mensahe ng pagkakaroon ng patotoo ng Espiritu na kumikilos sa iyo ay hindi isang pakiusap—ito ay may kinalaman sa buhay at kamatayan! Kung wala sa iyo ang patotoo ng Espiritu sa mga huling araw na ito, hindi mo ito maliligtasan! Bibigay ka sa padating na espiritu ng Antikristo!

Kailangan mo ng patotoo ng Espiritu Santo araw-araw—sa iyong trabaho, sa gawaan, at sa paaralan. Kailangan matutunan mong husgahan ang mga politiko at mga pinuno para hindi ka basta madadala ng sistema ng antikristo.

Iyan ang sinusubukang sabihin ni Jesus sa atin tungkol sa hangal na dalaga na naubusan ng langis para sa kanilang lampara. Mayroon silang panustos ng Espiritu Santo—ngunit wala silang patotoo nito sa huling sandali.

Huwag mauwi sa pagiging hangal na dalaga! Kung ikaw ay maubusan ng langis—magtiwala sa iyong iglesya o sa iyong pastor para pangalagaan ang iyong kaluluwa—pagkatapos ay magsisi! Magpakumbaba at suriin ang iyong puso! Dumaing sa Diyos para maalis sa iyong espiritu ang lahat ng poot at pait. Ikumpisal ang iyong mga kasalanan at iwaksi ang mga ito. At muling sumandal sa Diyos para sa lahat ng bagay!

Kamtin mo ang kapayapaan ng Diyos sa iyong puso, para magkaroon ka ng patotoo ng Espiritu Santo. At hingin sa Diyos ang isang dakilang pagpapahalaga ng Espiritu. Imbitahan mo siyang maging patotoo mo at patnubay sa lahat ng bagay!

May kabayaran ang magpatuloy para kay Jesus, ngunit makatatanggap din tayo ng gantimpala. Ito ay isang simpleng pagpapala na makasama si Cristo na manindigan kasama natin. Mayroon pang maraming ibang gantimpala (tingnan Mateo19:29), ngunit babanggitin ko ang isang ito sapagkat ito lamang ang kakailanganin natin.

Nang si Pablo ay mabilanggo sa Jerusalem, ang buong sistema ng relihiyon ay nais siyang patayin. Inakusahan siyang nilalapastangan niya ang banal na lugar at nangangaral ng mga huwad na doktrina. Ang buhay niya ay nanganganib, maging ang mga kawal ay “Natakot ang pinuno baka lurayin nila si Pablo” (Gawa 23:10). Kaya’t kinuha siya ng sapilitan at ikinulong sa kuta. Nang sumunod na gabi kinausap si Pablo mismo ng Panginoon, at dala ang nakamamanghang salita: “Magsaya ka! Mayroon pang mga padating na kaguluhan!”

Ang kabayaran sa pagsunod kay Cristo ay maliwanag sa mga buhay ng mga taong ito ng Diyos—at kung tayo ay gagaya sa ating Panginoon, kung ganoon ay yayakapin din natin ang kabayarang ito. Ang magpakatatag ay nagiging isang kaluguran sapagkat ipinangako ni Jesus na sasamahan tayo sa lahat ng kalalagayan. At kaya nating harapin ang lahat o sinuman kapag alam nating kasama natin ang Panginoon.

Kaya’t bilangin ang kabayaran at alamin na ang iyong gantimpala, sa lahat ng bagay, ay ang mahalagang presensiya ni JesuCristo.

Martes, Oktubre 19, 2010

ANG PATOTOO NG ESPIRITU!

“Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan” (1 Juan 5:6).

Mayroong pagkakataon na kung saan ang pagpapatotoo ng Espiritu Santo ay hindi ako hinahayaang manahimik. Ang Espiritu ay nabubuhay sa akin at kailangang magsalita ako.

Ang Espiritu Santo ay naninirahan sa atin para ipahayag kung ano ang katotohaan at ano ang mali. Nangungusap siya sa matatag, maliit na tinig, sa kailaliman ng puso. Marami sa ating mga ninuno ay naniniwala sa ganitong gawain ng Espiritu sa mga mananampalataya. Nangangaral sila ng matagalan tungkol sa “pagkakaroon ng patotoo.” Ngunit hindi ko na naririnig ang katotohanang ito ay ipinangangaral pa. Sa katunayan, ang patotoo ng Espiritu ay hindi na naririnig sa mga iglesya ngayon!

Ang mga mananampalataya ay nangangailangan ng patotoo ng Espiritu ng mas higit pa kaysa noon. At kakailanganin natin ito ng higit pa lalo habang palapit na ang pagbabalik ng Panginoon! Si Satanas ay dumating na hayag-hayagan bilang anghel ng liwanag para manlinlang, kung maari lamang, sa mga pinili ng Diyos. Ang kanyang makadiyablong panunukso ay mamumukadkad: mga huwad na katuruan, mga huwad na mangangaral, mga huwad na magandang balita.

Ang malalim na patotoo ng Espiritu ay kumikilos sa “prinsipyo ng kapayapaan.” Ang kapayapaan ng Diyos ang pinakadakila na maari mong makamit. At kapag ginulo ang iyong kapayapaan, makasisiguro ka na mangungusap sa iyo ang Espiritu Santo! Kapag may kaguluhan sa iyong espiritu—isang nakayayanig at isang kaguluhan sa iyong kaibuturan—sinasabi sa iyo ng Diyos na may bagay na mali. Madarama mo ang kanyang kahihiyan—ang kanyang pighati at galit!

“At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo” (Colosas 3:15). Anumang nakatago, hindi pa pinagsisihang kasalanan ay nanakawan ang isang mananampalataya ng kanyang itinatanging kapayapaan! Ang kanyang puso ay pupunitin ng kasalanan, pagkondena at takot—at ang Espiritu ay mangungusap sa kanya ng dalawang salita lamang. “Magsisi! Lumayo!”

Oo, ang Espiritu ay mangungusap sa iyo para itama ka; haharapin ka niya tungkol sa iyong kasalanan, katuwiran at paghahatol. Ngunit pagdating sa iyong patutunguhan—iyan ay, ang nakatigil, maliit na tinig na nagungusap sa iyo ano ang gagawin at saan magpupunta—hindi siya kikilos sa maduming sisidlan!

Kapag nagpatuloy ka sa kasalanan—kapag hindi mo ikinumpisal o hinarap ito—ang puso mo ay magpapakain sa iyo ng sunud-sunod na mga kasinungalingan. Makaririnig ka ng mga katuruan na gagawin kang parang sanay na sa iyong kasalanan, “Ang suliranin ko ay hindi ganyan kasama. Hindi ko nadarama na ako ay hinahatulan.” Ngunit ikaw ay ganap itutulak para maligaw!

Si Isaias ay nangusap tungkol sa mga tao na inaangkin ang pagnanais ng tunay na pagsangguni sa Diyos. Sinasabi ninyo: “Dali-dalian mo nang aming makita ang iyong gagawin; maganap na sana ang panukala mo, Banal ng Israel, nang malaman namin” (Isaias 5:19).

Ngunit ang mga taong ito ay may pandaraya sa mga puso nila—at nauwi silang pilipit sa lahat ng kanilang pagpapayo! Pinilipit ng kasalanan ang kanilang mga paghuhusga! Bilang bunga, hindi na nila makilala kung alin ang diyablo. At ang lahat ng banal at dalisay ay tinatawag nilang mali. Sinabi ni Isaias sa kanila, “Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, ang masama naman ay minamabuti, ang kaliwanaga’y inaaring dilim at ang kadilima’y liwanag ang turing. Mapait na apdo ang sabi’y matamis at ang matamis ay minamapait!” (Isaias 5:20).

Lunes, Oktubre 18, 2010

MAGPAHINGA SA PAG-IBIG NG AMA

Nagkaroon ka ba ng kaibigan o mahal sa buhay na sinabi sa iyo ng biglaan: “Galit ka ba sa akin? May ginawa ba akong mali?”

Maaring nanahimik ka lamang, nag-iisip ng malalim. Kaya sumagot ka, “Hindi, hindi ako galit. Wala kang ginawa para makasakit sa akin. Nanahimik lang ako ngayon.”

Ngunit ipinagpipilitan sa iyo: “Ito ba’y tungkol sa sinabi ko?”

“Wala, wala kang sinabing anuman. Lahat ay ayos lang.”

Sa huli, para makumbinsi ang taong iyon, kailangan yakapin mo siya: “Tumingin ka, mahal kita—hindi ako nagagalit. Ngunit kung ipagpipilitan mo, maaring matuluyan akong mainis!”

Mga minamahal, ganito natin tinatrato ang ating Amang nasa langit! Sa pagtatapos ng araw, nagpupunta tayo sa ating lihim na silid at sinasabi: “Tingnan natin ngayon, paano ko pinasama ang loob ni Hesus sa akin? Ano ang ginawa kong mali—ano ang nalimutan kong gawin? Masyado akong magulo, hindi ko alam kung paano niya ako iibigin. Panginoon, patawarin mo ako minsan pa. Pagdating ng araw magiging masunurin ako, madali na sa iyo para ibigin ako.” Ngunit ang Diyos ay nandoon sa lahat ng sandali, naghihintay na yakapin ka! Ibig niyang ipakita sa iyo kung gaano ka niya iniibig at nais niyang ikaw ay sumandal at magpahinga sa kanyang pag-ibig!

Nang umuwi ang alibughang anak, siya ay tinanggap ng ama sa kanyang tahanan. Tumanggap siya ng bagong damit, kumain sa hapag kainan ng ama at nagkartoon ng ganap na kapatawaran. Ang isang bagay na alam ng anak na ito ay, siya ay nakasisiguro sa pag-ibig ng ama. Alam niya na pagbibigyan siya ng ama, kasamang gagawa, mamahalin siya. Iyan ang kung paano ang ating Amang nasa langit para sa atin.

Gaano man kalayo tayo naligaw mula sa ating Ama, mayroon tayong patuloy na bukas na pinto para bumalik sa kanya. Ngunit kailangang maniwala tayo sa sinasabi ng salita ng Diyos—“…sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin…” (Efeso 1:6).

Naghihintay siyang bukas ang mga kamay para yakapin tayo para sa lahat na tumatanggap ng bukas na daanan at pabalik sa kanyang pag-ibig.

Biyernes, Oktubre 15, 2010

NILIMITAHAN KO ANG DIYOS SA PAGIGING NASISISYAHAN SA KAKAUNTI LAMANG!

Ang Diyos ay masagana na ibig niya kayong bigyan. Ang nais niya ay “buksan ang mga durungawan ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala, na hindi sapat ang paglalagyan para tanggapin ito” (Malakias 3:10). Nakatayo siya sa punung-puno na pinaglalagyan, sinasabi, “Ako’y mapagbigay, mapagmahal na Diyos—ngunit kaunti lamang ang makatatanggap mula sa akin. Hindi nila hinahayaang maging Diyos ako sa kanila!

Katunayan, kailangang magpasalamat tayo sa Diyos para sa lahat ng ginawa niya at naibigay na sa atin. Gayunman hindi tayo dapat masiyahan sa ating palagay ay sapat na! Maraming Kristiyano ay nasisiyahan na na nakaupo sa iglesya at pinagpapala sa presensiya ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga tinatawag na “nasisiyahang espongha”! Sinisipsip nila ang lahat—ngunit nililimitahan nila ang Diyos sa kanilang mga buhay, kapag nais niyang pahiran sila ng langis para maglingkod.

Nang magtaka ang mga disipulo sa mga himala ni Kristo, sumagot si Hesus, “Ang Diyos ay may mas higit pang gawain para sa inyo!” Marami sa atin ay tulad ng mga disipulo. Nakakita tayo ng isang himala, at nasisiyahan na tayo na pag-usapan ito hanggang sa wakas ng ating mga buhay. Ngunit kung talagang kilala natin ang Diyos at hahayaan natin siyang maging Diyos para sa atin, hihingi pa tayo sa kanya ng higit pa:

• Makakarating tayo sa kalangitan sa pamamagitan ng panampalataya, naniniwala na ibabagsak ng Diyos ang mga walang diyos na pinuno sa mga lokal, estado, at mga federal na ahensiya.
• Maniniwala tayo na tutulungan tayo ng Diyos na matigmak ang ating lunsod ng Mabuting Balita ni Hesus. Maninindigan tayo sa pananampalataya laban sa mga sandata na nakaumang sa atin, at maibabagsak natin ang mga pinagkukutaan ni Satanas sa ating mga pamilya at mga iglesya.

Ang ating mga bisyon ay walang limitasyon. Mananalig tayo sa Diyos sa higit pang mga dakilang mga bagay para sa kanyang kaharian!

Huwebes, Oktubre 14, 2010

ANG MAKILALA ANG DIYOS SA PARAANG NAIS NIYANG MAKILALA SIYA

Sumagot si Hesus, “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” (Juan 14:9). Kailangan makita natin si Hesus hindi sa paraan na itinuturo ng tao, kundi sa pamamagitan ng pahayag ng Espiritu—sa paraang nais ng Diyos na makilala at makita natin siya! Kailangan makuha natin ang bisyon ng Diyos at ang patotoo ni Kristo—at makikilala natin ang Diyos sa paraang nais niyang makilala siya!

Narito ang aking paniniwala kung paano ninanais ng Diyos na makita ang kanyang Anak: “Bawat kaloob na mabuti at ganap ay buhat sa langit, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa langit. Hindi siya nagbabago. Hindi niya tayo iniiwan o binabayaan man sa dilim” (Santiago 1:17).

Si Hesus ay isang handog! Ibinalot ng Diyos ang lahat ng pangangailangan galing sa kanya kay Hesus—“ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak…” (Juan 3:16). Si Kristo ang pinakamabuti at ganap na handog ng Diyos sa atin, bumaba galing sa Ama! Nakikita mo ba na si Hesus ang ganap na handog para sa iyo? Nakikita mo ba siya na siya lamang ang lahat ng kakailanganin mo para mabuhay ng masaya, matagumpay, makatuwiran, puno ng kapayapaan at kapahingahan?

Maraming panahon na ang nakakalipas, bago ka pa nilikha, nakita na ng Diyos ang mga kapighatian at mga kakailanganin mo. Alam niya ng una pa sa panahon ano ang kakailanganin mo para malutas ang mga suliranin mo. Hindi niya ibinalot ang mga sagot niya at ipinadala sa iyo bilang isang aklat ng mga alituntunin o bilang hukbo ng ”mga tagasagot na tao.” Hindi—binigyan niya tayong lahat ng isang kasagutan sa lahat ng ating mga paghihirap at pangangailangan—isang Lalaki, isang Daan, isang Sagot sa lahat ng ating mga pangangailangan: si HesuKristo!

Sinabi ng Diyos sa iyo, “Hidi ko ibig mabuhay para sa kinabukasan! Maari ka lamang lumingon at tingnan na ngayon ay maaring ito ang pinakamabuting panahon para sa iyo. Hindi magiging higit pa at malakas si Hesus para sa iyo ng higit pa ngayon. Bakit hindi mo hayaang maging Diyos ako sa iyo ngayon?”

Miyerkules, Oktubre 13, 2010

ANG TAGUMPAY SA PAMAMAGITAN NI CRISTO

Ang kaluwalhatian ng Diyos at ang pagiging marapat ng kaniyang Anak ay kalahok sa kaniyang pangangalaga sa atin. Gayunman, anumang maaring maging hadlang sa daanan ng ating pagiging walang-hanggang mapalad ay isinaayos sa pamamaraang mabigyan ng katiwasayan ang banal na kaluwalhatian at mabigyan ng matagumpay na kasagutan sa bawat panghihikayat ng kalaban.

Ito ba ay tanong tungkol sa pagsuway? Pinatawad na tayo sa lahat ng ating pagsuway at kasalanan.
Ito ba ay tanong tungkol sa kasalanan? Hinatulan na niya ang kasalanan sa krus at ito ay inalis na.
Ito ba ay tanong tungkol sa pagkakasala? Ito ay pinawalang bisa sa pamamagitan ng dugo sa krus.
Ito ba ay tanong tungkol sa kamatayan? Inalis na niya ang kamandag nito at katunayan ito ay ginawa niyang bahagi ng ating pag-aari.
Ito ba ay tanong tungkol kay Satanas? Pinuksa na niya siya sa pamamagitan ng pagsasawalang bisa ng lahat ng kaniyang kapangyarihan.
Ito ba ay tanong tungkol sa sanlibutan? Iniligtas na niya tayo mula dito at pinutol na niya ang lahat na nag-uugnay sa atin mula dito.

Kayat, mga minamahal na nagbabasa nito, ito ay maninindigan sa atin kung tayo ay matuturuan ng Banal na Kautusan, kung tatanggapin natin ang Salita ng Diyos, kung paniniwalaan natin ang kaniyang sinasabi—at idagdag pa natin, at kung hindi, tayo ay mananatili pa rin sa ating mga kasalanan, sa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, sa pagkakahawak ni Satanas, nasusuklam sa kamatayan, bahagi pa rin ng kasamaan, walang Cristo, sanlibutang walang Diyos at lantad sa walang humpay na poot ng Diyos—ang higanti ng walang-hanggang apoy.

Nawa ay buksan ng pinagpalang Espiritu ang mata ng mga tao ng Diyos at makita nila ang nararapat nilang kalalagyan, ang kanilang kapunuan at walang hanggang kaligtasan na kasama si Cristo na namatay para sa kanila, at nakaligtas sa kapangyarihan ng lahat ng kanilang mga kaaway!

Sinipi mula sa mga panulat ni J.B. Stoney na ginamit sa mga personal na panata ni David Wilkerson

Martes, Oktubre 12, 2010

ANG PAGTANGGAP SA PAMAMAGITAN NI CRISTO

Para sa sinuman upang makapagsaya sa matatag na katahimikan habang siya ay abala sa kaniyang sarili, kailangan niyang lumayo sa kaniyang sarili at makinig sa Salita ng Diyos, at magpahinga, na walang isa mang tanong, sa kadalisayan nito, kahalagahan at walang hanggang talaan. Ang Salita ng Diyos ay hindi kailanman nagbabago. Ako ay nagbabago; ang aking katawan, ang aking nadarama, ang aking karanasan, ang mga pangyayari sa buhay ko ay patuloy na nagbabago, ngunit ang Salita ng Diyos ay katulad kahapon at ngayon at magpakailanman.

Ito ay isang malawak, dakila at mahalagang punto para sa kaluluwa upang maunawaan na si Cristo ay siya lamang natatanging kahulugan ng kalagayan ng mga mananampalataya sa harapan ng Diyos. Ito ay nagbibigay ng malawak na kapangyarihan, kalayaan at pagpapala. “Sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito” (1 Juan 4:17). Ito ay isang bagay na ganap na kahanga-hanga!

Ating gunitain; isipin natin ang isang kaawa-awang, alipin ng kasalanan, isang aliping nakatali kay Satanas, isang sabik sa sanlibutan, nakalantad sa walang hanggang impiyerno—isang nakuha na ng naghaharing grasya, ganap na nailigtas mula sa pagkakahawak ni Satanas, ang kaharian ng kasalanan, ang kapangyarihan nitong kasalukuyang kasamaan—pinatawad, hinugasan, binigyang katuwiran, inilapit sa Diyos, tinanggap kay Cristo at ganap at walang-hanggang kinikilala na kasama niya upang masabi ng Espiritu Santo, “Kung si Cristo man ay, siya man ay nandito rin sa sanlibutan!”

Ang lahat ng ito ay mistulang napakaganda. At higit na sinisigurong, ito ay madali lamang nating makukuha. Ngunit pagpalain ang Diyos ng lahat ng grasya at pagpalain ang Cristo ng Diyos, hindi ito lubhang madaling kunin. Ang Diyos ay nagbibigay katulad ng sarili niya. Siya ay mananatiling Diyos, kahit na tayo ay hindi karapat-dapat at hinahadlangan ni Satanas. Siya ay kikilos ng ayon sa kaniyang sarili at karapatdapat sa Anak ng kaniyang pag-ibig.

Sinipi mula sa mga panulat ni J.B. Stoney na ginamit sa mga personal na panata ni David Wilkerson

Lunes, Oktubre 11, 2010

ANG LALIM NG PAG-IBIG NG DIYOS

Sinabi ni Pablo tungkol sa pag-ibig ng Diyos: ito ay malawak, malapad, matayog at malalim. Nais kong tumuon sa lalim ng pag-ibig niya.

“Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y mag-ugat at magtumibay sa pagibig. Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim, At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Diyos. Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin” (Efeso 3:17-20).

Kamakailan patuloy akong nakakatanggap ng mga liham (e-mail) mula sa mga Kristiyanong nagbalik sa dating makasalanang gawi na bumabalik na muli sa una nilang pag-ibig. Ang isa ay sumulat, “Ako’y pinatawad; iniibig ko ang Panginoon. Ngunit namuhay ako ng maraming taon sa matinding pagkakasala. Ngayon ako ay muling nagbabalik, ngunit hindi ko matanggap ang aking kapatawaran. Natatakot ako na hindi ako mapapatawad ng Diyos sa mga hindi masambit na mga kasalanan kong nagawa—nakaririmarim na mga kasalanan. Wala akong kapayapaan. Hindi ko madama ang presensiya ng Panginoon.” Ang isa ay sumulat din ng, “Ako ay nagkasala ng mga kahindik-hindik na mga kasalanan. Nais kong bumalik kay Jesus ngunit nadarama ko ang paghamak ng Diyos sa akin. Nagkasala ako laban sa liwanag. Natatakot ako na hindi ako mapatawad. Isa ako sa pinakamasamang makasalanan.”

Ang mga nanumbalik sa kasalanan ay niyuyugyog. Marami ay muling nagbalikan. Sila ay pagod nang malulong sa mga ipinagbabawal na droga, alak, kamunduhan; pagod na sa sanlibutan. Narinig ko ito, “ Ako ay nahulog sa imoralidad, sa lalim ng malapot na mga kasalanan.” Ito ay para bang ang Diyos ay may guhit sa pag-itan—limitasyon sa kanyang pag-ibig at kahabagan—para bang mayroong punto na kung saan ay sinasabi niya, “Madalas mo akong hinahamon at ginagalit. Tinanggihan mo ang lahat ng aking panawagan—lahat nga aking mga babala. At ngayon ikaw ay lumampas sa guhit. Ang puso ay matigas at malamig. Si Satanas ay may mahigpit na paghawak sa iyong puso.”

Naniniwala ako na marami sa mga nalihis at muling nanumbalik sa kasalanan ay lubhang naguguluhan at napapahiya o maaring kumbinsido na nawala na sa kanila ang grasyang kapatawaran. Hindi nila maisip na ang Panginoon ay aabutin ang lalim ng kanilang makasalanang kalagayan na may pag-ibig at habag.

