“Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita… Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro”(Gawa 44 at 46). Ito ay nagpapahayag tungkol sa tahanan ni Cornelio
Isipin ang tungkol dito, isang pansariling pagbuhos ng Espiritu Santo sa buong kabahayan na ang lahat doon ay itinaas sa kalangitan. Isa itong himala! Ang mga pagpupuri ay nakapangingilabot habang ang lahat ng mga kamag-anak at mga anak ay naliligtas at napupuspos ng Espiritu Santo. Dahil lamang may isang lalaki na itinalaga ang kanyang puso para hanapin ang Diyos hanggang sa dumating ang kasagutan.
At narito tayo at nakaupo, sa araw na bumuhos ang Espiritu Santo, kasama ang maraming tahanan na may maliit o walang katibayan ng kanyang pagkilos at presensiya. Marami sa ating mga Kristiyanong tahanan ngayon ay nasa pangangalaga ng espiritu ng sanlibutan at hindi ng Espiritu ng Diyos. Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon ay naandon din ang pagkakaisa. Kung saan siya nanahan, ay mayroong kapahingahan at kapayapaan, hindi maipaliwanag na kagalakan, at tagumpay laban sa espiritu ng sanlibutang ito.
Kailangang bawiin natin ang espirituwal na pamumuno sa ating mga tahanan. Kapag ang mag-asawa ay hindi lubos na nagkakaisa, dumamadaloy na magkasama sa Espiritu at pag-ibig ni Jesus, mayroong panganib na darating. Ang isa o ang dalawa ay hindi naglalakad sa Espiritu. Kapag magkasamang hinahanap ang Diyos sa pribadong pananalangin at debosyon sa Diyos, ang Espiritu ay kumikilos ng kataka-taka.
Ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay na bago sa sanlibutan ngayon. Bagay na lubhang makapangyarihan, ganap na higit sa kaya ng tao, tinatakot nito ang impiyerno. Ang Espiritu Santo ay dumating para ihiwalay ang tao patungo sa Panginoon. Ang maging tagumpay ay hindi ganoon kahalaga kaysa makarinig mula sa Diyos. Para sa mga bagong banal na nabautismuhan, ang maging masagana ay nangangahulugan na nakikita si Jesus sa isang bago at daan ng pamumuhay. Mga bahay, lupain, kasangkapan sa bahay, mga sasakyan, mga damit—ang lahat ng bagay na ito ay nawala na ang kinang sa mga tao na ngayon ay madamdaming umiibig sa Panginoon ng kaluwalhatian. Ang Espiritu Santo ay dumating para ipahayag si Cristo bilang tagapagligtas ng mga tahanan—ating mga tahanan.
Nakita ko sa mundo ng espirituwal at nakita ko ang mga demoyo na tumatakas. Nakita ko ang kapangyarihan ng kadiliman na nanginginig sapagkat ang tunay na iglesya ng Diyos, ang minsang naidlip na higante, ay ibinunsod ng Espiritu Santo para yanigin ang sarili at bumangon at angkinin ang lugar ng kapangyarihan at pamumuno.
Ang buong mga pamilya, ang buong iglesya, ang buong mga ministeryo ay nagbabaliktaran. Sinasabi ng Diyos, “Maging maselan sa mga espirituwal na mga bagay at ipagkakaloob ko ang lahat ng inyong mga pangangailangan!” Ang Ama ay kumikilos ng may kadakilaan sa buong sanlibutan at maari tayong maging bahagi ng kanyang makapangyarihang pagpapala.