Lunes, Enero 31, 2011

PUTULIN NINYO ANG MGA ITO

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo, “Kung ang kamay o paa mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang kamay o paa kaysa may dalawang kamay o dalawang paa kang itapon naman sa impiyerno” (Mateo 18:8).

Sinimulan ni Jesus ang pangungusap na ito sa pamamagitan ng salitang Sa anong dahilan, ang kahulugan, “nang dahil dito.” Itinatali niya ang kanyang salaysay sa buong susi ng kahulugan ng aralin na siya niyang itinuturo tungkol sa paghahalo ng gawain at ng krus. Kaya, kapag sinabi niya rito, “Kung ang iyong kamay o paa o mata ay nagkasala,” nangungusap siya tungkol sa mga kasalanan na dala ng krus sa laman.

Nang sinabi ni Jesus, “Itapon ito—putulin ito,” nangungusap siya una sa mga tagapakinig na Hudyo tungkol sa kanilang tiwala sa kanilang mga mabubuting gawa. Ang kamay, paa at mata ay kumakatawan lahat sa laman—gamit ng kalayaan, na kung saan ang tao ay kumikilos ayon sa kanyang sariling pamamaraan, umaasa sa sariling kakayahan at pagsusumikap ng tao para alisin ang mga pagkakagapos sa mga kasalanan. Sinasabi ni Cristo sa ganitong tao, “Ang mga mata mo ay nakatingin sa mga maling bagay. Nakatingin ka sa iyong sariling kakayahan at lakas. Kung ganoon, dukutin mo ang iyong mga mata. Kailangan mong alisin sa iyong katawan, isip at puso ang lahat ng makasalanang pag-iisip. Iwaksi ang mga ito, putulin ang mga ito. Putulin ang lahat ng pag-asa ng pag-aalay sa Diyos ng kahit ano na sariling pagsisikap o kabutihan. Ang kasabikan sa laman at kasalanan ay kailangang putulin—ngunit hindi sa pamamagitan ng iyong kamay. Ito ay gawain ng Espiritu.

“At tumakbo ka lamang sa aking mga bisig. Magpakumbaba ka na katulad ng bata sa pamamagitan ng pagyakap sa aking tagumpay sa krus. Pumasok sa buhay ng ganap na pagdedebosyon at pagtitiwala sa akin. Dahil sa aking ginawa sa Kalbaryo, hindi mo na hawak ang sarili mo. Binili na kita. Ang Espiritu ko ay tutuparin ang aking kahilingan para sa kabanalan mo.”