Si Jonas ay mabigat na nagkasala, sinadyang lumayo sa kasunduan nila ng Diyos. Ang kanyang hindi pagsunod ay maglalagay sa kapahamakan ng nakararami sa kanyang mga kamay. Sa loob ng tiyan ng balyena, nandoon ang Diyos sa kanyang pinakamalalim na kasalanan at pagrerebelde. Naniwala si Jonas na pinabayaan na siya ng Diyos dahil sa kanyang kasalanan. “Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman... Ang kalaliman ay nasa palibot ko… Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok… Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man… Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko” (Jonas 2:3-7). Nang mapunta siya sa pinakamalalim—nakatanggap siya ng sariwang paghipo, isang natatanging pagtawag. Siya ay pinatawad at iniligtas. Ito ay nagpapatunay na ang Espiritu Santo ay kumikilos sa lalim ng ating mga kasalanan. Walang sinuman ang ganap na mapapalayo; walang sinuman ang itinatapon. Ang Espiritu Santo ay patuloy na binabantayan ang marami, nagsasabing, “Magsisi kayo, ako ay nasa kailaliman ng inyong sagad na kalagayan para muli kayong ibalik.”

Walang anuman ang maaring makapaghiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos. Wala! “Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutuman, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?, Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig. Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Diyos, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin. (Roma 8:35, 37-39).

Ang dugo ni Jesus ay inaabot ang kailaliman ng kasalanan, nag-aalok ng kalayaan, kapatawaran, kahabagan at muling pakikipagkasundo sa Ama. Gaano man kalalim ang iyong kinahulugan, ang pag-ibig at kapatawaran ay patuloy ding lumalalim.

O, ang lalim ng kaniyang pag-ibig!

Biyernes, Oktubre 8, 2010

PARA MAKILALA ANG TINIG NIYA

Yaong tunay na nakakakilala sa Diyos ay natutunang makilala ang kanyang tinig higit pa sa lahat. Ibig niya na kayo ay ganap na nahikayat na nais niyang makipag-usap sa inyo—para sabihin ang mga bagay na hindi ninyo nakikita at naririnig noon.

Naniniwala ako na may tatlong bagay na kailangan para doon sa mga makaririnig ng tinig ng Diyos:

1. Isang di matitinag na pagtitiwala na nais ng Diyos na makausap kayo. Kailangang ganap na nahikayat kayo at kumbinsido tungkol dito. Katunayan, siya ay isang nagsasalitang Diyos—nais niyang makilala ninyo ang kanyang tinig para magampanan ninyo ang kanyang kalooban. Ang sasabihin ng Diyos sa inyo ay hindi lalampas sa sinasabi ng Kasulatan.

2. Mahalagang sandali at katahimikan. Kailangan na hahayaan ninyong manahimik sa presensiya ng Diyos at hayaang ang lahat ng ibang tinig ay maglalaho. Tunay, ang Diyos ay nakikipag-usap sa atin sa buong araw. Ngunit kapag mayroon siyang bagay na nais na itatag sa aking buhay, ang kanyang tinig ay darating lamang pagkatapos kapag naipaglaho ko ang iba pang mga tinig maliban sa kanya.

3. Ang humiling na may pananalig. Hindi tayo makakatanggap ng anuman mula sa Diyos (kasama na pati marinig ang kanyang tinig) maliban kung tunay tayong naniniwala na kaya niyang iparating ang kanyang isipan sa atin—para magawa natin na maunawaan ang kanyang dalisay na kalooban!

Hindi mapagbiro ang Diyos! Hindi niya hahayaan ang kaaway na linlangin tayo. Kapag nagsalita ang Diyos, ay kasunod ang kapayapaan—at hindi kayang gayahin ni Satanas ang kapayapaang iyan!

“Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang mga pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig” (Juan 10:2-5).

Huwebes, Oktubre 7, 2010

SAAN KA NAKATAYO

Sa Exodo 33, hindi alam ni Moises ngunit siya’y dadalhin na ng Diyos sa mas dakilang pagpapahayag ng kanyang kaluwalhatian at kalikasan. Ang pahayag na ito ay higit pa sa pagiging magkaibigan, higit pa sa pagiging malapit sa isa’t isa. Ito ay pahayag na ibig ng Diyos na malaman ng lahat mga nasasaktang mga tao niya.

Sinabi ng Panginoon kay Moises na ipakikita niya sa kanya ang kanyang kaluwalhatian: “Makikita mo ang lahat ng aking katangian at sasabihin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh” (Exodo 33:19). Pagkatapos ay sinabi niya, “…ngunit hindi mo maaring makita ang aking mukha sapagkat tiyak na mamatay ang sinumang makakita niyon. Dito sa tabi ko’y may matatayuan kang bato. Pagdaan ko, ipapasok kita sa isang siwang nito at tatakpan kita ng aking kamay” (33:20-22.”

Ang salitang Hebreo dito para sa kaluwalhatian sa talatang ito ay nangangahulugan ng “ng aking sarili.” Sinasabi ng Diyos kay Moises, “Ako mismo ay dadaan sa tabi mo.” Isang pagsasalin ay nagsasabi ng ganito: “Pagdaan ko, ipapasok kita sa isang siwang nito at tatakpan kita ng aking kamay.”

Ito ang ibig ipakahulugan ni apostol Pablo nang sinabi niya na tayo ay “nakatago kay Kristo.” Kapag binigo natin ang Diyos—kapag nagkasala tayo ng mabigat laban sa liwanag—hindi tayo dapat manatili sa ating pagkakabagsak na katayuan. Sa halip, kailangang mabilis tayong tumakbo kay Hesus, para maitago sa Bato. Isinulat ni Pablo, “Sa ating mga ninuno…at uminom din ng iisang inuming espirituwal, mula sa Batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang Batong iyon ay si Krsito” (1 Corinto 10:1,4).

Ano ang dakilang pahayag na ibinigay ng Diyos kay Moises tungkol sa sarili niya? Ang katotohanan tungkol sa kanya na dapat masantipikahan natin sa ating mga puso? Ito iyon:

“Sinabi ni Yahweh kay Moises…Bukas gumayak ka ng maaga at magpunta ka sa akin sa taluktok ng Bundok ng Sinai…Si Yahweh ay bumaba sa ulap, lumagay sa tabi ni Moises at binanggit ang kanyang pangalan: Yahweh. Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises. Sinabi niya, ‘Akong si Yahweh ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat. Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinatawad ang kanilang kasamaan, pagsalangsang at pagkakasala” (Exodo 34:1,2 at 5-7).

