Lunes, Oktubre 18, 2010

MAGPAHINGA SA PAG-IBIG NG AMA

Nagkaroon ka ba ng kaibigan o mahal sa buhay na sinabi sa iyo ng biglaan: “Galit ka ba sa akin? May ginawa ba akong mali?”

Maaring nanahimik ka lamang, nag-iisip ng malalim. Kaya sumagot ka, “Hindi, hindi ako galit. Wala kang ginawa para makasakit sa akin. Nanahimik lang ako ngayon.”

Ngunit ipinagpipilitan sa iyo: “Ito ba’y tungkol sa sinabi ko?”

“Wala, wala kang sinabing anuman. Lahat ay ayos lang.”

Sa huli, para makumbinsi ang taong iyon, kailangan yakapin mo siya: “Tumingin ka, mahal kita—hindi ako nagagalit. Ngunit kung ipagpipilitan mo, maaring matuluyan akong mainis!”

Mga minamahal, ganito natin tinatrato ang ating Amang nasa langit! Sa pagtatapos ng araw, nagpupunta tayo sa ating lihim na silid at sinasabi: “Tingnan natin ngayon, paano ko pinasama ang loob ni Hesus sa akin? Ano ang ginawa kong mali—ano ang nalimutan kong gawin? Masyado akong magulo, hindi ko alam kung paano niya ako iibigin. Panginoon, patawarin mo ako minsan pa. Pagdating ng araw magiging masunurin ako, madali na sa iyo para ibigin ako.” Ngunit ang Diyos ay nandoon sa lahat ng sandali, naghihintay na yakapin ka! Ibig niyang ipakita sa iyo kung gaano ka niya iniibig at nais niyang ikaw ay sumandal at magpahinga sa kanyang pag-ibig!

Nang umuwi ang alibughang anak, siya ay tinanggap ng ama sa kanyang tahanan. Tumanggap siya ng bagong damit, kumain sa hapag kainan ng ama at nagkartoon ng ganap na kapatawaran. Ang isang bagay na alam ng anak na ito ay, siya ay nakasisiguro sa pag-ibig ng ama. Alam niya na pagbibigyan siya ng ama, kasamang gagawa, mamahalin siya. Iyan ang kung paano ang ating Amang nasa langit para sa atin.

Gaano man kalayo tayo naligaw mula sa ating Ama, mayroon tayong patuloy na bukas na pinto para bumalik sa kanya. Ngunit kailangang maniwala tayo sa sinasabi ng salita ng Diyos—“…sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin…” (Efeso 1:6).

Naghihintay siyang bukas ang mga kamay para yakapin tayo para sa lahat na tumatanggap ng bukas na daanan at pabalik sa kanyang pag-ibig.