Sa gitna ng kanilang mga pagsubok sinabi ng Diyos sa Israel na gawin ang tatlong bagay: “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh.” Ang panawagan niya sa Israel ay, “Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, wala kayong gagawing anuman. Manahimik kayo at ipabahala ang lahat sa akin. Sa mga sandaling ito ako ay kumikilos sa sobrenatural na pamamaraan. Ang lahat ay nasa mga pangangalaga ko. Kaya huwag kayong masindak. Magtiwala na nilalabanan ko ang diyablo. Ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo” (tingnan Exodo 14:13-14).
Di nagtagal ay nagtakip-silim na sa kampo. Ito ang simula ng madilim at binabagyong gabi ng Israel. Ngunit ito rin ang simula ng sobrenatural na gawain ng Diyos. Nagsugo siya ng isang nakasisindak, na tagapagtanggol na anghel na tumayo sa pagitan ng kanyang mga tao at ng kanilang kaaway. Naniniwala ako na patuloy na nagpapadala ang Diyos ng anghel na tagapagtanggol sa mga kampo sa paligid ng lahat ng umiibig at may takot sa kanya (tingnan Awit 34:7).
Pinagalaw din ng Diyos ang sobrenatural na ulap na ibinigay niya sa Israel para sa kanilang patnubay. Ang ulap ay biglaang lumipat mula sa unahan ng kampo ng Israel patungo sa likuran at ito ay nagdilim na parang pader sa harapan ng mga taga Egipto. Sa kabilang dako, ang ulap ay nagbigay ng sobrenatural na liwanag, na nagdulot ng maliwanag na tanawin sa buong magdamag (tingnan Exodo 14:20).
Kahit na laganap ang kadiliman sa mga hukbo ng Paraoh, nakapagtataas pa rin sila ng kanilang mga tinig. At sa buong magdamag ay bumubuga sila ng mga pananakot at mga kasinungalingan. Nayanig ang mga tolda ng mga taga Israel mula sa mga walang tigil na mga kasinungalingan sa buong magdamag. Ngunit balewala gaano man kaingay ang pananakot sa kanila. May isang anghel na nagbabantay sa kanila para pangalagaan sila, at ipinangako ng Diyos sa kanila na dadalhin niya sila sa kaligtasan.
Minamahal na mga banal, kung ikaw ay isang tinubos sa dugo na anak ng Diyos, naglagay siya ng mandirigmang anghel sa pagitan ninyo at ng diyablo. At iniutos niya sa inyo, katulad ng sinabi niya sa Israel, “Huwag matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Maniwala sa kaligtasan.” Maaring dumating sa iyo si Satanas dala ang bawat diyablong pananakot. Ngunit walang anumang sandali sa panahon ng iyong madilim, na binabagyong gabi ay maari kang puksain ng kalaban.
“Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na ipinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig” (Exodo 14:21).
Ang malakas na hangin na ipinadala ng Diyos ay tunay na makapangyarihan, sinimulan nito na hatiin ang mga higanteng alon ng dagat: “Magdamag na ipinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula silangan at nahati ang tubig” (14:21).
Ang Hebreong salita dito para sa hangin ay “marahas na paghinga.” Sa ibang salita, huminga ang Diyos at ang tubig ay nabuong mga pader. Ang mga taga-Issrael na naninirahan sa mga tolda ay mabagsik na niyanig habang ang mga malalakas na hangin ay umiihip sa buong kampo. Bakit pinayagan ng Diyos na dumanas ang mga taga Israel ng mabagyong gabi sa magdamag, na kung saan ay maari siyang magsalita lamang at mapakalma ang mga elemento?
Gaano kalakas ang bagyong ito. At gaano nakasisindak ang sandaling ito para sa mga taga Israel. Tanong ko sa inyo, ano ang binalak ng Diyos dito? Bakit niya hinayaan ang ganoong kakila-kilabot na mahanging bagyo na rumagasa sa buong magdamag? Bakit hindi na lang niya sinabihan si Moises na sagiin ang tubig ng kanyang tungkod, at hatiin ang mga alon ng sobrenatural? Ano ang maaring dahilan ng Diyos para hayaan ang nakasisindak na magdamag na ito na mangyari?
Mayroon isa lamang na dahilan: Lumilikha ang Diyos ng mga mananamba. Ang Diyos ay abala sa gawaing iyon sa buong panahong iyon, na ginamit ang kakila-kilabot na bagyo para gumawa ng daan para sa kanyang mga tao na makaligtas sa kapahamakang iyon. Ngunit iyon ay hindi nakita ng mga Israelitas sa mga sandaling iyon. Marami ay nagtatago sa mga tolda nila, ngunit yaong mga lumabas ay nakasaksi sa maluwalhating liwanag na ipinamalas. Pinagmasdan din nila ang maluwalhating mga alon na palaki ng palaki, malalaking pader ng tubig na tumataas para gumawa ng tuyong daanan sa karagatan. Nang makita ito ng mga tao, maaring nagsigawan sila, “Tingnan ninyo, ginamit ng Diyos ang hangin para gumawa ng daanan para sa atin. Purihin ang Panginoon!”