Marami sa atin ay mga mangmang na nilalang pa rin na patuloy na nakatingin sa kinabukasan para sa kaganapan nito. Iniisip natin na ang mga padating na mangyayari o ilang mga pagbabago sa ating mga kalagayan ay magdadala sa atin ng kapayapaan at kagalakan. Sinasabi natin, “Maghintay lamang; darating ang panahon ko. Kahit paano, pagdating ng araw, sa ibang lugar…hindi ko alam kung ano ang naghihintay para sa akin, ngunit darating din ito.” Para tayong mga bata na naghihintay lamang ng Pasko at patuloy na nagbibilang ng mga araw.
Isinulat minsan ni David sa panahon ng pagtangis, sa panahon ng may malalim na pagmumuni-muni sa kanyang buhay na naramdaman niya na mabilis ang paglipas ng panahon. Kaunti lamang ang kanyang nagawa, naisip niya. Ang lahat sa panahong iyon ay mistulang nawalan ng kabuluhan. “Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot. At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pag-asa ay nasa iyo” (Awit 39:6-7).
Si David ay lubos na pinanghinaan ng loob, bagsak. Ang kasalukuyang kalagayan niya ay mistulang walang kabuluhan. At mula sa puso niyang bigo dumaing siya, “Panginoon ano pa ang hinihintay ko?”
Kamakailan ako ay naglalakad sa isang burol sa Pennsylvania at nangusap ang Diyos sa puso ko sa katulad din nitong mga katanungan, “David ano pa ang iyong hinihintay? Bakit hindi pa ba ito ang pinakamabuting araw ng iyong buhay? Bakit hindi ka pa rin magkaroon ng kapunuaan at kagalakan? Wala nang anupamang bagay na mayroon na hindi pa napapasaiyo kay Jesus.”
Tanong ko sayo, ano pa ang hinihintay mo? “O, para kay Ginoong Matuwid, maari mong isagot—ang makadiyos na taong iyon ay ililigtas ka mula sa lahat ng kalungkutan at pupunuan ang iyong espiritu ng hindi maipaliwanag na kagalakan. Ang ilan ay sawa na sa kanilang kapareha at naghihintay na mapunta sa kaluwalhatian sapagkat naghahanap sila ng romansa na dumating sa kanilang buhay at maialis ang kakulangan sa kanilang mga sarili. Hindi! Walang anuman mayroon na maaring magpabago o magligtas sa iyo bilang ikaw o kung ano ka pa man. Kung iniisip mo na mayroong makapagbibigay ng lunas sa iyong suliraning kalungkutan, nagkakamali ka. Kailangang makita mo ang kaligtasan, kapayapaan, pag-asa at kagalakan ngayon na!
Si Jesus lamang ang makakapuno sa lahat ng pagkukulang na iyan. Gumising at mabuhay na muli!