Biyernes, Oktubre 29, 2010

IKAW AY NAKATITIYAK SA PAG-IBIG NG AMA!

Sinabi ni Jesus na noong muling nagbalik ang anak na naglayas, siya ay sinalubong ng marangya sa tahanan ng kanyang ama. Tumanggap siya ng bagong balabal, kumain kasalo ang ama at binigyan ng buong kapatawaran. Ngunit hindi ito nangahulugan na ginawa siyang anghel.

Ngunit sa kabaliktaran, naniniwala ako na dumanas ng maraming suliranin ang ama tungkol sa kanya bago pa natapos ang lahat. Ngunit ang isang bagay na dapat malaman ng anak ay ang kasiguruhan ng pag-ibig ng kanyang ama! Kailangan niyang malaman na kayang magtiis ng kanyang ama para sa kanya, gumawa kasama siya, mahalin siya. Ganoon din ang pagtingin ng ating Amang nasa langit para sa atin. Ngunit kahit ganoon patuloy pa rin natin sinasabing, “Isang araw, ako ay magiging ganap at makatuwiran sa harap ng Diyos na magiging madali para sa kanya ang ibigin ako.”

Hindi! Inibig ka niya kahit noong pa na ikaw ay makasalanan, isang masamang tao, isang kaaway niya. Gaano pa kaya ang pag-ibig niya sa iyo ngayong ikaw ay nanumbalik na sa kanya! Sinabi na sa iyo ng Diyos, “Inibig kita noon pa mang isa kang dayuhan para sa akin, noong ikaw ay nagrerebelde at nagkakasala. Hindi ba kita higit na iibigin ngayon na ikaw ay isa ko nang anak?

Hindi tayo nagtitiwalang mamahinga na sa kanyang pag-ibig na dapat lamang sana. Gayunpaman, sinasabi ng Panginoon na siya ay Pag-ibig. Isinulat ni Juan, “Tayo nga'y sa Diyos: ang nakakakilala sa Diyos ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Diyos ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian” (1 Juan 4:6).