Nagbigay ang Espiritu Santo ng pahayag kay David na siyang susi sa lahat ng pagpapalaya. Maaring sabihin ni David, “Ang dahilan kung bakit iniligtas ako ng Diyos mula sa mga kaaway ko—mula sa lahat ng aking kalungkutan at sa kapangyarihan ng impiyerno—ang dahilan ay sapagkat mahalaga ako sa kanya. Ang Diyos ko ay nalulugod sa akin!” “Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan, ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan!” (Mga Awit 18:19). Kailangan mo ba ng kaligtasan? Mula sa tukso ng laman, mga tukso o pagsubok? Mula sa mga suliranin sa pag-iisip, espirituwal, emosyonal o pisikal? Ang susi sa iyong tagumpay ay nasa talatang ito. Naluluod ang Diyos sayo. Mahalaga ka sa kanya!
Sa Awit ni Solomon, sinabi ng Panginoon sa kanyang nobya, “Kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo, aking sinta, sa akin ay nagdudulot ka ng galak at ligaya” (Awit ni Solomon). Tatlo sa mga salitang Hebreo sa talatang ito ay magkakatulad: marikit, nangangahulugang “mahalaga”; kayaaya tumutukoy sa pagiging “kasiyahang-loob”; at nagagalak. Ang mga salitang ito ay naglalarawan sa isipan ni Jesus ukol sa kanyang nobya habang nakamasid sa kanya. Nakatingin siya sa kanya at sinasabi, “Gaano ka kaganda, kalambing at kalugud-lugod bilang ikaw. Mahalaga ka sa akin, Mahal ko.” Bilang kapalit, ipinagmalaki ng nobya, “Itong buhay na taglay ko'y sa sinta ko nakalaan, sa akin siya'y nananabik, lagi akong inaasam” (7:10). Ang kahulugan nito dito ay, “Hinahabol niya ako na may kagalakan. Hinahabol niya ako dahil mahalaga ako sa Kanya.” Ang katulad na isiping ito ay matatagpuan sa kabuuan ng Mga Awit: “Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis, sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig” (Mga Awit 147:11). “Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang, sa mga mapagpakumbaba'y tagumpay ang ibibigay” (Mga Awit 149:4).
Maari kong subukan na kumbinsihin ka sa kagalakan ng Diyos para sayo sa pamamagitan ng pagsasabi sayo, “Ikaw ay mahalaga sa Panginoon.” Ngunit maari mong isipin na, “ang sarap namang pakinggan. Ngunit ito ay isa lamang magandang isipin.” Hindi, ang katotohanang ito ay higit pa sa isang magandang kaisipan. Ito ang susi sa iyong kaligatasan mula sa bawat pakikipaglaban ng iyong kaluluwa. Ito ang lihim para sa pagpasok sa kapahingahan na ipinangako ng Diyos sa iyo. Hanggang mapanghawakan mo ito—hanggang sa maging bantayog ng katotohanan sa iyong puso—hindi mo makakayanan ang mga pagsubok ng buhay.
Si Isaias ay may pahayag ng kagalakan ng Diyos sa atin. Hinulaan niya, “Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, "Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok” (Isaias 43:1-2).
Si Isaias ay hind itumutukoy sa tunay na baha o apoy. Ang tinutukoy niya ay kung ano ang pinagdadaanang espirituwal at sa kaisipan. Ang Israel ay nasa pagkakabihag ng panahong iyon; ang kanilang baha ay mga pagsubok, ang kanilang apoy ay mga tukso, ang kanilang ilog ay mga pagsusulit. Ang mga ito ay mga sinusubukan ni Satanas na wasakin at daigin ang mga tao ng Diyos. Ang mga salita ni Isaias ay mga mensahe ng dalisay na kahabagan sa Israel. Ang mga tao ay nasa pagkakabihag dahilan sa kanilang sariling kahangalan at kagunggungan. Ngunit ang Diyos ay nagpadala sa kanila nang isang bigong propeta na nagsabi. “Nais ng Diyos na sabihin ko sa inyo na kayo ay bilang sa kanya.”
Sa mga sandaling ito, maaring ikaw ay nasa kalagitnaan ng iyong sariling umiikot na kaguluhan. Maaring nadarama mong dinadaig ka ng pagsubok at tukso na tinatakot ka na lalamunin ka. Nararapat mong maunawaan na na mula sa halimbawa ng bibliya na ang Panginoon ay hindi palagiang pinakakalma ang tubig. Hindi niya palagiang pinipigilan ang baha na dumating o patayin ang apoy. Gayunman, ipinangako niya ito: “Lalakad akong kasama mo sa lahat ng ito. Ang pagsubok o kalagayang ito ay hindi ka mapupuksa. Hindi ka lalamunin nito. Kaya magpatuloy sa paglakad. Makakarating ka sa kabila na kasama mo sa tabi mo.