Martes, Oktubre 19, 2010

ANG PATOTOO NG ESPIRITU!

“Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan” (1 Juan 5:6).

Mayroong pagkakataon na kung saan ang pagpapatotoo ng Espiritu Santo ay hindi ako hinahayaang manahimik. Ang Espiritu ay nabubuhay sa akin at kailangang magsalita ako.

Ang Espiritu Santo ay naninirahan sa atin para ipahayag kung ano ang katotohaan at ano ang mali. Nangungusap siya sa matatag, maliit na tinig, sa kailaliman ng puso. Marami sa ating mga ninuno ay naniniwala sa ganitong gawain ng Espiritu sa mga mananampalataya. Nangangaral sila ng matagalan tungkol sa “pagkakaroon ng patotoo.” Ngunit hindi ko na naririnig ang katotohanang ito ay ipinangangaral pa. Sa katunayan, ang patotoo ng Espiritu ay hindi na naririnig sa mga iglesya ngayon!

Ang mga mananampalataya ay nangangailangan ng patotoo ng Espiritu ng mas higit pa kaysa noon. At kakailanganin natin ito ng higit pa lalo habang palapit na ang pagbabalik ng Panginoon! Si Satanas ay dumating na hayag-hayagan bilang anghel ng liwanag para manlinlang, kung maari lamang, sa mga pinili ng Diyos. Ang kanyang makadiyablong panunukso ay mamumukadkad: mga huwad na katuruan, mga huwad na mangangaral, mga huwad na magandang balita.

Ang malalim na patotoo ng Espiritu ay kumikilos sa “prinsipyo ng kapayapaan.” Ang kapayapaan ng Diyos ang pinakadakila na maari mong makamit. At kapag ginulo ang iyong kapayapaan, makasisiguro ka na mangungusap sa iyo ang Espiritu Santo! Kapag may kaguluhan sa iyong espiritu—isang nakayayanig at isang kaguluhan sa iyong kaibuturan—sinasabi sa iyo ng Diyos na may bagay na mali. Madarama mo ang kanyang kahihiyan—ang kanyang pighati at galit!

“At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo” (Colosas 3:15). Anumang nakatago, hindi pa pinagsisihang kasalanan ay nanakawan ang isang mananampalataya ng kanyang itinatanging kapayapaan! Ang kanyang puso ay pupunitin ng kasalanan, pagkondena at takot—at ang Espiritu ay mangungusap sa kanya ng dalawang salita lamang. “Magsisi! Lumayo!”

Oo, ang Espiritu ay mangungusap sa iyo para itama ka; haharapin ka niya tungkol sa iyong kasalanan, katuwiran at paghahatol. Ngunit pagdating sa iyong patutunguhan—iyan ay, ang nakatigil, maliit na tinig na nagungusap sa iyo ano ang gagawin at saan magpupunta—hindi siya kikilos sa maduming sisidlan!

Kapag nagpatuloy ka sa kasalanan—kapag hindi mo ikinumpisal o hinarap ito—ang puso mo ay magpapakain sa iyo ng sunud-sunod na mga kasinungalingan. Makaririnig ka ng mga katuruan na gagawin kang parang sanay na sa iyong kasalanan, “Ang suliranin ko ay hindi ganyan kasama. Hindi ko nadarama na ako ay hinahatulan.” Ngunit ikaw ay ganap itutulak para maligaw!

Si Isaias ay nangusap tungkol sa mga tao na inaangkin ang pagnanais ng tunay na pagsangguni sa Diyos. Sinasabi ninyo: “Dali-dalian mo nang aming makita ang iyong gagawin; maganap na sana ang panukala mo, Banal ng Israel, nang malaman namin” (Isaias 5:19).

Ngunit ang mga taong ito ay may pandaraya sa mga puso nila—at nauwi silang pilipit sa lahat ng kanilang pagpapayo! Pinilipit ng kasalanan ang kanilang mga paghuhusga! Bilang bunga, hindi na nila makilala kung alin ang diyablo. At ang lahat ng banal at dalisay ay tinatawag nilang mali. Sinabi ni Isaias sa kanila, “Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, ang masama naman ay minamabuti, ang kaliwanaga’y inaaring dilim at ang kadilima’y liwanag ang turing. Mapait na apdo ang sabi’y matamis at ang matamis ay minamapait!” (Isaias 5:20).