Biyernes, Enero 7, 2011

ANG PANGINOON ANG ATING KATUWIRAN

“Nalalapit na ang araw, sabi ni Yahweh,na pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan. Magiging matiwasay ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kanya: SI YAHWEH AY MATUWID” (Jeremias 23:5-6).

Ang Diyos ay nagbigay ng pahayag kay propetang Jeremias ni Jehovah Tsidkenu (bigkas Je-HO-va Sid-KAY-noo) sa panahon ng kagipitan katulad ng hinaharap natin ngayon. Kaya, ano ang ibig sabihin nito para sa atin, sa praktikal na katawagan? Ano itong katuwiran na siya ay Panginoon ng—at paano natin malalaman at mauunawaan si Jesus sa papel na ito?

Nagbigay si Pablo sa atin ng ilang katalusan sa paliwanag ng katuwiran sa ilang mga talata.

• “Nanalig sa Diyos si Abraham. Dahil dito, siya’y pinawalang-sala ng Diyos” (Roma 4:3).
• “Pinawalang-sala si Abraham dahil sa kanyang pananalig” (Roma 4:9).
• “Tulad ng nangyari kay Abraham: nanalig siya sa Diyos, kaya’t siya’y ibinilang na matuwid” (Galacia 3:6).

Ang bawat isa sa mga talatang ito ay tumutukoy sa isang bagay na ginawa ni Abraham para makamit ang tunay na katuwiran: siya ay nanalig.

Sa huli, ibinigay ni Pablo ang paliwanag ng Panginoon tungkol sa katuwiran: “Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos, kundi lalo siyang tumibay sa pananalig at pinuri niya ang Diyos. Lubos siyang nanalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako. Kaya dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala” (Roma 4:20-22).

Hindi na mas mapapalinaw pa ng higit pa ng Bibliya ang tungkol sa bagay na ito. Ang katuwiran ay ang manalig sa mga pangako ng Diyos, lubos na nananalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako.