Huwebes, Oktubre 14, 2010

ANG MAKILALA ANG DIYOS SA PARAANG NAIS NIYANG MAKILALA SIYA

Sumagot si Hesus, “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” (Juan 14:9). Kailangan makita natin si Hesus hindi sa paraan na itinuturo ng tao, kundi sa pamamagitan ng pahayag ng Espiritu—sa paraang nais ng Diyos na makilala at makita natin siya! Kailangan makuha natin ang bisyon ng Diyos at ang patotoo ni Kristo—at makikilala natin ang Diyos sa paraang nais niyang makilala siya!

Narito ang aking paniniwala kung paano ninanais ng Diyos na makita ang kanyang Anak: “Bawat kaloob na mabuti at ganap ay buhat sa langit, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa langit. Hindi siya nagbabago. Hindi niya tayo iniiwan o binabayaan man sa dilim” (Santiago 1:17).

Si Hesus ay isang handog! Ibinalot ng Diyos ang lahat ng pangangailangan galing sa kanya kay Hesus—“ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak…” (Juan 3:16). Si Kristo ang pinakamabuti at ganap na handog ng Diyos sa atin, bumaba galing sa Ama! Nakikita mo ba na si Hesus ang ganap na handog para sa iyo? Nakikita mo ba siya na siya lamang ang lahat ng kakailanganin mo para mabuhay ng masaya, matagumpay, makatuwiran, puno ng kapayapaan at kapahingahan?

Maraming panahon na ang nakakalipas, bago ka pa nilikha, nakita na ng Diyos ang mga kapighatian at mga kakailanganin mo. Alam niya ng una pa sa panahon ano ang kakailanganin mo para malutas ang mga suliranin mo. Hindi niya ibinalot ang mga sagot niya at ipinadala sa iyo bilang isang aklat ng mga alituntunin o bilang hukbo ng ”mga tagasagot na tao.” Hindi—binigyan niya tayong lahat ng isang kasagutan sa lahat ng ating mga paghihirap at pangangailangan—isang Lalaki, isang Daan, isang Sagot sa lahat ng ating mga pangangailangan: si HesuKristo!

Sinabi ng Diyos sa iyo, “Hidi ko ibig mabuhay para sa kinabukasan! Maari ka lamang lumingon at tingnan na ngayon ay maaring ito ang pinakamabuting panahon para sa iyo. Hindi magiging higit pa at malakas si Hesus para sa iyo ng higit pa ngayon. Bakit hindi mo hayaang maging Diyos ako sa iyo ngayon?”