Narito ang isang mas higit pang dakilang pahayag, ang kabuuan ng larawan kung sino talaga ang Diyos. Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Magpunta ka sa akin sa bundok sa umaga. Bibigyan kita ng pag-asa na mag-iingat sa iyo. Ipakikita ko sa iyo ang puso ko na hindi mo pa nakita noon.” Ano ang “kaluwalhatian” na ipinakiusap ni Moises sa Panginoon?

Narito ang kaluwalhatian: isang Diyos na “mapagpatawad at mabait, matiisin at masagana sa kabutihan at katotohanan, nagbibigay ng kahabagan sa libu-libo, kinalilimutan ang mga pagkakasala, mga kaimbian at pagmamalabis at kasalanan, at iyon ay magpapatawad sa mga nagkasala.”

Si Kristo ang ganap na paglalarawan ng kaluwalhatiang iyon. Katunayan, ang lahat ng nasa Ama ay isinasakatawan ng Anak. At si Hesus ay isinugo sa sanlibutan para magdala ng kaluwalhatian sa atin.

Miyerkules, Oktubre 6, 2010

PANAHON NG PASASALAMAT!

Ang paksa ng pasasalamat ay dumating sa akin kamakailan habang dumaranas ako ng kabigatang pangsarili. Noong panahon na iyon, ang gusali ng aming iglesya ay nangangailangan ng mayor na pag-ayos. Ang mga suliranin ng mga taga Parokya ay nagpapatung-patong na. Lahat ng kilala ko ay mistulang dumaranas ng pagsubok. At nadama ko ang lahat ng dalahin na ito.

Pumasok ako sa aking tanggapan at naupo, nakadama ako ng awa sa sarili ko. Nagsimula akong maghimutok sa Diyos: “Panginoon gaano pa katagal mo akong hahayaan sa apoy na ito? Gaano pa katagal ako mananalangin tungkol sa lahat ng ito bago mo ito gawan ng paraan? Kailan mo ako sasagutin, Diyos ko?

Kaginsa-ginsa’y pumasok ang Espiritu Santo sa akin—at nakaramdam ako ng hiya. Ibinulong ng Espiritu sa aking puso, “Magsimula kang magpasalamat sa akin ngayon din, David. Dalhan mo ako ng sakripisyo ng pasasalamat—para sa lahat ng nagdaang nagawa ko na para sa iyo, at para sa gagawin ko pa sa mga darating na panahon. Bigyan mo ako ng sakripisyo ng pasasalamat—at kaginsa-ginsa’y ang lahat ay magbabago!”

Ang mga salitang iyon ay nanatili sa aking espiritu. Ngunit nag-isip ako: “Ano ang ibig sabihin ng Panginoon, ‘isang sakripisyo ng pasasalamat’?” Tiningnan ko ang talatang ito sa Kasulatan at ako’y namangha sa lahat ng mga pinagbatayan na natagpuan ko:

• “Dapat ding dumulog, na dala ang handog ng pasasalamat, lahat ng ginawa niya’y ibalita, umawit sa galak!” (Awit 107:22).
• “Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak ang pasasalamat” (Awit 116:17).
• “Pag-ibig n’yang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan n’ya’y ihayag din naman” (Awit 95:2).
• “Pumasok sa kanyang templo puso’y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan” (Awit 100:4).

Nabuhay tayo sa isang araw nang ang ating nakatataas na pari, si Hesus, ay naipakita na ang sakripisyo ng sariling dugo sa Ama para sa pagtatakip sa ating mga kasalanan. Hinugasan na ni Kristo ang ating mga pagkakasala, hindi na aalalahanin pang muli laban sa atin. Kaya, para sa atin, ang gawain ng pagtatakip-sala ay tapos na.

Gayunman, katulad ng mga Israelitas, kailangan din nating humarap sa korte ng Panginoon katulad ng sinasabi sa Awit 100—may kasamang pasasalamat at pagpupuri. At kailangan magdala tayo ng dalawang “guya.” Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo kay Yahweh at sabihin ninyo, ‘Patawarin mo na kami. Kami’y iyong kahabagan at tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri” (Oseas 14:2). Ang salitang “guya” dito ay sumasagisag sa ating mga labi, o mga salita. Ang buong kahulugan nito sa Hebreo ay, “Maghahandog kami ng mga guya, maging ng aming mga labi.”

Ang ating handog ng pasasalamat ay kailangan gawin na may kasamang dalawang guya—isang handog ng ating mga labi, ating mga tinig. Sinasabi ng Diyos,”Dalhin mo sa aking harapan ang iyong pananalita ng pasasalamat. Magsalita ka, awitin mo ang iyong mga pagpupuri sa akin!”

Hindi na natin kailangan magdala sa Diyos ng sakripisyo ng dugo o alay na pilak at ginto para sa pagtatakip-sala. Sa halip, kailangan magdala tayo sa kanya ng sakripisyo ng pagpupuri at pasasalamat mula sa ating mga labi: “Kaya’t lagi tayong maghandog ng hain ng pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus—pagpupuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan” (Hebreo 13:15). Ang “bunga ng ating mga labi” ay pagkilala sa utang na loob at pasasalamat!

Lunes, Oktubre 4, 2010

ANG SAKRIPISYO NG PASASALAMAT

Ang isa sa pinakamahalagang talata sa kabuuan ng Kasulatan ay matatagpuan sa unang epistola ni Pedro. Ang apostol ay nagpahayag ng pangangailangan na masubok ang ating pananampalataya: “Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon kayo’y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si HesuKristo” (1 pedro 1:7).

Sa parehong pahina, sinabi ni Pedro sa atin ano ang maari nating asahan sa pagharap sa pagsubok sa ating pananampalataya: “…bagamat maaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon” (6).

