Martes, Pebrero 1, 2011

ANG ARAL NG ALIBUGHA

Sinabi ng Bibliya, “At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan” (Lucas 15:20).

Naniniwala ako na ang alibugha ay umuwi dahilan sa nakalipas niyang kasaysayan sa ama. Kilala ng nakababatang lalaking ito ang katauhan ng kanyang ama—hayagan na nakatanggap siya ng dakilang pagmamahal mula sa kanya. Maaring alam niya na kung babalik siya, hindi siya kagagalitan o kokondenahin sa kanyang mga kasalanan.

Masdan kung paano siya tinanggap ng ama sa kanyang nakaaawang kalagayan. Ang nakababatang lalaki ay nagtangkang mag-alay ng buong pusong pangungumpisal sa kanyang ama. Gayunman ng humarap siya sa ama, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapangumpisal. Pinigilan siya ng ama na makapagsalita sa pagtakbong palapit sa kanya at siya ay niyakap.

Ang nakababatang lalaki ay naumpisahan lamang makapagslita, sinabing, “Ama nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak” (t.21). Ngunit hindi na hinintay ng ama na siya ay makatapos magsalita. Para sa kanya, ang kasalanan ng anak ay napatawad na. Ang tanging sagot lamang ng ama ay mag-utos sa kanyang mga alila: “Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya, suutan siya ng singsing at panyapak. Maghanda ng mga pagkain at tayo ay magsasaya. Ang lahat ay nagalak---ang anak ko ay nandito na.” Alam ng ama ang puso ng anak alam niya siya ay ganap ng nagsisi.

Ang kasalanan ay hindi usapin sa amang ito. Ang tanging usapin sa kanyang isipan ay pag-ibig. Nais niyang malaman ng anak niya na siya ay tinanggap na bago pa man siya makapangumpisal. At iyan ang bagay na nais gawin Diyos sa ating lahat: ang kanyang pag-ibig ay mas mahalaga kaysa sa lahat ng ating mga kasalanan. “O hinahamak mo ang Diyos sapagkat siya ay napakabuti, mapagpigil at mapagpaumanhin”(Roma 2:4).