Miyerkules, Nobyembre 24, 2010

ANG HANGIN NG ESPIRITU

Doon sa mga patungo sa Itaas na Silid (tingnan Gawa 1 at 2) ay magiliw na iniibig si Jesus. Sila ay naturuan sa paaralan ni Cristo. Sila ay nakagawa na ng himala, nakapagpagaling ng may sakit, at nakapagpaalis ng demonyo. Sila ay mahabagin, mapagbigay, at mapagmahal sa espiritu, ngunit hindi pa sila karapatdapat na maging patotoo niya!

Sila ay nasa malapit lamang nang ipawis niya ay dugo. Nakita nila siya na nakapako sa krus at nakita nila ang walang laman na puntod pagkatapos na siya ay muling nabuhay. Sila ay kumain kasama siya at nakausap siya sa kanyang maluwalhating katawan. Nakita nila si Jesus na nakadamit sa kanyang walang hanggang kaluwalhatin sa bundok. At nakita rin nila ng siya ay umakyat sa langit! Gayunman, hindi pa rin sila handa na sumaksi para sa kanya!

Bakit hindi makapunta si Pedro doon sa nagkaka-ipon na mga tao sa Jerusalem at kaagad na magpatotoo sa kanyang muling pagkabuhay? Hindi ba’t una niya itong nasaksihan? Kailangan nila ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Gumawa si Pedro ng isang makapangyarihang pahayag sa punong saserdote: “At kami'y mga saksi ng mga bagay na ito; at gayon din ang Espiritu Santo, na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya”(Gawa 5:32). Sa pamamagitan ng salita ng Espiritu Santo na binigkas sa pamamagitan ni Pedro, ang saserdote ”ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin”(Gawa 5:33).

Si Esteban, puspos ng Espiritu Santo, ay nangaral sa mga saserdote: “Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo… Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin”(Gawa 7:51,54).

Nang ikaw ay lumutang mula sa paghahanap sa Diyos, puspos ng Espiritu Santo, maari kang tumayo ng may lakas ng loob sa harapan ng iyong mga kamanggagawa, pamilya—kahit sino—at ang iyong patotoo ay mag-uudyok ng isa sa dalawang reaksiyon. Maaring sila ay dumaing, “Ano ang kailangan kong gawin para maligtas?” O kaya ay maari ka nilang patayin. Magsasabi ka ng salita na tatagos sa puso.

Kung naghahanap ng mahimala sa gusali ng iglesya, mabibigo ka lamang. Nadalaw mo na ba ang Itaas na Silid ilang oras pagkatapos humangin papasok, ang apoy ay bumagsak, ang gusali ay nayanig, naghahanap na maranasan ang isang bagay na mahimala, maari ka lamang mabigo.

Nakita mo, ang hangin ng Espiritu ay hinipan ang lahat ng tao palabas ng kalsada, patungo sa pamilihan! Maari mong naitanong, “Nasaan ang pagmumuling-buhay, ang sobrenatural na hangin? Maari ko bang makita yaong mga dila ng apoy?” at maari kang ituro sa labas sa 120 na saksi sa mga kalsada, ipinangangaral si Jesus sa kapangyarihan ng Espiritu Santo! Doon nandoon ang pagmumuling-buhay—at patuloy pa! iyon ang pagbubuhos! Ang hangin, ang apoy, ang Espiritu—nasa mga saksi na ang mga ito ng Diyos!