Naniniwala ako na ang mahabaging pag-ibig ng Diyos ay ipinapahayag bilang tugon sa isang daing na galing sa puso—hindi basta pag-iyak lamang, ngunit isang mapagkumbabang daing para sa kaligtasan. Ang Bibliya ay maraming sinasabi tungkol dito sa pagdaing na galing sa puso. “Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig” (Awit 18:6).
“Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan. Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing” (Awit 106:43-44).
Makatitiyak ka na ang daing para sa Diyos ay laging tinutugon sa pamamagitan ng mapagpagaling na salita galing sa langit! Walang sinuman ang mas makasalanan walang pag-asa kung siya ay lalapit sa Diyos ng may buong pagpapakumbaba. Ang kasaysayan ng makasalanang Haring Manases ay pinatunayan ito! Sinabi ng Bibliya na siya ba’y isa sa pinamakasalanang hari ng Israel. “At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon…Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal…At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan… At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit” (2 Hari 21:2-6).
At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem, na anopa't sila'y nagsigawa ng higit na sama … At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases, at sa kaniyang bayan: nguni't niwalang bahala nila” (2 Cronico 33:9-10)
Mayroon bang pag-asa ang sinumang lumayo sa Diyos, ganap na kinubabawan ng demonyo at kadiliman? Oo, kung magpapakumbaba siya at magkukumpisal at maniniwala sa tagumpay ni Cristo sa krus. Si Manases ay nauwing bilanggo sa ibang bansa, nakagapos sa tanikala. Ito ay isang matingkad na larawan ng pagbabayad ng kasalanan. Ngunit sa kanyang kasawian, dumaing siya at siya ay narinig ng Diyos, pinatawad siya at muli siyang pinanumbalik.
“ At nang siya'y nasa pagkapighati siya'y dumalangin sa Panginoon niyang Dios, at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang. At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios” (2 Cronico 33:12-13).
“At kaniyang inalis ang mga dios ng iba, at ang diosdiosan sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon, at sa Jerusalem, at inihagis ang mga yaon mula sa bayan” (v. 15).
Ang salita ng pag-asa, kapatawaran, kahabagan, pag-ibig at panunumbalik ay para sa iyo. Makinig sa kanyang Salita, mag-sisi, at manumbalik at maglakad kasama ang Panginoon! Walang kasalanan na hindi maaring patawarin—walang sinuman ang labis na nalayo para pagalingin at panumbalikin.