Miyerkules, Oktubre 13, 2010

ANG TAGUMPAY SA PAMAMAGITAN NI CRISTO

Ang kaluwalhatian ng Diyos at ang pagiging marapat ng kaniyang Anak ay kalahok sa kaniyang pangangalaga sa atin. Gayunman, anumang maaring maging hadlang sa daanan ng ating pagiging walang-hanggang mapalad ay isinaayos sa pamamaraang mabigyan ng katiwasayan ang banal na kaluwalhatian at mabigyan ng matagumpay na kasagutan sa bawat panghihikayat ng kalaban.

Ito ba ay tanong tungkol sa pagsuway? Pinatawad na tayo sa lahat ng ating pagsuway at kasalanan.
Ito ba ay tanong tungkol sa kasalanan? Hinatulan na niya ang kasalanan sa krus at ito ay inalis na.
Ito ba ay tanong tungkol sa pagkakasala? Ito ay pinawalang bisa sa pamamagitan ng dugo sa krus.
Ito ba ay tanong tungkol sa kamatayan? Inalis na niya ang kamandag nito at katunayan ito ay ginawa niyang bahagi ng ating pag-aari.
Ito ba ay tanong tungkol kay Satanas? Pinuksa na niya siya sa pamamagitan ng pagsasawalang bisa ng lahat ng kaniyang kapangyarihan.
Ito ba ay tanong tungkol sa sanlibutan? Iniligtas na niya tayo mula dito at pinutol na niya ang lahat na nag-uugnay sa atin mula dito.

Kayat, mga minamahal na nagbabasa nito, ito ay maninindigan sa atin kung tayo ay matuturuan ng Banal na Kautusan, kung tatanggapin natin ang Salita ng Diyos, kung paniniwalaan natin ang kaniyang sinasabi—at idagdag pa natin, at kung hindi, tayo ay mananatili pa rin sa ating mga kasalanan, sa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, sa pagkakahawak ni Satanas, nasusuklam sa kamatayan, bahagi pa rin ng kasamaan, walang Cristo, sanlibutang walang Diyos at lantad sa walang humpay na poot ng Diyos—ang higanti ng walang-hanggang apoy.

Nawa ay buksan ng pinagpalang Espiritu ang mata ng mga tao ng Diyos at makita nila ang nararapat nilang kalalagyan, ang kanilang kapunuan at walang hanggang kaligtasan na kasama si Cristo na namatay para sa kanila, at nakaligtas sa kapangyarihan ng lahat ng kanilang mga kaaway!

Sinipi mula sa mga panulat ni J.B. Stoney na ginamit sa mga personal na panata ni David Wilkerson