Lunes, Nobyembre 29, 2010

ANG PAHAYAG NG PAG-IBIG

Hindi alam ng mga kapatid ni Jose kung gaano sila kamahal hanggang gumamit ang Diyos ng krisis para ipahayag ito sa kanila. “At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig…Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak…Bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin…At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto” (Genesis 41:56; 42:1-30)

Dalawampung taon na ang nakalipas mula sa kanilang krimen na ipinagbili si Jose sa pagiging alipin at ngayon siya ay ang pinakapinuno ng Egipto. Sa loob ng pitong taon nag-imbak siya ng trigo bilang paghahanda sa darating na tag-gutom. Ang mga anak ni Jacob ay dapat papunta sa Egipto para kumuha ng trigo, ngunit ang Diyos ay may mas malaki at mas magandang mga balak. Ipinadala niya sila doon para makakuha ng pahayag ng pag-ibig! Makararanas sila ng kahabagan, kapatawaran, at panunumbalik at matutunan kung ano talaga ang ibig sabihin ng biyaya ng Diyos. Hindi karapatdapat sa anumang bagay kundi sa paghuhusga, matatanggap nila ang dalisay na biyaya.

Nakalagay sa isipan na si Jose ay isang tipo ni Cristo, nakita kong mahirap paniwalaan ang bahaging ito ng istorya na walang luha. Napakandang larawan ito ng biyaya at pag-ibig ng ating Panginoong Jesucristo para doon sa mga nabigo.

Dalawamapung taon ng pagkakasala at panlilinlang ay naghiwalay sa mga kapatid na hindi nakikita si Jose. Maaring inisip nila na patay na siya sa panahong ito. Nang dumating sila sa korte ng Faraon at nauna pa silang dumating kaysa kay Jose, nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala (Genesis 42:8). At nandoon sila, yumuyuko sa kanya katulad ng pangarap niya. Galit ba si Jose at nais maghiganti? Hindi kailanman! Punung-puno ng habag ang kanyang puso nang makita niya ang mga kapatid na lubos niyang minamahal.

Kung ganoon, ay bakit matigas ang pananalita niya sa kanila at inakusahan sila na mga espiya (Genesis 41:7). Naisip ko minsan na gustong maghiganti ni Jose, ngunit hindi iyon ang motibo niya. Sumusunod lamang siya sa utos ng Diyos. Ang mga mapagmalaking mga lalaking ito ay hindi pa nakahanda sa pagpapahayag ng biyaya at kahabagan. Una ay kailangang makita nila ang labis na kapangitan ng kanilang mga kasalanan at harapin ang kanilang pagkakasala at kahihiyan. Kailangang marating nila ang dulo ng kanilang mga sarili, para walang iba kundi kahabagan lamang ang maaring makatulong sa kanila. Ito ang mensahe ng krus ni Cristo—walang kondisyong pag-ibig at kapatawaaran para doon sa mga dumating na dulo ng kanilang mga sarili!

Ipinakita ng Diyos kay Jose ang katotohanang ito, at ipinabilanggo ni Jose ang mga kapatid niya ng tatlong araw—hindi para parusahan sila, kundi para bigyan sila ng pagkakataon na harapin ang katotohanan tungkol sa mga kasalanan nila. Ang batas ang umiiral sa mga sandaling iyon, ipinakikita sa kanila ang kanilang malademonyong kalikasan. At ito ay nagamit! “At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito” (Genesis 42:21).

Imposibleng maunawaan ang biyaya ng Diyos hanggang hindi natin nararating ang katapusan ng ating pagkukunan at maranasan at kanyang habag. Ang biyayang iyan ang makapagliligtas mula sa lahat kahihiyan at kasalanan.