Miyerkules, Nobyembre 3, 2010

ANG PATULOY NA LUMALAGONG PAHAYAG TUNGKOL KAY JESUCRISTO

Mula pa sa krus, ang lahat ng mga higanteng espirituwal ay mayroong bagay na pinagkakaisahan. Silang lahat ay may malapit na pakikipag-isa sa Panginoon; naligaw sila sa maluwalhating lawak ni Cristo; at namatay silang malungkot dahil hindi sapat ang pagkakakilala nila sa kanya. At ganoon din kay Pablo, kasama ang lahat ng mga disipulo, at kasama ang mga naunang mga ama ng iglesya; kasama si Luther, Zwingli, at mga Puritano; kasama ang mga debotong mangangaral; at kasama ang maraming makadiyos na pinuno sa ngayon.

Ang bawat isa sa mga higanteng ito ay nagkakaisa sa magkatulad na panuntuang pananabik: ang patuloy na lumalagong pahayag tungkol kay Jesucristo. Hindi mahalaga sa kanila ang mga kahanga-hangang maka sanlibutan, mga bagay ng mundong ito, tagumpay, ambisyon o pagiging sikat. Nanalangin sila—hindi para sa mga bagay, hindi sa mga pisikal na pagpapala, hindi para magamit, hindi para sa pansarili lamang, kundi para malawak na pahayag ng kaluwalhatian at sa pagiging malawak ng kanilang Panginoon.

Si Satanas ay nagpapakita ng kapangyarihan, ang impiyerno ay nagpakawala ng lahat ng poot para sa salinlahing ito. Ang malabakal na pagkakahawak ng kalaban ay higit pang pinatatag, makapangyarihan, at hindi mayayanig katulad ng mga nagdaang salinlahi. Walang kaduda-duda, ipinahahayag ni Satanas ang kanyang sarili sa sanlibutan na hindi tulad ng nakaraan at higit siyang kilala, hindi kinatatakutan, at higit na katanggap-tanggap.

Ang isang karaniwang karunungan na galing sa paaralan ng Bibliya tungkol kay Cristo ay hindi magiging sapat dito sa huling digmaang ito! Ang malaman tungkol sa kanya ay hindi sapat. Kailangan nating magsaliksik ng higit pang pahayag ng Espiritu Santo. At iyan ay nangangailangan ng maraming panahon sa kanyang mesa. Makikilala lamang natin siya sa pamamagitan ng higit pang panahon sa kanyang presensiya, sa pamamagitan lamang ng pag-upo kasama siya, ang marinig ang kanyang tinig, maghintay mula sa kanya ng banal na karunungan. Ang mga abala, mga lalaking maraming ginagawa ay halos hindi na siya kilala.

Inilaan na ni Pablo ang sarili niya sa patuloy na lumalagong pahayag ni Jesucristo. Ang lahat na alam niya tungkol kay Cristo ay galing sa pamamagitan ng pahayag. Sinabi niya, “Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita”(Efeso 3:3). Alam ng Espiritu Santo ang malalim at nakatagong lihim ng Diyos, at si Pablo ay patuloy na nanalangin para sa handog na biyaya na maunawaan “upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo” (V.8). Sinabi ni Pablo na tayo ay may karapatan dito sa mga maluwalhating kayamanan kay Cristo. Sa pagpapahayag ng walang-hanggang layunin ng Diyos, sinabi niya, “Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya”(v. 12).

Ang Diyos ay naghahanap ng mga mananampalataya na magsasaliksik ng pahayag tungkol sa kanya sa sarili nilang pagkukusa—isang ganap na malalim na kapalagayang-loob na magbubukas ng “di malirip na kayamanan ni Cristo.”