Ang Diyos ay mayroon nang planong nakahanda para iligtas tayo sa mga nag-aapoy nating mga pagsubok. Anuman ang pinagdadaanan mo, ang Diyos ay may nakahandang planong angkop sa bawat paghihirap. Ito ay isang plano na hindi abot-kaya ng isipan ng tao.
Isang halimbawa, ang nag-aapoy na pagsubok na hinarap ng Israel sa disyerto. Walang tinapay, walang pagkain kahit ano. Anong uri ng mga namamagitang grupo ang maaring makagawa nito, “Manalangin tayo na bukas paggising natin ay may matuklasan tayong puting alipato na pagkain ng mga anghel ang makita natin sa lupa—na may lasang pulot-pukyutan.
Ang Diyos ay may plano—isang himala, hindi malirip na plano. Di-kapanipaniwala!
At doon nagkaroon ng tubig. Ibinusa ang kanilang labi ng maiinit na disyerto. Walang paraan para makaligtas, kung iisipin ng tao. Ilang daang libo ang tumataghoy, humaharap sa bingit ng kamatayan.
Sino ang makakaisip na maiiligtas ng Diyos ang araw na iyon? Sino ang makapagtuturo sa bato at imungkahi kay Moses, “Humayo ka; paluin mo ito at lalabas ang tubig mula rito”?
Ngunit ang Diyos ay may plano—matagal nang nasa isipan niya bago pa man dumating ang krisis.
Bumalik sa Pulang Dagat, na may di-maraanang dagat sa harap nila—ang mga hukbo ni Faraon ay hinahabol sila. Imposible! Walang kapag-a-pag-asa!
Hindi ba may plano ang Diyos bago pa mangyari ang lahat ng ito?