Sa kawalan ng pag-asa, tumaghoy si David, “ Panginoon, ako'y dinggin kapag ako'y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko't paghingi ng iyong tulong” (Mga Awit 130:2). Ito ay may tunog sa akin na pagsusumamo ng isang taong mamamatay na. si David ay hindi basta sumasambit ng “panalangin sa isipan.” Siya ay nakadapa sa lupa—bagsak, nagsisisi, nagsusumamo sa Diyos mula sa kaibuturan ng kanyang puso, “O banal na Diyos Jehovah, dinggin mo ang aking taghoy! Hindi ko na kayang magpatuloy pa. ang kasalanan ko ay nakaharang sa harapan ko, ako’y lumulubog sa takot at sindak. Maawa ka, o Diyos ko, mahabag ka sa akin.”
Alam ni David na kailangan ng kanyang kaluluwa ang paglaya. At dumulog siya sa Diyos lamang para matagpuan ang kalayaang iyon. At tinapos niya sa, “Ako’y nasa kakila-kilabot na kalagayan, tanging ang Diyos lamang ang makakatulong sa akin ngayon. Hindi ko maasahan ang mga taga-payo, mga kaibigan, maging ang pamilya ko. Ang tanging pag-asa ko ay manalangin. Kaya’t ako ay tataghoy gabi at araw hanggang sa madinig ng Diyos ang aking pagsusumamo!”
Ikaw ba’y naging katulad ni David na nawalan na ng pag-asa? Naisara mo naba ang sarili mo sa Panginoon, dumapa at tumaghoy sa kanya? Dungo, tahimik, at tamad na pananalangin ay walang maaabot. Kung hindi mo isusuko ang iyong kaluluwa sa Diyos, ay hindi mo talaga ninanais na mapagaling ka—ang gusto mo ay makalabas! Nagpatotoo si David, “Ako'y nanghihina at nanlulupaypay, puso'y dumaraing sa sakit na taglay. O Yahweh, hangad ko'y iyong nababatid; ang mga daing ko'y iyong dinirinig” (Mga Awit 38:8-9). Kailangang tumaghoy ka ng malakas, katulad ng ginawa ni David. “Panginoon pakingan mo ang aking pakiusap! Hindi kita titigilan hanggang sa sagutin mo ako!”