Miyerkules, Pebrero 23, 2011

NAIS ITURO NG DIYOS SA ATIN NA MAKILALA NATIN ANG KANYANG TINIG!

Yaong mga tunay na nakakakilala sa Diyos ay natutunan kung paano kilalanin ang kanyang tinig higit pa sa ibang bagay. Nais niyang kayo ay ganap na kumbinsido na nais niya kayong makausap—para sabihin sa inyo ang mga bagay na hindi ninyo pa nakikita o naririnig kailanman.

Kamakailan lamang ipinakita sa akin ng Panginoon na ako ay nag-aalangin pa tungkol sa pakikinig sa kanyang tinig na mangusap sa aking kaluluwa. Alam ko na nangungusaqp siya at ang mga tupa ay dapat na makilala ang boses ng kanyang Amo. Ngunit nagdududa ako sa aking kakayanang madinig siya. Ginugol ko ang lahat ng aking oras “na siguruhin” ang tinig na aking narinig. At kapag ito ay lubhang malakas o masyadong misteryoso para sa akin, sa aking isipan, “Hindi maaring ang Diyos ito. Maging ang diyablo ay nangungusap din. Ang laman ay nangungusap; ang nagsisinungaling na espiritu ay nangungusap.” Maraming tinig ay dumarating sa atin sa lahat ng sandali. Paano ko makikilala ang boses ng Diyos?

Naniniwala ako na may tatlong bagay ang kinakailangan para doon sa makakarinig ng boses ng Diyos:
1. Kailangang mayroon kang hindi matitinag na pagtitiwala na nais ng Diyos na makausap ka. Kailangang ganap kang naniniwala at kumbinsido tungkol diyan. Totoo nga, siya ay isang nangungusap na Diyos. Nais niyang makilala mo ang kanyang tinig para magawa mo ang kalooban niya. Ang anumang sasabihin sa iyo ng Diyos ay hindi hihigit pa sa hangganan ng Kasulatan. At hindi mo kinakailangan na maordina o magkaroon ng pagkadalubhasang pag-aaral para maunawaan mo ang tinig niya. Ang tanging kailangan mo ay isang puso na nagsasabi, “Naniniwala ako na nais ng Diyos na kausapin ako.”

2. Kailangan mo ng may kalidad na sandali at katahimikan. Kailangang handa kang iharap ang iyong sarili sa Diyos at hayaang ang ibang tinig ay maglaho. Totoo, ang Diyos ay nangungusap sa atin sa buong araw. Ngunit kapag mayroon siyang nais na ipagawa sa aking buhay, ang kanyang tinig ay dumarating lamang kapag isinara ko ang lahat ng ibang tinig maliban sa kanya.

3. Kailangan humingi ka na may pananampalataya. Hindi tayo makakakuha mula sa Diyos (kasama na ang madinig ang kanyang tinig) maliban kung tunay tayong naniniwala na kaya niyang iparating ang kanyang isipan sa atin at makaya nating maunawaan ang kanyang ganap na kalooban.

Sinabi ni Jesus, “Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog?” (Lucas 11:11-12). Sa ibang salita, “Kung hihingi ka sa Ama na makausap siya—isang malinaw na direksyon, isang makadiyos na pagtatama o isang natatanging pangangailangan—sa palagay mo ba kahit na sa ilang sandali na hahayaan niya ang diyablo na dumating at linlangin kayo?

Hindi nagbibiro ang Diyos! Hindi niya papayagan na linlangin kayo ng diyablo. Kapag nangusap ang Diyos, kasunod nito ay kapayapaan! At hindi kayang huwarin ng diyablo ang kapayapaang iyan. Kapag ikaw ay nasa isang lugar na tahimik at may kapahingahan, kumbinsido na kaya ng Diyos na mangusap sa iyo, kung ganoon ay mayroon kang kasiguruhan na hindi magbabago. Maari kang magbalik sa Diyos ng may ilang-libong ulit at matatanggap mo ang katulad na pangungusap—sapagkat ito ang katotohanan.