Martes, Nobyembre 23, 2010

ANG PUNDASYON NG TUNAY NA PANANAMPALATAYA

Ang tanging sandali na mauubos ang pasensya ng Diyos sa atin ay kapag patuloy nating tinatanggihan ang kaniyang pagmamahal sa atin.

Maraming Kristiyano ngayon ay tumalikod pabalik sa ilang ng sarili nilang gawa. Wala silang kagalakan, walang tagumpay. Kung titingnan sila, iisipin mo na sila ay pinabayaan ng Diyos maraming taon na ang nakalipas. Hindi—sadya lamang niyang hinayaan sila sa kanilang pagrereklamo at pagbulung-bulong.

Salamat sa Diyos, si Joshua at Caleb ay pumasok sa Lupang Pangako. At sila ay nanatiling nakatayong parang malusog na puno sa tahanan ng Diyos hanggang sa huling sandali ng kanilang mga buhay. Sila ay mga taong makapangyarihan at may pangitain sapagkat alam nila na sila ay mahalaga para sa Diyos.

Ikaw man ay mahalaga sa Panginoon, kahit na marami kang suliranin at mga kabiguan. Maari ka ring maging isang malusog na puno sa tahanan ng Diyos katulad ni Joshua at Caleb.

Manatili lamang na naninidigan sa mga pangako ng mga Salita ng Diyos: “Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin” (Awit 18:19).

Ito ang pundasyon ng tunay na pananampalataya!