Miyerkules, Pebrero 16, 2011

ISANG MENSAHE PARA MANAIG SA MGA MANANAMPALATAYA

Nangungusap ako ngayon sa mga mananamapalataya na dinadaig ng walang humpay na pagdating ng mga dalamhati.

“Itong aking puso'y tigib na ng lumbay, sa aking takot na ako ay pumanaw. Sa tindi ng takot, ako'y nanginginig, sinasaklot ako ng sindak na labis” (Mga Awit 55:4-5).

Saliksikin ang Kasulatan at hindi mo matatagpuan ang sinumang tao ng Diyos na nangungusap ng higit pa kay David tungkol sa pagtitiwala sa Diyos. Walang sinuman ang nangusap nang higit pa tungkol sa pagsasaliksik at paghihintay sa Panginoon para sa kalakasan sa panahon ng pangangailangan. Si David ang nagpatotoo na hindi siya nangangamba sa kahi anong masasama, kahit pa lumalakad siya sa bingit ng kamatayan—sapagkat ang Panginoon ay kasama niya.

Ngunit noon dumating kay David ang serye ng malalim at matinding pasakit na yumanig sa kanyang pananampalataya. Sa isang madiing pagbagsak nadama niyang siya ay wala ng pag-asa, tumaghoy siya, “Ang lahat ng tao ay sinungaling!” Nangungusap siya sa tindi ng kanyang nakadadaig na pagdadalamhati at kalungkutan. Ang lahat na binanggit na aliw ay hindi pa dumarating; mistula itong isang kasinungalingan.

Nandoon ang walang humpay na pag-atake sa pananampalataya ni David. Hindi niya inaakusahan ang Diyos ng pagsisinungalinhg—kundi ang lahat ng tinig na dumarating sa kanya mula sa lahat ng bahagi. Si David ay nasa kalagayan ng kawalan ng pag-asa. Humahanap siya ng paraan para makatakas “na mayroon akomg pakpak nang parang sa kalapati, lilipad ako mula sa kawalan ng pag-asa at hahanap ng lugar ng kapahingahan.”

Kapag nangungusap ako kapag ako ay dinadaig, alam ko ang sinasabi ko. Ang anak kong si Debi ay dumaan sa operasyon ng kanyang karamdamang kanser. Ang apo kong may edad na 29 na si Brandon ay dumaraan sa paggagamot ng kanyang kanser na nasa ikaapat na lebel na. tama si David: “ang takot at pangamba ay bumagsak sa amin.”

Ano ang ginagawa ng isang nananalig na anak ng Diyos sa mga ganitong pagkakataon? Dinanas namin katulad ni David.

Kay Yahweh lang ako hihingi ng saklolo; aking natitiyak, ililigtas ako. Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin. Aking itataghoy ang mga hinaing, at ang aking tinig ay kanyang diringgin. Ililigtas ako mula sa labanan, at pababaliking taglay ang tagumpay, matapos gapiin ang mga kaaway.

Manalangin—humanap ng paraan at magtungo sa presensiya ng Panginoon. Kahit na gawin mo itong tahimik, itaghoy mo ang iyong pagdadalamhati at hilingin na bigyan ka ng kapayapaan. Kailangang gumawa tayo ng bagay na higit pa sa pagtitiwala. Kailangang manatili tayo sa Salita ng Diyos at ipanalangin ang pangako pabalik sa kanya.

Ang aking pamilya ay lumalakad sa pananampalataya at umaasa sa katapatan ng kanyang Salita