Huwebes, Nobyembre 11, 2010

KALEB

Kaleb, ang pangalan na ang ibig sabihin ay malakas, matatag, ay uri ng isang nakakapit sa Panginoon! Si Kaleb ay hindi maihawalay kay Josuah, kumakatawan doon sa mga patuloy na naglalakad kasama ang Panginoon sa lahat ng mga gumugulo sa buhay.

Sinamahan ni Kaleb ang mga espiya sa Jordan, na kung saan siya dinala sa Hebron—“ang lugar ng kamatayan.” Si Abraham at Sarah ay inilibing doon, katulad ni Isaac at Jacob at ang mga patriarka, at sa pagdaan ng mga taon, ang kaharian ni David ay magsisimula doon. May kasamang pagkamangha si Kaleb ay umakyat sa pinagpalang bundok at ang pananampalataya ay binaha ang kanyang kaluluwa. Pinahalagahan niya ang pinagpalang lugar na iyon at mula sa sandaling iyon, ninais niya na mapasakanya ang Hebron.

Sinabi ni Kaleb na “sumunod ng lubos sa Panginoon”(Bilang 4:24). Hindi siya nag-alinlangan hanggang sa huli at sa edad na 85 makakasaksi siya: “Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok”(Josuah 14:11).

Sa kanyang katandaan siya ay sumabak sa kanyang pinakamalaking digmaan! “Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito… (14:12). “At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya…” (14:13). Kaya't ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel” (14:14).

Ang mensahe ay lubos na maluwalhati: hindi sapat na mamatay sa kasalanan—na pumasok sa kapunuan sa nakalipas. Ang kailangan ay lumago sa Panginoon hanggang sa wakas! Na mapanatili mo ang iyong espirituwal na kapangyarihan at lakas na hindi nag-aalinlangan. “Ang lubos na sumunod sa Panginoon” maging sa katandaan!

Ang Hebron-na mana ni Kaleb—ay nangangahulugan na isang may ugnayan sa samahan! Ugnayan sa ano? Sa kamatayan? Hindi lamang sa kamatayan sa kasalanan sa Jordan, kundi ang namumuhay sa lugar ng kamatayan. Namumuhay doon sa mga may ugnayan sa kamatayan at pagmumuling-buhay ni Jesucristo! “Ibigay mo sa akin ang bundok na ito,“ panalangin ni Kaleb. Sa ibang salita, “Ibigay mo sa akin ang lakaran ng kamatayang ito sa sarili!” Dito si Abraham ay nagtatag ng altar para iaalay ang kanyang anak at dito si Kaleb at ang kanyang tribo ay mamumuhay, may matatag na ugnayan sa altar ng buhay na sakripisyo.

Ang dedikasyon ni Kaleb para sa Panginoon ay nagbunga ng banal na apoy para sa mga anak ng Diyos. Habang ang mga anak ng dalawa at kalahati pa ay tumalikod at yumakap sa sanlibutan at sa pagsamba sa diyus-diyosan, ang pamilya ni Kaleb ay lumagong matatag sa Panginoon!

Ang hangarin ng Diyos para sa ating lahat ay ang pumasok tayo sa lugar ng may kapahingahan, kagalakan at kapayapaan sa Espiritu Santo. Ito ay nangangailangang sumunod tayo “ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo, at ng buong lakas mo”.