Lunes, Pebrero 21, 2011

PALAGING MAGPASALAMAT

“Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (Efeso 5:20).

Ang bagay na ito na pagpapasalamat palagi ay lubos na mahalaga sa teolohiya ni Pablo, tatlong ulit niya itong binanggit. (1) Pakikipag-usap sa iyong sarili sa pamamagitan ng mga salmo at awit at mga espirituwal na mga awitin,” (2) “Umaawit at may mainam na tinig sa puso mo para sa Panginoon,” (3) “ Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (Efeso 5:20).

Kung walang pananampalataya hindi natin ito magagawa ng marapat. Ganap tayong dinadaig ng mga suliranin at dalamhati. Siyempre ayaw ng Diyos na magkunwari tayo. Sa aking palagay ay ibinigay ni Pablo sa atin ang susi sa lahat ng ito noong sinabi niya sa atin na, “…gawin ito para sa Ama.” Isang dakilang mangangaral na si John Calvin ay nagsabi na ang pag-awit at patuloy na pasasalamat ay isang balatkayo at pagkukunwari lamang maliban na kung tayo ay ganap na naniniwala na ang Diyos ay ating Ama.

Ang ating bibig ay nanginginig minsan sa lungkot kaya’t hindi tayo makaawit; hindi natin madama na magpasalamat. Mga nakakasindak na kalagayan ay dinudurog ang ating espiritu. May panahon na tumataghoy ang ating puso, “Panginoon, inaasahan mo ba talaga na ako ay umawit at magbigay himig kung ako ay lubos na nasasaktan?” “Panginoon, ganap akong nabibigatan sa aking mga dalahin bahagya ko nang maiangat ang aking ulo.” “Panginoon, nahihirapan akong magpuri at magbigay himig sa aking puso. Masyadong maraming pangamba, pagdadalamhati at pagdududa.”

Oo, hindi madali na sumagot sa mahalagang katotohanang ito. Ang Diyos ay hindi mahigpit sa atin kapag tayo ay nasasaktan. Tayo ay mga anak niya. Ngunit ang mga salitang ito ay ibinigay sa atin para makahanap tayo aliw at kaluwagan sa mga ganoong panahon. Lubha tayong nakatuon sa ating mga kabigatan na hindi lamang pag-awit ang nawawala sa atin—lalo tayong nalulubog palayo sa mga walang-hanggang pangako ng Diyos. Sa kabila ng lahat na ating hinaharap, sinasabi ng ating Panginoon, “LAGING MAGPASALAMAT.”

Nawalan tayo ng utang-na-loob sa lahat ng ginawa niya sa atin sa mga nakalipas. Nilamon tayo ng pananalangin para lamang sa ating mga sarili, sa ating mga pangangailangan, sa ating mga pamilya—hindi natin maiangat ang ating mga mata sa ibang mga nagdurusa—nagdurusa ng higit pa sa atin.

Ganap akong nahikayat mula sa salita ni Pablo. Nais kong harapin ang bukas na determinadong umawit para sa aking Panginoon at maghapong magpasalamat—para sa lahat ng bagay—sa lahat ng mga bagay. Maaring ito ay walang himig na awit; maaring ito ay mahina sa simula; ngunit kailangang may lakas sa paggawa nito, sa pamamagitan ng pananampalataya, o hindi ito uulitin ng tatlong beses.

Doon sa sampung-libong pagbabasa ng mensaheng ito ay magsusumikap na umawit kasama ako—malaking kaaliwan ang dadalhin nito sa puso ng Ama. Pagkatapos ay sundan ito sa pagsubok ng katotohanan na narinig ng Diyos ang iyong taghoy, ginagawan niya ito ng lunas maging ngayon at araw-araw—kaya’t magpatuloy sa pagpapasalamat at huwag hihinto sa pag-awit ng mga awiting may pag-ibig para sa ating minamahal na Panginoon at Tagapagligtas.