Tulungan mo ang iyong sarili! Hindi ko tinutukoy ang isang walang kinikilalang Diyos, kundi ang isang muling nagbago, na sinakop ni Cristo. Isa sa mga pinakamahalagang talata sa Salita ng Diyos ay Juan4:14:
• “Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan”(Juan 4:14).
• “Sa huli at dakilang araw ng kapistahan tumayo si Jesus. Sa malakas na tinig siya ay nagsabi: Kung ang sinuman ay nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom”(Juan 7:37-38).
•Ang tubig na nagbibigay buhay ay mapapasa-kanya at lalabas mula sa kanya. Mula saan? Mula sa kaibuturan ng kanyang kalooban.
•Hayaan ninyong patunayan ko sa inyo nang walang bahid ng pagdududa na ang lahat ng inyong kailangan sa inyong buhay ay naibigay na mula ng si Cristo ay nanahan sa iyo! Siya ay nasa atin ng buong kapangyarihan para sa lahat ng ating mga pangangailangan!
• “Ayon sa kaniyang kapangyarihan, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol sa buhay at sa pagkamaka-Diyos sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kapangyarihan” (2 Pedro 1:3).
• “Upang ipagkaloob sa inyo ng Diyos ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya”(Efeso 1:17).
• “At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas”(Efeso 1:19).
• “Gawin nawa niya kayong ganap sa bawat mabubuting gawa upang gawin ang kaniyang kalooban. Sa pamamagitan ni Jesucristo, maisasagawa niya sa inyo ang anumang makakalugod sa kaniya. Sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa”(Hebreo 13:21).
• “Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin”(Efeso 3:20).
• " Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo” (Galacia 3:16).
• “At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus”(Efeso 2:6).
• “Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo”(Roma 8:11).
Alam ko na mayroong mga dakilang, hindi maipaliwanag na kapangyarihan sa kalooban ko. Isa itong pakiramdam na maaring mayroong sasabog na kadakilaan.
Alam ko na alam ng Espiritu at nakikita niya at siya lamang ang may kasagutan sa lahat ng aking mga pangangailangan. Alam ko na hindi ko kailangan lumapit kaninuman o kahit kanino na iba sa akin. Alam ko na kailangang tulungan ko ang sarili ko. Ang lahat na tumatawag kay Cristo na Panginoon at nananalig sa kanya ay nasa kanya ang Espiritu Santo para matulungan ang buhay sa kasaganaan at magalak.