Para sa sinuman upang makapagsaya sa matatag na katahimikan habang siya ay abala sa kaniyang sarili, kailangan niyang lumayo sa kaniyang sarili at makinig sa Salita ng Diyos, at magpahinga, na walang isa mang tanong, sa kadalisayan nito, kahalagahan at walang hanggang talaan. Ang Salita ng Diyos ay hindi kailanman nagbabago. Ako ay nagbabago; ang aking katawan, ang aking nadarama, ang aking karanasan, ang mga pangyayari sa buhay ko ay patuloy na nagbabago, ngunit ang Salita ng Diyos ay katulad kahapon at ngayon at magpakailanman.
Ito ay isang malawak, dakila at mahalagang punto para sa kaluluwa upang maunawaan na si Cristo ay siya lamang natatanging kahulugan ng kalagayan ng mga mananampalataya sa harapan ng Diyos. Ito ay nagbibigay ng malawak na kapangyarihan, kalayaan at pagpapala. “Sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito” (1 Juan 4:17). Ito ay isang bagay na ganap na kahanga-hanga!
Ating gunitain; isipin natin ang isang kaawa-awang, alipin ng kasalanan, isang aliping nakatali kay Satanas, isang sabik sa sanlibutan, nakalantad sa walang hanggang impiyerno—isang nakuha na ng naghaharing grasya, ganap na nailigtas mula sa pagkakahawak ni Satanas, ang kaharian ng kasalanan, ang kapangyarihan nitong kasalukuyang kasamaan—pinatawad, hinugasan, binigyang katuwiran, inilapit sa Diyos, tinanggap kay Cristo at ganap at walang-hanggang kinikilala na kasama niya upang masabi ng Espiritu Santo, “Kung si Cristo man ay, siya man ay nandito rin sa sanlibutan!”
Ang lahat ng ito ay mistulang napakaganda. At higit na sinisigurong, ito ay madali lamang nating makukuha. Ngunit pagpalain ang Diyos ng lahat ng grasya at pagpalain ang Cristo ng Diyos, hindi ito lubhang madaling kunin. Ang Diyos ay nagbibigay katulad ng sarili niya. Siya ay mananatiling Diyos, kahit na tayo ay hindi karapat-dapat at hinahadlangan ni Satanas. Siya ay kikilos ng ayon sa kaniyang sarili at karapatdapat sa Anak ng kaniyang pag-ibig.
Sinipi mula sa mga panulat ni J.B. Stoney na ginamit sa mga personal na panata ni David Wilkerson