Martes, Pebrero 22, 2011

GAANO KALAKI ANG CRISTO MO?

“Kung hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan, ito ay aking gagawin” (Juan 14:14). Ipinakikita natin ang sukat ng ating Cristo sa pamamagitan ng kung ano ang hinihiling natin sa pangalan niya. Sinabihan tayo na humiling ng malaki at umasa sa mga dakilang bagay. Ipinakikita natin ang kadakilaan ni Cristo sa pamamagitan ng kadakilaan ng kanyang pagbibigay. Maliit lamang ang tingin natin kay Crsito sapagkat maliit lamang ang hinihiling natin.

Nililimitahan natin ang mga kahilingan sa paghingi ng mga materyal na bagay lamang. Totoo, kailangan natin ipaalam ang mga pangangailangan natin. Ngunit ang hilingin lamang ang pagkain at sisilungan ay binabawasan natin ang pagtingin natin sa kanyang kadakilaan.

Ang kaharian ng Diyos ay “kagalakan, kapayapaan sa Espiritu Santo!” Naglilingkod tayo sa matagumpay na Cristo—at tayo ay tinawag para makibahagi sa tagumpay. Mayroon ka bang kagalakan, kapayapaan sa Espiritu Santo? Tumutungo ka ba sa kanyang trono, humihiling sa kanyang kagalakan at kapayapaan? Humihingi ka ba sa Ama “sa ngalan ni Jesus?”

Si Cristo ay hindi nagtagumpay para sa sarili niya. Ginawa niya ito para sa sayo at sa akin. Para makuha natin ang kapakinabangan mula rito. Hinihiling mo ba ng higit pa ang pagiging kawangis niya? Humihiling ka ba ayon sa pananampalataya, sa ngalan ni Jesus, para sa ipinangakong kapahingahan sa Hebreo?

Ang Diyos ay naghihintay at sa hinahangad na mas dakila pang kahilingan. Ang humingi, “sa ngalan ni Jesus” ay isang paanyaya para makibahagi sa dakilang kabutihan ng Diyos na nakalatag para doon sa mga sumasampalataya at sa mga humihiling ng malakihan. Humiling ngayon ng patuloy na lumalagong espiritu ng kagalakan, maging sa mga panahon ng matitinding pagsubok.

At ano ang tungkol sa limang libo na nagugutom sa Bagong Tipan nang tanungin ni Jesus ang kanyang mga disipulo kung ano ang gagawin nila? Sa ibang sabi, ipakita ninyo sa akin ang inyong plano kung paano sila pakakainin. Ano ang maaring gawin para matugunan ang krisis na ito? Sinubukan niya ang kanilang pananampalataya.

Sa buong panahong iyon, may plano si Jesus na nakahanda! Sino sa napakaraming mga taong iyon ang maaring makaisip kung paano sila pakakainin sa pamamagitan ng limang pirasong tinapay at dalawang isda?

Mga minamahal, ang Diyos ay may nakalaan nang plano para sa bawat kalagayan ng iyong buhay. Maaring may naiisip kang pamamaraan kung paano lulutasin ng Diyos ang iyong pinagdadaanang krisis—ngunit sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin na hindi kayang liripin ng isipan ng tao ang pamamaraan ng Diyos.

Hindi sasabihin ng Diyos kung ano ang plano niya. Hindi niya rin tayo bibigyan ng udyok. Ang salita niya sa atin ay: Manampalataya! Ang iyong Panginoon ay may nakahandang pamamaraan—at mayroon siyang kapangyarihan na tuparin ang plano niya. Nais niyang buksan ang kurtina at ipakita ang pamamaraan ng kanyang hindi nakikitang paraan—ngunit hindi niya gagawin ito.

Ang pananampalataya ay isang katunayan na hindi nakikita. Walang kapahingahan para sa atin sa ating mga nag-aapoy na mga pagsubok hanggang hindi tayo lubusang naniniwala na siya ay nakahanda—kahandaang gawin ang hindi kayang liripin ng isipan ng tao, ang imposible. Ang bahagi natin ay nararapat na magtiwala na gagampanan niya kung ano ang ipinangako niya.