Martes, Pebrero 15, 2011

ANG PANANAMPALATAYA AY ISANG PAANYAYA HIGIT PA SA UTOS

Ang pananampalataya ay isang utos. Ito ay nakasulat, “Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Kung walang pananampalataya imposibleng malugod ang Diyos. Idinagdag ng Kasulatan, “Ngunit kung siya'y tatalikod, hindi ko siya kalulugdan" (Hebreo 10:38).

Ako ay nanginginig kapag naiiisip ko ang matinding takot at panganib ng kawalan ng pananamapalataya. ang kawalan ng pananamapalataya ay katulad ng isang balong walang katapusan ang lalim ng pangamba, hapis at panglulupaypay. Ang bunga ng kawalan ng pananamapalataya ay kasindak-sindak. Ito ay nagmumula sa pamamagitan ng takot na hindi nakikita. Ang isang pangamba ngayon ay dalawa bukas, at tatlo, at pagkatapos ay magiging balon na walang katapusan ang lalim ng hindi makayanang hapis at kawalan ng pag-asa.

At lalo ko pang nakikita na ang pangamba at kawalan ng pananamapalataya ay nauuwi sa kawalan ng pag-asa. ito ay tumutungo sa ilang ng kalituhan at kahungkagan. Hindi ito isang pagpipilian—hindi ito isang maliit na bagay lamang sa Diyos. Ito ay buhay at kamatayan. Ito ay mauuwi sa pagkatakot sa lahat ng bagay sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ang pangamba ay isang pagpapakahirap.

Ang lahat ng anak ng Diyos ay nagtitiis sa karamdaman at ibat-ibang uri ng paghihirap. Mabigat sa puso ang marinig ang mga masasakit na bagay na pinagdaraanan ng isang matuwid. Ang aking pamilya ay sinusubok din at nagdurusa.

Ang ilan na dumaranas ng mga nakadadaig at nakasisindak na paghihirap, maging pisikal at espirituwal, ay nawawalan na ng pag-asa. Kapag ikaw ay dumaraan sa pugon ng pagdadalisay, mayroon akong salita para sa iyo.