Noong may tatlong kabataan ang inihagis sa nag-aapoy na pugon, mayroong ikaapat na nandoon din kasama nila: si Jesus! Hindi sila nasunog. Sa katunayan, ang kanilang mga damit at buhok ay hindi man lamang nangamoy usok. Iyan ang uri ng kalayaan na nais ng Diyos na ipagkaloob sa iyo sa panahon ng iyong espirituwal na pagsubok.
Ano ang hangarin ng Diyos para naisin na palayain ka? Dahil ba sa ikaw ay may ginawang bagay para mapayapa siya? Dinagdagan mo ba ang oras ng iyong pananalangin? Dinagdagan mo ba ang oras ng iyong pagbabasa ng Banal na Kasulatan? Ang lahat ng ito ay mabuti. Ngunit si Isaias ay may tatlong pahayag nang sinabi niya, “Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka... Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo” (Isaias 43:4-5).
Sinasabi ng Diyos sa Israel sa aklat ni Isaias 43, “Ikaw ay may pagdadaanang apoy at baha sa buhay mo. Ngunit huwag kang matakot; Kasama mo ako sa iyong paglalakad sa mga pagsubok na ito. At palalayain kita sa katapusan nito sapagkat ikaw ay akin. Tinawag kita sa pangalan mo. At ikaw ay kaluguran sa aking puso.”