Biyernes, Oktubre 15, 2010

NILIMITAHAN KO ANG DIYOS SA PAGIGING NASISISYAHAN SA KAKAUNTI LAMANG!

Ang Diyos ay masagana na ibig niya kayong bigyan. Ang nais niya ay “buksan ang mga durungawan ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala, na hindi sapat ang paglalagyan para tanggapin ito” (Malakias 3:10). Nakatayo siya sa punung-puno na pinaglalagyan, sinasabi, “Ako’y mapagbigay, mapagmahal na Diyos—ngunit kaunti lamang ang makatatanggap mula sa akin. Hindi nila hinahayaang maging Diyos ako sa kanila!

Katunayan, kailangang magpasalamat tayo sa Diyos para sa lahat ng ginawa niya at naibigay na sa atin. Gayunman hindi tayo dapat masiyahan sa ating palagay ay sapat na! Maraming Kristiyano ay nasisiyahan na na nakaupo sa iglesya at pinagpapala sa presensiya ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga tinatawag na “nasisiyahang espongha”! Sinisipsip nila ang lahat—ngunit nililimitahan nila ang Diyos sa kanilang mga buhay, kapag nais niyang pahiran sila ng langis para maglingkod.

Nang magtaka ang mga disipulo sa mga himala ni Kristo, sumagot si Hesus, “Ang Diyos ay may mas higit pang gawain para sa inyo!” Marami sa atin ay tulad ng mga disipulo. Nakakita tayo ng isang himala, at nasisiyahan na tayo na pag-usapan ito hanggang sa wakas ng ating mga buhay. Ngunit kung talagang kilala natin ang Diyos at hahayaan natin siyang maging Diyos para sa atin, hihingi pa tayo sa kanya ng higit pa:

• Makakarating tayo sa kalangitan sa pamamagitan ng panampalataya, naniniwala na ibabagsak ng Diyos ang mga walang diyos na pinuno sa mga lokal, estado, at mga federal na ahensiya.
• Maniniwala tayo na tutulungan tayo ng Diyos na matigmak ang ating lunsod ng Mabuting Balita ni Hesus. Maninindigan tayo sa pananampalataya laban sa mga sandata na nakaumang sa atin, at maibabagsak natin ang mga pinagkukutaan ni Satanas sa ating mga pamilya at mga iglesya.

Ang ating mga bisyon ay walang limitasyon. Mananalig tayo sa Diyos sa higit pang mga dakilang mga bagay para sa kanyang kaharian!