“At nagmadali si Jose; sapagka't nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid: at humanap ng dakong maiiyakan; at pumasok sa kaniyang silid, at umiyak doon” (Genesis 43:30).
Ito ang larawan ng puso ng ating Tagapagligtas—maging para sa mga makasalanan. Ang mga kapatid ni Jose ay nasa tahanan niya, kumakain at umiinom sa kanyang harapan. Ngunit “At kanilang hinainan siyang bukod, at silang bukod” (Genesis 43:32). Huwag nating pangahasang lampasan ang kahalagahan ng pahayag na ito. Ang mga lalaking ito ay nagbubunyi sa presensiya ni Jose na hindi na lubos na nanunumbalik, na hindi pa nila siya kilala, wala pang pahayag ng pag-ibig at grasya.
Maari tayong maging mga pumupuring mga tao na kumakain at umiinom sa presensiya ng Panginoon ngunit hindi pa natatanggap ang pahayag ng kanyang walang-hanggang pag-ibig. Ang damdamin ng walang nagmamahal ay nananatili sa kanilang mga puso. Ito ang kalagayan ng mga Kristiyano na pumupunta sa tahanan ng Diyos para umawit, sumamba at magpuri at pagkatapos ay uuwi sa dating kasinungalingan: “Hindi ako pinakikitaan ng katunayan na iniibig niya ako. Ang mga panalangin ko ay hindi tinutugon. Wala siyang pakiaalam sa akin katulad ng pangangalaga niya sa ibang mga Kristiyano.”
Mayroon pang huling hakbang para sa mga kapatid ni Jose kailangan nilang gawin bago sila bigyan ng buong pahayag ng pag-ibig. Ang pahayag na ganoon ay ibinibigay doon sa mga may pusong bigo at nagsisisi. “Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Awit 51:17). Ang mga magkakapitd ay hindi pa nabibigo (Genesis 43:34).
Ang mga lalaking ito ay inamin ang kanilang mga kasalanan, ngunit kailangan sila lubusang magupo, ganap na nasa dulo na ng kanilang kapighatian at kawalan ng pagkukunan ng mga pangangailangan, bago ipahayag ni Jose ang pag-ibig niya sa kanila. Kayat inilagay niya sila sa kanilang huling pagsubok. Inutusan niya ang kanyang utusan na ilagay nito ang kanyang personal na basong pilak sa sako ni Benjamin, ang pinakabatang kapatid, bago sila bumalik sa Canaan. Hindi pa halos nakalalabas ng siyudad ang magkakapatid nang nilampasan sila ng mga tauhan ni Jose at inakusahan sila ng pagnanakaw ng baso. Natitiyak nila na wala silang kasalanan at sinabi nilang, “Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon” (Genesis 44:9).
Pakinggan ang pagbabago ng kanilang mga saloobin: “Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon” (Genesis 44:16). Hindi na sila nakipagtalo pa. Wala nang ipagmamalaki. Sila ay napahiya, nagupo—at sa wakas dumaing sila sa kaibuturan ng kanilang mga puso, “Sumusuko na kami!”
At doon dumating ang pahayag ng dakilang pag-ibig ng Diyos. “Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid” (Genesis 45:1).
Walang alam ang sanlibutan ng pahayag na ito ng pag-ibig. Ngayon mayroon na silang damdamin tungkol sa kahalagahan ng pamilya—ng walang kondisyong pag-ibig at pagtanggap. Sinabi ng Kasulatan sa atin “At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon” (Genesis 45:2). Maaring marinig ng buong mundo ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos ngunit ang mga pamilya lamang ang maaring makaranas nito. Ang pamilya lamang ng Diyos ang pinadadamahan ng dakilang pag-ibig at kahabagan.
Mga minamahal, ang Diyos ay nanahan doon sa mga nagpakumbaba at may pusong bigo. Nagagalak siya sa kanyang pamilya—inibig niya tayo sa mga nagdaang mga taong ito, kahit na tayo ay naging mga makasalanan. Magpahinga sa pag-ibig niya sa iyo.