Hindi ko malilimutan ang kirot na pinagtiisan ko nang minsang ang isang anak ko ay lumapit sa akin, “Ama, hindi ko minsan man na nadama na nalugod ka sa akin. Hindi ko nadama na karapatdapat ako sa iyong pagmamahal. Ang pakiramdam ko ay binigo kita sa buong buhay ko. Tiyak na mabigat ang loob mo akin.”
Walang ibang pangungusap na higit na nasaktan ako. Tinanong ko ang sarili ko ano ang maari kong nagawa para ipadama sa anak ko ang ganoon. Pagkaraan, nasaktan ang kalooban ko, niyakap ko ang lumuluhang nakababatang anak ko. Naisip ko, ”Gaano kamali, ang ipinakita kong pag-ibig sa anak ko. Sinasabi ko ito at ipinakikita ito papa-panahon. Ang lahat ng ibang anak ko ay nakadarama ng katiyakan ng pag-iig ko. Paanong ang batang ito ay dala-dala ang maling akalang ito ng napakatagal na at dala-dala ang hindi kinakailangang paghihirap at mabigat na dalahin sa kalooban?”
Sinabi ko sa aking minamahal na anak, “Ikaw ay natatangi para sa akin. Bakit, ikaw ay namumukod sa aking pagtingin. Pag iniisip kita, ang buong pagkatao ko ay nagliliwanag. Totoo, may mga nagawa kang kalokohan paminsan-minsan, pero ganoon din ang iyong mga kapatid. At ikaw ay pinatawad na. Totoong nagsisi ka, at ni minsan ay hindi nabawasan ang pagtingin ko sa iyo. Ikaw ay walang iba kundi isang kagalakan sa akin. Sa buong buhay mo ay pinasaya mo ako. Ikaw ay isang kaluguran sa aking puso.”
At ganon din sa maraming Kristiyano sa kanilang relasyon sa Amang nasa langit. Nakumbinsi ng demonyo ang mga mananampalatayang ito na binigo nila ang Diyos at kailanman ay hindi nila siya malulugod. Kaya’t hindi nila basta matanggap ang pag-ibig ng Diyos. Sa halip, namumuhay sila na para bang ang poot ng Diyos ay palaging nakatuon sa kanila. Isang kahindik-hindik na paraan ng pamumuhay. At gaano kasakit ito sa Diyos kapag nakikita niya ang kaniyang mga anak na namumuhay ng ganito.
Mga minamahalal, mula pa ng isinilang kayo, kayo ay mahalaga na sa inyong Amang nasa langit.