“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito ay kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng iyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman” (Efeso 2:8-9).
Kahit na mabuhay ka ng 500 taon, hindi ka mabubuhay ng matagal para malugod mo ang Diyos sa pamamagitan ng sarili mong gawa lamang. Hindi mahalaga kung gaano man kahirap ang ginawa mo para linisin ang sarili mo. Ang sarili mong laman ay hindi katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos, hindi ito maaring baguhin. Ang lahat ng pagsisikap ng laman ay tinapos na sa Krus ng Kalbaryo. Ngayon isang bagong tao ang dumating: si Cristo ang tao. Ang tunay na pananampalataya ay ang magkaroon ng paniniwala sa mga ginawa niya para sa iyo.
Maari mong sabihin, “O, maari akong maniwala na ang Diyos ay nalulugod sa mga tapat na mga pastor. Sila ay umuubos ng maraming panahon sa pananalangin at pag-aaral ng kaniyang Salita. Naniniwala ako na mahalaga sa kanya ang mga matatanda. Napagtiisan nila ang mga paghihirap, mga pagsubok, at napagtagumpayan nila ang mga ito. Ngunit mahirap para sa akin na maniwala na ang isang naguguluhan, bagsak na mananampalataya na katulad ko ay maaring may halaga pa sa Diyos. Marapat lamang na siya ay sumama ang loob sa akin sapagkat ang buhay ko ay babangon-at-babagsak ng paulit-ulit. Mayroon akong suliranin na hindi ko malampasan. Naniniwala ako na iniibig pa rin niya ako, ngunit natitiyak ko na siya ay hindi nalulugod sa akin.”
Mangyari sanang unawain ang kagila-gilalas at kahanga-hangang hula ni Isaias tungkol sa biyaya ng Diyos ng sinabi ng Diyos, “Sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin” (Isaias 43:10. Ito ay ipinahayag sa mga taong ninakawan, inagawan, binitag at ibinilanggo—dahil sa kanilang mga kahangalan at kawalan ng paniniwala.
At iyon ang punto na sinabi ng Diyos sa kanila, “Ngayon—pagkatapos ng lahat ng iyong mga kabiguan—lumalapit ako sa iyo kasama ang mensaheng ito ng pag-asa. At ang lahat ng ito ay dahil ikaw ay akin!”