Martes, Enero 18, 2011

SI DAVID AY INIAHON MULA SA KAILALIMAN SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKA-ALALA SA PAGIGING MAPAGPATAWAD NG DIYOS

Pagkatapos ng kanyang pagtangis sa Panginoon, si David ay nauwi sa pagpapatotoo, “Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot” (Mga Awit 130:4). Binaha ng Banal na Espiritu ang kanyang kaluluwa ng mga ala-ala ng kapatawaran ng Diyos, at bigla na lang naalala ni David ang lahat ng kanyang natutunan sa kalikasan ng Diyos na pagiging mapagpatawad at mahabagin. “Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin, hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig, kaya't sila'y hindi mo itinakwil.

Hindi nagtagal si David ay nagsaya, pinaalalahanan ang sarili, “Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili” (Mga Awit 86:5). “Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat” (103:3). Narito ang isa sa mga itinatag na pangako ng Bagong Tipan. Pahayag ni Jeremias, “Hindi na nila kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, 'Kilalanin mo si Yahweh'; sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan" (Jeremias 31:34). At idinagdag pa ni Pablo sa Bagong Tipan, “…Pinatawad niya ang ating mga kasalanan” (Colosas 2:13). Ipinangako ng Diyos ang kanyang kapatawaran, sa bawat sa kasalanan!