Ang salitang Griyego na ginamit dito para sa pagsubok ay nangangahulugan “sinusubukan, sinisiyasat, sinusubok ng may kasawian at kasamaang palad.” Sinasabi ni Pedro. “Kung ikaw ay tagasunod ni HesuKristo, kung ganon ay daranas ka ng maraming mabibigat na pagsubok at mga tukso. Susubukin ka ng may kalupitan!”

Ang talatang ito ay nagmumungkahi na sinasabi ng Diyos, “Ang pananalig mo ay mahalaga sa akin—mas mahalaga kaysa sa lahat ng kayamanan ng sanlibutang ito, na isang araw ay maglalaho. At sa mga huling araw na ito—kapag ipinadala ng kaaway ang lahat ng uri ng kadiyabluhan sa inibig ko na manindigan ka ng buong lakas na may di-matitinag na pananampalataya.

Dagdag pa niyang sinabi, “Iingatan at pagpapalain kita sa bawat araw na may kadiliman! Ang bahagi mo lamang ay manatiling nananalig sa akin. Ikaw ay iingatan ng aking kapangyarihan sa pamamagitan ng pananamapalataya!”

“Sapagakat kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng panahon” (5).

Sinasabi ni Pedro sa atin: “Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya…” (2 Pedro 2:9).

Isinulat ni Pablo: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito” (1 Corinto 10:13).

Maliwanag, ayaw ng Diyos na manatili tayo sa ating mga pagsubok. Bakit niya nanaisin na panatilihin tayo sa gitna ng mga pagsubok at kapighatian? Hindi siya nakakukuha ng kaluwalhatian mula sa mga pagsubok ng kanyang mga anak—kundi mula sa mga bunga ng mga pagsubok na ito!

Mayroon lamang isang paraan paano natin matatakasan ang ating mga pagsubok—at iyan ay kung nalampasan natin ang pagsubok. Isipin ang tungkol dito: Noong ikaw ay nasa paaralan pa, paano mo nalampasan ito? Naipasa mo ang huling pagsusulit. At kung hindi mo naipasa, ikaw ay pababalikin sa paaralan.

Iyan din ang kalalagayan sa lumang panahon ng Israel, nang ipinadala sila ng Diyos sa Pulang Dagat. Sinusubok ng Diyos ang kanyang mga tao, sinisiyasat sila. Dinala niya sila sa bingit ng pagkawasak—napapalibutan ng dalawang bundok sa magkabilang panig, dagat sa isa pa, at sa padating na mga kaaway sa kabila pa.

Gayunpaman inilagay ng Panginoon ang Israel sa ganoong kalalagayan umaasa sa isang tiyak na reaksiyon. Ibig ng Diyos na tanggapin nila ang kanilang kahinaan. Nais niyang marinig sila na sinasabing, “Natatandaan namin noon ng iniligtas kami ng Diyos sa mga salot. Natatandaan namin kung paano kami iniligtas ng Diyos sa pugon ng kapighatian na kung saan ay gumawa kami ng mga ladrilyo na walang dayami at walang pahinga. Iniligtas niya kami noon—at gagawin niyang muli ito! Magsaya tayo sa kanyang katapatan. Siya ay Diyos—at binigyan niya tayo ng mga pangako na kanyang tutuparin. Pangangalagaan niya tayo mula sa bawat kaaway na darating laban sa atin.”

Sabado, Oktubre 2, 2010

TAMANG AWIT---MALING BAHAGI

Noong dumadaan ang mga Istaelitas sa mga pagsubok, sila ba’y dapat magpahayag ng pagkilala ng utang na loob at pasasalamat sa kalagitnaan nito? Nang sila’y napaliligiran at nasa wala ng pag-asang katayuan, talaga bang inasahan ng Diyos na magkaroon sila ng ganoong uri ng reaksiyon?

Oo—lubus-lubusan! Iyan ang lihim kung paano kung paano sila makalalabas sa kanilang kapighatian. Nakita mo, nais ng Diyos ang ganito mula sa atin sa panahon ng ating mga nakakagagaping kaguluhan at mga pagsubok. Ibig niya na maghandog tayo ng sakripisyo ng pasasalamat sa gitna ng lahat ng ito!

Naniniwala ako na natuklasan ni Santiago ang lihim na ito nang nagpaalala siya, “…magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang pagsubok…” (Santiago 1:2). Sinasabi niya, “Huwag kayong susuko! Gumawa kayo ng altar sa inyong mga puso, at maghandog ng may kagalakang pasasalamat sa gitna ng inyong mga pagsubok.”

Tunay nga ang mga anak ng Israel ay nag-alay ng papuri at pasasalamat sa Panginoon—ngunit ginawa nila ito sa maling bahagi ng Pulang Dagat! Oo, ang mga tao ay nagsaya ng buong magdamag—ngunit hindi nasiyahan ang Diyos dito. Kahit sino ay maaring sumigaw ng pagkilala ng utang na loob pagkatapos ng tagumpay. Ngunit ang katanungan na ibinigay ng Diyos sa Israel ay, “Pupurihin ba ninyo ako bago ko ipadala ang tulong ko—habang nasa kalagitnaan kayo ng inyong pakikipaglaban?”

Naniniwala ako na kung nagsaya ang mga taga Israel sa “bahagi ng pagsubok” ng Pulang Dagat, hindi na sila muling susubukin sa tubig ng Marah. Kung naipasa lamang nila ang pagsubok sa Pulang Dagat, ang tubig ng Marah ay hindi maglalasang mapait, kundi matamis. At makikita ng Israel ang mga bukal ng tubig kahit saan sa disyerto, sa halip na dumanas ng pagkauhaw.

Tinulungan tayo ng Diyos na awitin ang tamang awit sa bahagi ng mga pagsubok. Ito ay nagdadala ng pinakamataas na uri ng kagalakan sa ating Amang nasa langit.

Ikaw ba ngayo’y dumadaan sa pinakamabigat na katayuan? Kung ganoon ay umawit! Magpuri! Sabihin sa Panginoon, “Magagawa mo, iniligtas mo na ako dati, maililigtas mo ako ngayon. Magpapahinga ako ng may kagalakan.

