Martes, Enero 25, 2011

KAPAYAPAAN KASAMA ANG DIYOS

Namatay si Jesus sa krus para bilhin ang kapayapaan kasama ang Diyos para sa akin—at siya’y nasa langit ngayon para ingatan ang kapayapaang iyan, para sa akin at kalooban ko. Ang kapayapaan na mayroon tayo kasama ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo ay nagpapakilala ng kaibahan ng ating pananampalataya mula sa ibang mga relihiyon.

Sa bawat ibang reihiyon maliban sa Kristiyanismo, ang katanungan tungkol sa kasalanan ay hindi pa nagtatapos. Ang kapangyarihan ng kasalanan ay hindi pa nababali. Kung ganoon, hindi magkakaroon ng kapayapaan: “Ang sabi ni Yahweh; ‘Ang mga makasalana’y walang kaligtasan’” (Isaias 48:22). Ngunit mayroon tayong Diyos na nagkakaloob ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kasalanan. Ito ang tanging dahilan kung bakit dumating si Cristo sa sanlibutan: para magdala ng kapayapaan sa nagkakagulong, natatakot na sankatauhan.

Paano iniingatan ni Jesus ang kapayapaan ng Diyos para sa akin? Ginawa niya ito sa pamamagitan ng tatlong bagay:

• Una, inalis ng dugo ni Cristo ang kahihiyan ng aking kasalanan. Dito sa kamalayang ito, sinabi ni Pablo, “Siya ang ating kapayapaan” (Efeso 2:14). Iginawad ni Jesus ang kapayapaan para sa akin sa pamamagitan ng kanyang dugo.
• Pangalawa, pinanatili ni Cristo ang aking kapayapaan at kagalakan sa pananalig: “Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang magkaloob nawa sa inyo ng kagalakan at kapayapaan sa pananalig upang sumagana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Roma 15:13).
• Pangatlo, ginawa ni Jesus na magalak sa pag-asa ng pagpasok sa kaluwalhatian: “Tayo…at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian” (Roma 5:2).

Sa madaling sabi, ang kapayapaan ay kawalan ng takot. At ang buhay na walang takot ay buhay na puno ng kapayapaan.

Nang umakyat si Jesus sa langit, hindi siya basta nagpa-init sa kaluwalhatian ng Diyos na ipinagkaloob sa kanya. Hindi, nagpunta siya sa Ama para mapanatili ang ipinagtagumpayang-kapayapaan na nakamit niya sa Kalbaryo.

Ang ating Taga-pagligtas ay buhay sa kaluwalhatian nagyon. At siya ay tunay na Diyos at tunay na tao, na may kamay, mga paa, mga mata, buhok. Mayroon din siyang pilat sa kanyang mga kamay at mga paa, at sugat sa tagiliran niya. Hindi niya kailanman iwinaksi ang kanyang pagkatao; siya ay isa pa ring lalaki na nasa kaluwalhatian. At ngayon, ang lalaking nasa walang-hanggan ay kumikilos para masigurado na hindi mananakaw ang kapayapaan na ibinigay niya nang siya ay umalis. Siya ay nagmiministeryo bilang nakatataas na saserdote, aktibong kasama sa pagpapanatili ng kanyang katawan sa sanlibutan na puno ng kanyang kapayapaan. At sa kanyang muling pagbabalik nais niya tayong, “Sikaping mamuhay na payapa” (2 Pedro 3:14).

Kapag ako’y nagkasala, ang aking kapayapaan ay napipigilan sa dalawang lugar. Una ang aking budhi ay nagugulo at binibintangan ako, at tunay nga. Ngunit, pangalawa, ang bintang ni Satanas ay naglalagay ng takot sa akin. Naniniwala ako na ito ang dalawang pangunahing lugar na kung saan ang pamamaguitan ni Cristo ay nagagamit para sa atin.

Una, ang aking nakatataas na saserdote ay hindi papayagan ang aking budhi na hawakan akong bihag. O papayagan niya ang bintang ni Satanas laban sa akin ay magpapatuloy na walang laban. Si Cristo ang aking tagapagtanggol kasama ang Ama laban sa bawat bintang galing sa impiyerno. Ano ang tagapagtanggol? Ito ay payak na “kaibigan ko sa korte.” Para sa mga Kristiyano, ang kaibigang ito sa korte ay siya ring anak ng hukom. Dagdag pa, ang ating tagapagtanggol ay ating kapatid. Katunayan, tayo ay nakatalagang magmamana ng kayamanan ng hukom kasama niya.