Binigyan ng Espiritu Santo si David ng pahayag na siyang susi sa lahat ng kalayaan. Maaring sabihin ni David, ”Ang dahilan kaya ako ay pinalaya ng Diyos mula sa lahat ng aking mga kaaway—sa lahat ng aking mga kalungkutan at sa kapangyarihan ng impiyerno—ay sapagkat ako ay mahalaga sa kanya. Ang Diyos ay nalulugod sa akin!”
“Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin (Awit 18:19). Kailangan mo ba ng kaligtasan? Mula sa tukso ng laman, tukso o mga pagsubok? Mula sa mga suliranin na isipin, espirituwal, emosyonal, o sa pisikal na pangangatawan? Ang susi ng iyong tagumpay ay nasa talatang binanggit sa itaas. Ang Diyos ay nalulugod sa iyo! Ikaw ay mahalaga sa kanya!
Sa Awit ni Solomon, sinabi ng Panginoon sa kanyang nobya, “Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!” (Awit ni Solomon 7:6) Ang tatlong Griyegong salita sa talatang ito ay magkakatulad: ang marikit ay nangangahulugang mahalaga; ang nakalulugod ay nangangahulugan na nakaaaliw; at nagagalak. Ang mga salitang ito ay naglalarawan sa isipan ni Jesus tungkol sa kanyang nobya habang nakamasid siya dito. Nakatingin siya at sinabing, “Ang ganda mo, nakalulugod at kaaya-aya ka. Mahalaga ka sa akin, O mahal ko.’
Bilang ganti, ipinagmalaki ng nobya, “Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin” (7:10). Ang pakahulugan dito ay: Hinahabol niya ako ng may kagalakan. Hinahabol niya ako dahil mahalaga ako sa kanya.
Ang katulad na mga isiping ito ay nasa aklat ng Awit. “Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob” (Awit 147:11). “Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo” (149:4).