Biyernes, Oktubre 1, 2010

PAGKILALA SA DIYOS

Ako’y may sasabihing nakagugulat na pahayag, at tinitiyak ko ang salita nito: Hindi ko talaga kilala ang Diyos! Iyan ay, hindi ko siya kilala sa paraang ibig niyang makilala ko siya.

Paano ko alam ito? Sinabi ng Espiritu Santo sa akin. Ibinulong niya sa akin, may pagmamahal, “David, hindi mo talaga kilala ang Diyos sa paraan na ibig niyang makilala mo siya. Hindi mo talaga hinayaang maging Diyos siya sa iyo.”

Sa Lumang Tipan, nagsama ng mga tao ang Diyos—mga tao na hindi mas mayaman o mas matalino kaysa sa iba—dahil lamang para maging Diyos siya sa kanila: “Aampunin ko kayo mga Israelita at ako ang magiging Diyos ninyo” (Exodo 6:7). Sinasabi ng Diyos, sa ibang salita, “Tutruan ko kayong maging mga tao ko—para maging Diyos ninyo ako!”

Katunayan, ipinahayag ng Diyos at ipinakita niya ang sarili niya sa kanyang mga tao ng paulit-ulit. Nagpadala siya ng mga anghel. Kinausap niya sila ng malakas. Tinupad niya ang bawat pangako ng may dakilang pagliligtas. Gayunpaman, pagkatapos ng apatnapung taon ng paghihimala, mga senyales at kababalaghan, ang pagkakatuos ng Diyos sa kanyang mga tao ay: “Hindi ninyo ako kilala—hindi ninyo alam ang aking mga gawi!”

“Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, “Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko ay sinusuway!’ (Awit 95:10). Sinabi ng Diyos “Sa lahat ng ito hindi ninyo ako hinayaang maging Diyos! Sa apatnapung taon ng pagnanais ko na turuan kayo, hindi ninyo pa rin ako kilala—hindi ninyo pa rin alam kung paano ako kumilos!”

Ang Diyos ay patuloy pa ring naghahanap ng mga tao na hahayaan siyang maging Diyos sa kanila—hanggang sa puntong tunay nila akong kilala at natutunan ang aking mga gawi!

Sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Israel “Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil, ginagalit nilang lagi itong Banal ng Israel” (Awit 78:41). Ang Israel ay tumalikod sa Diyos sa kawalan ng pananalig. At kahalintulad, naniniwala ako na nililimitahan natin ang Diyos ngayon sa pamamagitan ng ating mga pagdududa at kawalan ng pananalig.

Nagtitiwala tayo sa Diyos sa maraming bahagi ng ating mga buhay—ngunit ang ating pananalig ay laging may hangganan at limitasyon. Mayroon tayong kahit isang maliit na bahagi na ating hinaharangan, na kung saan ay hindi natin talaga pinaniniwalaan na ang Diyos ay magsasagawa para sa atin.

Nililimitahan ko ang Diyos sa bahagi ng pagpapagaling. Nanalangin ako para sa pisikal na pagpapagaling para sa marami, at nakita ko ang Diyos na nagsagawa ng maraming himala. Ngunit pagdating sa sarili kong katawan, nilimitahan ko ang Diyos! Takot ako na hayaan siyang maging Diyos sa akin. Ginagamot ko ang sarili ko o tumatakbo sa manggagamot bago pa man ako manalangin para sa sarili ko! Hindi ko sinasabi na mali ang magpunta sa manggagamot. Ngunit minsan ako ay natutulad sa larawan ng “sa halip na kay Yahweh, sa mga manggagamot siya sumangguni” (2 Cronica 16:12).

Tanong ko sa iyo: Nanalangin ka ba sa Diyos para pabagsakin ang pader ng Tsina o Cuba—ngunit pagdating sa kaligtasan ng iyong sariling pamilya, wala ka ni isang onsa ng pananampalataya? Naisip mo, “Maaring ayaw ng Diyos na gawin ito. Ang mga mahal ko sa buhay ay lubos na matitigas. Maaring di ako naririnig ng Diyos sa bagay na ito.”

Kung ito ay totoo, hindi mo siya nakikita bilang Diyos! Ignorante ka sa kanyang mga gawi! Ang kagustuhan ng Diyos ay, ”Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin” (Efeso 3:20).

Ang pitumpung mga nakatatanda sa Israel ay kumain at uminom sa mismong presensiya ng Diyos sa bundok. Gayunpaman, sinabi ng Panginoon sa kanila, “Hindi ninyo pa rin ako nakikilala o nalalaman ang aking mga gawi!”

Ang mga disipulo ay gumugol ng tatlong taon sa presensiya ng Diyos—kasama si Kristo, na Diyos na nagkatawang tao. Nakaupo sila sa kanyang pangangaral at kasama siya gabi’t araw. Gayunman, sa huli, ay tinalikdan nila siya at tumakas—sapagkat hindi nila alam ang kanyang mga gawi!

Sinabi ni Hesus na hindi naririnig ng Diyos ang ating mga dalangin at pagpupuri dahil lamang ito’y sinasambit natin ng paulit-ulit, maraming oras minsan. Maaaring manalangin, mag-ayuno at gumawa ng mabubuting bagay, at hindi pa rin marating ang lugar na kinagugutuman nating makilala siya at simulang maunawaan ang kanyang mga gawi. Hindi natin matututunan ang kanyang mga gawi sa pamamagitan lamang ng lihim na silid, gayunpaman ang lahat na tunay na nakakakilala sa Panginoon ay ganap na malapit sa kanya. Hindi mo malalaman ang mga gawi ng Diyos kung hindi ka gugugol ng maraming oras sa pananalangin sa kanya. Ngunit ang pananalangin ay kailangang may kasamang mahalagang sandali na kung saan ay hahayaan natin siyang maging Diyos sa atin—inihahain ang lahat ng bawat pangangailangan at kahilingan sa kanyang mga kamay at iiwan ito doon.