Miyerkules, Oktubre 20, 2010

SINABI NG DIYOS SA AKIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI KO INAASAHAN MARINIG!

Isang gabi habang nasa isang pulong ng pananalangin, may sinabi ang Diyos sa akin tungkol sa aming iglesya na hindi ko inaasahan na marinig.

Ibinulong ng Panginoon sa akin, “Kailangan ng iglesya ng isang nakakasindak na pakikitungo! Masyadong marami na ang lumalagong kontento at basta nasisiyahan na lamang. Nararamdaman mong panatag at ligtas mula sa hangin at alon ng mga maling doktrina na laganap sa sanlibutan—ngunit hindi ka handa sa kung ano ang padating!”

Minamahal, ang mensahe ng pagkakaroon ng patotoo ng Espiritu na kumikilos sa iyo ay hindi isang pakiusap—ito ay may kinalaman sa buhay at kamatayan! Kung wala sa iyo ang patotoo ng Espiritu sa mga huling araw na ito, hindi mo ito maliligtasan! Bibigay ka sa padating na espiritu ng Antikristo!

Kailangan mo ng patotoo ng Espiritu Santo araw-araw—sa iyong trabaho, sa gawaan, at sa paaralan. Kailangan matutunan mong husgahan ang mga politiko at mga pinuno para hindi ka basta madadala ng sistema ng antikristo.

Iyan ang sinusubukang sabihin ni Jesus sa atin tungkol sa hangal na dalaga na naubusan ng langis para sa kanilang lampara. Mayroon silang panustos ng Espiritu Santo—ngunit wala silang patotoo nito sa huling sandali.

Huwag mauwi sa pagiging hangal na dalaga! Kung ikaw ay maubusan ng langis—magtiwala sa iyong iglesya o sa iyong pastor para pangalagaan ang iyong kaluluwa—pagkatapos ay magsisi! Magpakumbaba at suriin ang iyong puso! Dumaing sa Diyos para maalis sa iyong espiritu ang lahat ng poot at pait. Ikumpisal ang iyong mga kasalanan at iwaksi ang mga ito. At muling sumandal sa Diyos para sa lahat ng bagay!

Kamtin mo ang kapayapaan ng Diyos sa iyong puso, para magkaroon ka ng patotoo ng Espiritu Santo. At hingin sa Diyos ang isang dakilang pagpapahalaga ng Espiritu. Imbitahan mo siyang maging patotoo mo at patnubay sa lahat ng bagay!

May kabayaran ang magpatuloy para kay Jesus, ngunit makatatanggap din tayo ng gantimpala. Ito ay isang simpleng pagpapala na makasama si Cristo na manindigan kasama natin. Mayroon pang maraming ibang gantimpala (tingnan Mateo19:29), ngunit babanggitin ko ang isang ito sapagkat ito lamang ang kakailanganin natin.

Nang si Pablo ay mabilanggo sa Jerusalem, ang buong sistema ng relihiyon ay nais siyang patayin. Inakusahan siyang nilalapastangan niya ang banal na lugar at nangangaral ng mga huwad na doktrina. Ang buhay niya ay nanganganib, maging ang mga kawal ay “Natakot ang pinuno baka lurayin nila si Pablo” (Gawa 23:10). Kaya’t kinuha siya ng sapilitan at ikinulong sa kuta. Nang sumunod na gabi kinausap si Pablo mismo ng Panginoon, at dala ang nakamamanghang salita: “Magsaya ka! Mayroon pang mga padating na kaguluhan!”

Ang kabayaran sa pagsunod kay Cristo ay maliwanag sa mga buhay ng mga taong ito ng Diyos—at kung tayo ay gagaya sa ating Panginoon, kung ganoon ay yayakapin din natin ang kabayarang ito. Ang magpakatatag ay nagiging isang kaluguran sapagkat ipinangako ni Jesus na sasamahan tayo sa lahat ng kalalagayan. At kaya nating harapin ang lahat o sinuman kapag alam nating kasama natin ang Panginoon.

Kaya’t bilangin ang kabayaran at alamin na ang iyong gantimpala, sa lahat ng bagay, ay ang mahalagang presensiya ni JesuCristo.