Lunes, Oktubre 4, 2010

ANG SAKRIPISYO NG PASASALAMAT

Ang isa sa pinakamahalagang talata sa kabuuan ng Kasulatan ay matatagpuan sa unang epistola ni Pedro. Ang apostol ay nagpahayag ng pangangailangan na masubok ang ating pananampalataya: “Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon kayo’y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si HesuKristo” (1 pedro 1:7).

Sa parehong pahina, sinabi ni Pedro sa atin ano ang maari nating asahan sa pagharap sa pagsubok sa ating pananampalataya: “…bagamat maaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon” (6).

Ang salitang Griyego na ginamit dito para sa pagsubok ay nangangahulugan “sinusubukan, sinisiyasat, sinusubok ng may kasawian at kasamaang palad.” Sinasabi ni Pedro. “Kung ikaw ay tagasunod ni HesuKristo, kung ganon ay daranas ka ng maraming mabibigat na pagsubok at mga tukso. Susubukin ka ng may kalupitan!”

Ang talatang ito ay nagmumungkahi na sinasabi ng Diyos, “Ang pananalig mo ay mahalaga sa akin—mas mahalaga kaysa sa lahat ng kayamanan ng sanlibutang ito, na isang araw ay maglalaho. At sa mga huling araw na ito—kapag ipinadala ng kaaway ang lahat ng uri ng kadiyabluhan sa inibig ko na manindigan ka ng buong lakas na may di-matitinag na pananampalataya.

Dagdag pa niyang sinabi, “Iingatan at pagpapalain kita sa bawat araw na may kadiliman! Ang bahagi mo lamang ay manatiling nananalig sa akin. Ikaw ay iingatan ng aking kapangyarihan sa pamamagitan ng pananamapalataya!”

“Sapagakat kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng panahon” (5).

Sinasabi ni Pedro sa atin: “Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya…” (2 Pedro 2:9).

Isinulat ni Pablo: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito” (1 Corinto 10:13).

Maliwanag, ayaw ng Diyos na manatili tayo sa ating mga pagsubok. Bakit niya nanaisin na panatilihin tayo sa gitna ng mga pagsubok at kapighatian? Hindi siya nakakukuha ng kaluwalhatian mula sa mga pagsubok ng kanyang mga anak—kundi mula sa mga bunga ng mga pagsubok na ito!

Mayroon lamang isang paraan paano natin matatakasan ang ating mga pagsubok—at iyan ay kung nalampasan natin ang pagsubok. Isipin ang tungkol dito: Noong ikaw ay nasa paaralan pa, paano mo nalampasan ito? Naipasa mo ang huling pagsusulit. At kung hindi mo naipasa, ikaw ay pababalikin sa paaralan.

Iyan din ang kalalagayan sa lumang panahon ng Israel, nang ipinadala sila ng Diyos sa Pulang Dagat. Sinusubok ng Diyos ang kanyang mga tao, sinisiyasat sila. Dinala niya sila sa bingit ng pagkawasak—napapalibutan ng dalawang bundok sa magkabilang panig, dagat sa isa pa, at sa padating na mga kaaway sa kabila pa.

Gayunpaman inilagay ng Panginoon ang Israel sa ganoong kalalagayan umaasa sa isang tiyak na reaksiyon. Ibig ng Diyos na tanggapin nila ang kanilang kahinaan. Nais niyang marinig sila na sinasabing, “Natatandaan namin noon ng iniligtas kami ng Diyos sa mga salot. Natatandaan namin kung paano kami iniligtas ng Diyos sa pugon ng kapighatian na kung saan ay gumawa kami ng mga ladrilyo na walang dayami at walang pahinga. Iniligtas niya kami noon—at gagawin niyang muli ito! Magsaya tayo sa kanyang katapatan. Siya ay Diyos—at binigyan niya tayo ng mga pangako na kanyang tutuparin. Pangangalagaan niya tayo mula sa bawat kaaway na darating laban sa atin.”