Lunes, Pebrero 14, 2011

ANG PANGANIB NG KAWALAN NG PANANAMPALATAYA

Idiniin sa akin ng Diyos ang pangamba ng kawalan ng pananampalataya. Ang pangambang ito ay bunga ng pagsasaliksik sa Kasulatan para sa halimbawa ng maaring kalabasan ng kawalan ng pananampalataya.

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng nasa akin sa kanyang pahayag ng maaring maging pinsala at pagkasira na dulot ng kawalan ng pananampalataya . Tayong mga mananampalataya ay minaliit natin ang bagay na ito, ano kaya at binalewala ng Diyos ang pagdududa noong mga humaharap sa matinding karamdaman at hirap ng panahon.

Minsan naisip ko na marahil ang Panginoon ay magbigay ng tuon doon sa mga humaharap sa animo’y wala ng pag-asang kalalagayan. Halimbawa, ang mga disipulong nakasakay sa palubog na barko. Sa pag-iisip ko ay, “Panginoon sila ay mga tao lamang. Sila ay nakukubawan lamang ng mga kapighatiang yaon. Mistula na itong wala ng pag-asa. Yaon ay karaniwang reaksyon lamang.” Gayunman, sinaway sila ng Panginoon sa kanilang halos kawalan ng pananampalataya.

Oo, mayroong panahon sa pagtangis—nang may pag-ibig na ibinulong ni Jesus, “Sige, tumangis ka; inilalagay ko sa botelya ang bawat luha mo.” Mayroong panahon ng pagtangis; mayroon panahon na tayo ay dinadaig at tayo ay tumatangis. “Nasaan sa mga ganitong sandal ang , Panginoon?” tayo ay naglilingkod sa mapagmahal na Ama na naantig sa ating mga damdamin. Mayroong panahon na naglalaho ang pananampalataya kapag ang pangamba ay dinaig atyo.

Gayunman hindi ba tayo dapat na nananatili sa mga pangambang ito at dumaraang mga pagdududa—kailangang tumayo at “manalig sa anino ng kanyang mga pakpak.” Hindi naaawa ang Diyos sa mgawalang ng pananampalataya—at iyan ay pinatunayan ng buong Kasulatan. Maaring lubhang may pagkagarapal ito, ngunit hindi siya tatanggap ng anumang mga pagdadahilan. Hindi siya nagkakaloob ng ibang pagpipilian maliban sa pananalig.

Ang Israel ay binigyan ng sampung pagkakataon para magtiwala sa Diyos sa mga kakila-kilabot na mga pangyayari. Ang bawat krisis ay idinulot ng Panginoon. Ang naging bunga ng kanilang kawalan ng pananalig ay apatnapungtaon (40) ng kawalan ng pag-asa, pagkalito at pagdadalamhati. Nawala sa kanila ang biyaya ng Diyos at sinabi niya na hindi sila makakapasok sa buhay ng may kapahingahan, kapayapaan at sa dakilang kabutihan ng Diyos dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Tinawag nga Diyos na masama ang kawalan ng pananampalataya. “Mga kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Diyos na buhay” (Hebreo 3:12).

Ang kawalan ng pananampalataya ay bunga ng kapabayaan sa Salita ng Diyos. Ang pananampalataya ay imposible kapag wala itong matiyagang pagsasaliksik ng Kasulatan at panghawakan ng mga pangako nito.

Pinili ko ang magtiwala sa Diyos. Ayokong “iwan ang aking bangkay sa ilang” katulad ng mga Israelitas. Sinabi ng Diyos sa akin na bigkisan ko ang aking baywang… ipaubaya mo sa akin ang lahat ng iyong alalahanin…itigil mo na ang tumingin sa mga pangyayari…manalig ng buong puso na iniibig ka ng Diyos…hindi ka niya pinababayaan. Ang pagtangis ay daraan sa magdamag…ang kagalakan ay darating sa umaga.”

Anuman ang iyong pinagdaraanan, maging ang pagdaan sa mga panganib na maari mong ikamatay, ipinangako ng Diyos na sasamahan ka niya—ngunit ang pananampalataya ay magbubukas ng pintuan sa kalayaan.

Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos. Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway (Mga Awit 31:19-20).