Sinabi ni Pablo, “Sapagka't sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi”(Gawa 17:28). Ang mga lalake at babae ng Diyos ay nabubuhay sa maliit na ginagalawang ito; ang kanilang buhay, ang bawat kilos nila, ang kanilang mismong buhay ay nakabalot sa kawilihan ni Cristo.
Ang wala nang ibang dapat na malaman pa maliban kay Cristo, kailangang may patuloy na pagdaloy ng pahayag mula sa Espiritu Santo. Kung alam ng Espiritu Santo ang isipan ng Diyos, kung hinahanap niya ang malalim at nakatagong lihim ng Ama, at kung siya ay magiging balon ng tubig na nagbibigay buhay na bubukal, kung ganon ang balon ng dumadaloy na tubig ay kailangang patuloy, hindi magwawakas na pahayag tungkol kay Cristo. Hinintay nito ang bawat lingkod ng Panginoon na handang maghintay sa Panginoon—ng tahimik, sa pananampalatayang may pananalig, nananalig sa Espiritu Santo para mailahad ang isipan ng Diyos.
Ngayon kailangan natin ang kanyang may katiyakang salita—isang tunay at buhay na pahayag. Si Samuel ay mayroong ganitong uri ng salita mula sa Diyos, at ito ay alam ng Israel. Kapag nagsasalita si Samuel, sa lahat ng tinig sa lupaing iyon, ang kanya ay tumatagos at wala isa mang salita nawalan ng halaga.
Ngayon marami ay sumusubok na ihiwalay mula sa lahat ng tinig para marinig ang malinaw na Salita ng Diyos. Ang mga Banal ng Diyos ay nagiging pagal na mula sa mga rumaragasang mga tinig, habang naghahanap lamang ng ilang butil ng katotohanan. Si Cristo lamang ang tanging liwanag! Ang buong sanlibutan ay nababalot sa kadiliman, at liwanag lamang ang makapag-aalis niyan. Maaring ikaw ay nasa lugar na madilim ngayon.
Sinabi ni Pedro, “At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso”(2 Pedro 1:19).
Sinabi ni Pablo, “Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo” (2 Corinto 4:6).
Sinabi ni Juan, “At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap”(Pahayag 16:10).
Ang iyong mabuting gawa ay hindi makapag-aalis ng kadiliman at ang ating pangangaral sa usaping panlipunan ay hindi rin makakabawas dito. Ang lahat ng iyong pansariling karanasan ay hindi rin kakayanin ito. Lalagpas pa ako dito—maging ang iyong pagbigkis ng kapangyarihan ng kadiliman ay hindi rin makakatulong kung wala ang liwanag na nanggagaling kay Cristo. Ang lahat ng kadiliman ay naglalaho sa liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos na sumasalamin sa mukha ni Jesucristo! Pag-aralan natin si Cristo na nag-iisa sa lihim na silid. Naglilingkod tayo sa iisang Diyos at tinuturuan ng iisa ring Espiritu Santo katulad din ng iba na nakilala si Cristo ng ganap.